“HINDI ko na kaya!” malakas na sabi ni Loisa na parang iiyak na. "Bakit ba ganito 'to kahirap gawin?" Sinulyapan ni Moira ang babae, pero hindi siya nagsalita. Tatlong araw nang puro reklamo ang naririnig niya mula kay Loisa. Naiintindihan naman niya ito dahil maging siya ay parang gusto na ring sumuko sa kanilang ginagawa. Mag-iisang linggo na silang nag-iisip ng topic at title para sa research nila pero hanggang ngayon ay wala pa ring na-a-approve sa mga title proposal nila. “Hoy, ang ingay mo! Gusto mo bang mapalayas tayo rito?” mahinang saway ni Diody kay Loisa at napasulyap pa sa kinaroroonan ng bantay ng library. “Ikaw ang tumahimik diyan!" asik ni Loisa rito bagamat hininaan din naman nito ang boses. Naniningkit ang mga mata ng babae habang nakatigin kay Diody. “Ikaw nga ni isa

