SAVI'S POV Kinunutan ko ng noo si Blue. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano dahil sa mga ikinikilos niya. Kalalabas ko lang galing sa kwarto niya. Nagpalit kasi ako ng damit na pinabili pa niya sa pinsan niyang babae na ilang minuto nang nakaalis. Nagngitngit pa nga ako kanina kasi akala ko babae na niya at sinusugod ako dahil hinahalay ko siya. Pinsan pala niya. Buti na lang talaga. Pagkatapos ko kasing iwan si Blue sa dining ay sakto namang tumunog 'yong doorbell kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binuksan ko agad iyong pintuan. And to my surprise, bumungad sa'kin ang nakabusangot na mukha ng isang babae na parang kaedaran ko lang pero kalaunan ay napaawang ang kanyang mga labi kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata nang mapatitig sa'kin. Hindi ko alam kung may n

