Author's POV Hindi mapakali ang isang lalaki at mistulang palakad-lakad ito na hindi alam ang kanyang gagawin. "Damn! Anong gagawin natin?" "Boss! Hindi pa naman natin nakumpirma kung talaga bang sinusundan tayo niyang si Sam." Saad naman ng isa na mayroong sigarilyo sa bibig. "Kahit pa. Alam ko, alam kong sinusundan na tayo non dahil may atraso tayo sa kanila." "Mamamatay tayong lahat kapag siya ang nakaharap natin." Tumiim ang bagang niya. Tila tumaas ang balahibo ng mga kasamahan nito. Ken's POV "Hoy! Ang kakalat niyo! Hindi man lang ba kayo marunong maglinis?" Naiinis na sigaw ko sa mga kasamahan ko. Sobrang kalat kasi ng paligid. Tumayo si Carl at iniayos ang kanyang buhok. Siya ang unang nagligpit. Ang iba naman ay ang gagaling talaga. Ayaw pang bumangon ah? Sige wait lang k

