Chapter Seven

1641 Words
"HINDI ka ba talaga sasama sa amin?" tanong ni Loisa kay Moira habang naglalakad sila palabas ng gate ng JRRMMC. Katatapos lang noon ng duty nila at nagkayayaan ang grupo na magpunta sa mall na malapit sa ospital. Simula nang lapitan niya ang mga ito noon at makisabay mag-lunch ay sinikap na niyang maging malapit sa grupo. Dati kasi kahit na magkakasama sila sa mga community duty last semester ay para siyang may sariling mundo. Ni hindi niya sinubukan na makipag-usap o makipag-kuwentuhan kina Loisa noon. Ngayon ay unti-unti na niyang nakilala nang mas mabuti sina Loisa, at na-realize niya na masarap din naman palang kasama ang mga ito. "Sige na, sumama ka na para kompleto tayo," sabi naman ni Diody. "Mag-iisang taon na tayong magkakasama sa mga duties, pero hindi ka pa namin nakakasama sa mga lakad na ganito." "Sorry talaga, guys. Last week pa kasi namin na-plan nila Scarlet ang lakad namin ngayon. Next time, promise sasama na ako sa inyo," nakangiti niyang pangako sa mga ito. Hindi na namilit sina Diody, pagkalabas ng gate ay humiwalay na siya sa grupo at tinungo ang waiting shed malapit sa gate two ng ospital para mag-abang ng taxi. Wala siyang dalang kotse dahil ipinahiram niya iyon sa kanyang Ate Michelle. Nasa casa ang kotse ng kapatid niya at kailangan nito ng sasakyan patungo sa seminar nito sa Baguio, kaya ini-offer niya ang kanyang kotse rito. Napakamot siya sa batok, more than fifteen minutes na siyang naroon pero wala pa rin siyang nakukuhang taxi. Maya-maya ay napakunot ang noo niya nang huminto sa harapan niya ang isang itim na Mitsubishi Lancer, bumaba ang bintana niyon sa unahan. "Moira," narinig niyang tawag sa kanya ng nasa loob ng kotse, tinig iyon ni Slater. Bahagya siyang yumuko para tingnan ang loob ng sasakyan. "Sir?" "What are you doing there? Akala ko may lakad kayo nina Rj?" bakas ang pagtataka na tanong ni Slater sa kanya. Alam ng binata na lalabas ang grupo after ng duty nila dahil niyaya pa ito nila Rj kanina. Tinanggihan iyon ni Slater; at sa halip, binilinan na lang ang grupo na magsi-uwi ng maaga. "Hindi ho ako sumama sa kanila, Sir. Hinihintay ho kasi ako ng mga kaibigan ko sa school, eh." "I see," napatango-tango pang sabi nito. "Wala ka bang dalang sasakyan ngayon?" Mahinang iling lang ang isinagot niya. "Gano'n ba? If you want, puwede kang sumabay sa akin. Dadaan din naman ako sa university bago umuwi." Tatanggi sana siya kung hindi lang niya naisip na baka abutin siya nang siyam-siyam sa paghihintay doon ng taxi. "Okay lang po ba?" kunwari ay nag-aalangan pa niyang tanong sa lalaki. Nakangiting tumango si Slater. Binuksan niya ang pinto ng kotse at umupo sa unahan katabi ni Slater. "Thank you po, Sir," pormal niyang sabi at tipid pa itong nginitian. "Nagmamadali ka ba? Okay lang ba kung dumaan muna tayo saglit sa China Town? May bibilhin lang ako," tanong nito nang paandarin na ang kotse. Bumaba ang tingin niya sa suot na relos. Mali-late na siya sa usapan nila ng mga kaibigan, pero ang tigas naman ng mukha niya kung sasabihin niya sa lalaki na nagmamadali siya gayong nakikisabay na nga lang siya rito. Umiling siya. "Hindi naman ho. Okay lang, Sir." Hindi na nagsalita si Slater, itinuon na nito ang pansin sa pagmamaneho. Tahimik lang siya habang binabagtas nila ang kahabaan ng Rizal Avenue. Medyo traffic na rin nang mga oras na iyon. Wala ring kibo ang lalaki noong una pero maya-maya ay tumikhim ito bago binasag ang katahimikan. "Maganda ang napili ninyong topic para sa case presentation," ani ng binata at nginitian pa siya nang tingnan niya ito. "Usually kasi mga common diseases like tuberculosis, dengue or hepatitis ang ipini-present ng mga estudyante." "Si Rj po ang nag-suggest ng case na iyon," sabi naman niya. Sandaling nawalan ng kibo ang lalaki habang nakatuon ang mga mata sa daan, pagkuway ay marahan itong napatango. "I see." Pagkatapos niyon ay muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nang hindi na ulit nagsalita ang binata ay ibinaling na niya ang mga mata sa labas ng kotse. Nilibang niya ang sarili sa panonood sa mga dinaraanan nila. "Okay na ba tayo?" pagkaraan ng ilang sandali ay muling nagsalita si Slater. Nagtataka na napatingin siya rito. "Hindi na ba masama ang loob mo sa akin?" Umiling siya. "Wala naman ho akong dapat ikasama ng loob sa inyo, 'di ba? Lalo na po ngayong alam ko na ang reason kung bakit ginigawa ninyo 'yon sa akin dati." Tipid na ngumiti ang binata. "Anyway, lately, I noticed na madalas mo nang kasama sina Loisa sa Campus." Marahan siyang tumango. "I'm trying to be friends with them. Tama naman ho kasi ang mga sinabi ninyo sa akin, and I want to thank you for making me realized that. At gusto ko rin hong mag-sorry sa inyo, Sir." Sinulyapan siya nito, may mga gatla ang noo ng lalaki. "For what?" naguguluhan nitong tanong. "For hating you," nahihiya niyang pag-amin rito. "Akala ko po kasi talagang pinag-iinitan lang ninyo ako noon." Hindi sumagot si Slater. Naramdaman niya ang pagbagal ng takbo ng kotse, unti-unti iyong itinabi ng lalaki. Huminto sila sa harap ng isang maliit na restaurant sa Ongpin. Pagkatapos ma-i-park ng maayos ang kotse ay saka muling humarap sa kanya ang lalaki. "Did I really give you a hard time before?" Bahagya siyang nangiti sa tanong nito, naalala niya kung ano ang naging epekto sa kanya ng ginagawa ng professor noon. "Kayo lang ho ang nag-iisang instructor na nagpahirap sa akin ng ganoon," tugon niya rito. "Sa sobrang pangdidikdik ninyo sa akin, at sa sobrang ayoko na bigyan ulit kayo ng chance na ipahiya ako sa klase, halos libro ng Pharmacology na lang ang palagi kong kaharap." Hindi nagsalita ang lalaki, nakatitig lang ito sa kanya habang nagsasalita siya. "There were times pa nga ho na halos hindi ako nakakatulog just to prepare for your class. Kasi naman even in my dreams, different classes of drugs and your annoying voice haunted me," patuloy niya habang inaalala kung paano siya nangarag noon sa kakaaral dahil sa lalaki. Napabuntong-hininga ang lalaki. "Mukhang napasobra nga yata ang mga ginawa ko sa 'yo." He smiled sheepishly. Natatawa na napatango-tango siya. "Gano'n nga nga ho, Sir," pabiro na pagsang-ayon niya rito. "I'm sorry," matipid na sabi ni Slater pero dama niya ang sincerity sa tinig nito at pati na sa mga mata nito. Marahan siyang umiling. "You don't have to be, Sir. Maganda naman ho 'yong intention ninyo, eh. Kung tutuusin, dapat nga po mag-thank you pa ako sa inyo. Kasi kahit na ganoon 'yong ginagawa mo sa akin noon, somehow nakatulong din po 'yon sa akin. Na-test pong masyado ang pasensiya ko dahil sa inyo," nangingiti niyang sabi. "Gano'n ba?" natawa na ring sabi ng lalaki. "Opo. Kasi dati I often lose my patience agad over something, no matter how petty it was; pero sa inyo, nagawa kong i-control ang temper ko. Kahit sobrang gigil na gigil na ako, nakakapagpigil pa rin akong sagutin kayo noon. At saka, hindi ko na itinuloy noon ang pagda-drop ng subject n'yo, 'di ba?" "To be honest, I was relieved nang hindi mo itinuloy ang plano mong 'yon. Akala ko mawawala na sa klase ko ang pinaka-magaling kong estudyante." Hindi siya nakakibo. Iyon ba talaga ang tingin sa kanya ni Sir Miranda? Siya ba talaga ang pinaka-magaling na estudyante para dito? "And siyempre, mabigat din sa loob ko kung mawawala ka sa dean's list nang dahil sa akin. I was really worried when you stepped out of our classroom, kaya sinundan kita noon. Kakausapin sana kita, pero kasama mo na 'yong kaibigan mo, and I heard everything you said. Hindi na kita kinausap kasi alam kong hindi mo rin ako pakikinggan kaya pinuntahan ko na lang noon si Miss Mamaril to inform her kung ano ang nangyari. Sinabi ko rin sa kanya, na kahit ano'ng mangyari 'wag ka niyang papayagang mag-drop." Napaawang ang bibig niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit bumaba rin noon si Slater after niyang magwalk-out sa klase nito. Pigil niyang mapabuntong-hininga habang nakatingin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na darating ang oras na mag-uusap sila nang ganito ng professor. Na magagawa niyang ngumiti habang kaharap ito. Matapos mapag-isip-isip ang mga sinabi ng lalaki noong komprontahin niya ito, parang bula na biglang nawala ang lahat ng negatibong nararamdaman niya para rito. Ngayon ay wala na siyang makapang inis o galit sa dibdib niya para sa lalaki. "But I still feel sorry until now. Lalo na ngayong nalaman ko how hard it was for you na tiisin 'yong ginagawa ko noon. Will you give me a chance para kahit papaano naman makabawi ako sa 'yo?" Marahan siyang umiling. "There's no need for that, Sir." "Sige na. Just let me buy you a snack." "Huwag na po, Sir. Thank you na lang po," tanggi niya. "I insist," ani ng lalaki habang inaalis ang pagkakakabit ng seatbelt nito. "Seryoso, Sir, 'wag na po. May lakad din po kasi kami ng mga kaibigan ko, and usapan din po namin na we will have dinner together mamaya." Ilang sandali siya nitong tinitigan pagkatapos ay napatango. "Okay, sige next time na lang. But can I ask you a favor?" Nagsalubong ang kanyang kilay at nagtatakang sinalubong ang tingin nito "Ano ho'ng favor?" "Puwede bang bawasan mo 'yang kakapanganu-'po' mo sa akin? Or much better siguro kung huwag mo na akong i-'po' or 'ho', okay na 'yong 'sir' lang," nakangiwi pang sabi nito. "Pakiramdam ko kasi parang napakatanda ko na, eh, twenty-five lang naman ako, Miss De Vera. P'wede ba 'yon?" Sandali siyang natigilan na parang nag-iisip, pagkatapos ay marahan siyang tumango. "Good," anito at ngumiti pa nang malapad. "Kung ayaw mo talagang mag-snack, hintayin mo na lang ako rito. May bibilhin lang ako." "Opo—I mean, sige, Sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD