Chapter Eighteen

1905 Words

MULING napahugot nang malalim na hininga si Moira habang nakapanood sa labas ng bintana ng kotse. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kanyang dibdib kahit pa halos magdamag na niyang iniiyak ang sakit na nararamdaman. Kung puwede nga lang ay hindi sana siya papasok ngayon, pero dahil malapit na ang midterms ay napilitan siyang bumangon sa kama, kahit na pakiramdam niya ay parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Isa pang dahilan kaya ayaw sana niyang pumasok sa eskuwela ay si Slater. Inaalala niya kung paano kapag nagkasalubong sila sa campus? Ano'ng mukha ang ihaharap niya rito pagkatapos niyang harapang aminin dito ang feelings niya. Napapikit siya ng mariin. Gustong-gusto niyang tuktukan ang sarili. Bakit mo ba kasi 'yon ginawa? 'Di ka man

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD