Sam's POV Naglalakad ako sa may park nang may nakita akong isang pamilyar na structure nang katawan. Tinignan ko ito ng mabuti at may biglang sumagi sa isipan ko. Nathan Sinco! Si N-nathan! Ang dakila kong playboy na ex. Lumingon siya at doon ko husto nakita ang kaniyang maamong mukha pero sa totoo, siraulo yan at napakawalang puso. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako nakilala niya ako kasi wala nga akong suot na disguise. Hindi ko siya nginitian pabalik. Anong akala niya sa akin? Matapos lahat ng ginawa niya sakin, magiging ganoon nalana ang reaksyon ko? Wait masyado yata akong nagiging bitter sa iniisip ko. May kasama pala siyang babae. Nga naman talaga, Old habits die hard. Kinausap niya ng kaunti ang babae at nabigla pa ako ng lumapit siya sa akin. "Hello Samantha. It's b

