KAHIT araw ng Linggo ay nagtungo si Moira sa university. Huling araw na iyon para tapusin nila ang pagdi-decorate ng health center dahil bukas ay magsisimula na ang nursing week. Pagkatapos batiin ang dalawang estudyante na nag-aayos sa botanical garden sa labas ay pumasok siya sa loob ng center. Bahagya pa itong nangangamoy pintura kahit na noong Tuesday pa nila ito natapos pinturahan. Ilang araw rin nilang ipinagpaliban ang pagdi-decorate upang mapasingaw ang amoy niyon. "Hi," bati niya sa tatlong estudyante na naabutan. Dalawa sa mga ito ay nakasalampak sa sahig habang ginugupit ang mga materials na ididikit nila sa dingding, habang ang isa naman ay sinisimulan nang ikabit ang iba pang mga dekorasyon. Inilapag niya ang sling bag sa lamesang kinaroroonan din ng gamit nila Andrea, at sa

