Author's POV Tutungo ngayon si Accel sa grocery para bumili ng mga pagkain, siya kasi ang nautusan na bumili para may stock sila sa kanilang Headquarters. Kumuha siya ng kung ano anong pagkain dahil halata sa mukha nito na tinatamad siya. Halos mapuno ang grocery basket dahil sa kanyang ginagawa. Matapos niyang makuha ang lahat ay binayaran niya na ito sa counter. Lumabas siya at nadismaya nang malaman niya na hindi pala kasya ang kanyang pinamili sa kanyang motorbike. "Damn! Bakit ba hindi ko naisip iyon? Hindi pala kakasya dito sa motorbike ko! Ang tanga mo Accel." Bulong niya sa sarili niya. Hindi man niya kaya pero kinaya niya paring iwan ang kanyang motorbike sa harap ng grocery. Binuhat niya ang dalawang karton. Napatigil siya ng biglang may humarang sa kanyang mga motorbikes. T

