NAPA-ANGAT ang tingin ni Moira mula sa baso ng juice na nasa harapan niya nang maramdaman ang mahinang pagsiko ni Andrea sa kanyang braso. "Ang tahimik mo, Ate," anito sa kanya. "Oo nga, at saka kanina pa nakatulala lang d'yan, at 'di mo pa rin halos nababawasan 'yang pagkain mo," dagdag ni Benjamin. "Samantalang kami patapos na, o." "Hindi mo ba gusto 'yong pagkain, Moira?" narinig niyang tanong ni Miss Erica na nakaupo sa kanyang harapan. Nakaupo sa tabi ng babae si Slater. Hindi kaagad siya nakasagot, pagkuway ay marahan siyang umiling. "May iniisip lang po ako," aniya at agad ding iniiwas ang tingin. Hindi niya magawang tingnan ng matagal si Miss Erica dahil nahahagip din ng mga mata niya si Slater. Tahimik na nagsubo siya ng pagkain. Masarap naman ang mga pagkain na in-order nila

