Second week ng June, 2007, unang araw ng klase sa Philippine National Police Academy. Second year ang klase na handle ni Penelope del Valle sa subject na World Literature. Tulad ng inaasahan sa unang araw ng klase, pagpapakilala ng propesor at ng mga estudyante sa isa’t isa, pagbasa ng syllabus o session guide at discussion ng house rules ang mga unang activity.
Nasa pagitan ng eighteen to twenty-three years old ang karamihan sa mga miyembro ng second year level. Halos ka-edad lamang niya ang mga ito dahil tatlong taon pa lang ang nakalilipas mula nang mag-graduate siya sa kolehiyo at ngayon ay ipinagpapatuloy niya ang pag-aaral sa graduate school. Karamihan sa mga kadete ay mga degree holder at licensed pa nga yung iba. Kaya lang kahit graduate na ng four year course, pagpasok sa academy ay back to zero ang mga ito kaya yung ibang subjects sa general education ay kailangang kunin muli.
Mahuhusay ang lahat ng mga kadete academically speaking, dahil mula sa libu-libong examinees nationwide, ay iilan lang ang mga nakakalusot. Ang mga ito ang tinatawag na “cream of the crop”, ika nga. At para kay Penelope, isang malaking challenge ang every class session sa kanyang mga estudyante dahil nangangailangan ng ibayong lesson preparation dahil minsan, hindi niya inaasahan ang kanilang mga questions, reactions o comments sa bawat topic.
As usual, sinimulan niya ang klase sa pamamagitan ng pag-atas sa class marcher na simulan na ang pagrereport. Ang tradisyonal na ‘class marcher’s report’ ay kung saan sinasabi ng class marcher kung ilan ang total strength at actual present sa araw na iyon. Sinasabi din nito kung sinu-sino ang absent, whether sick in dispensary, sick in quarter o contingent.
Pagkatapos ng mahabang ritwal ay sinimulan na ni Penelope ang pagpapakilala sa sarili.
“Good afternoon class. I am Miss Penelope del Valle. I will be your teacher in World Literature.”
Lumikha ng ingay ang magkakaibang reaksyon ng mga kadete pagkarinig sa kanyang pangalan.
Tumaas ang kilay niya. “What’s funny?”
Magalang na nagsalita ang class marcher. “Permission to make a statement, ma’am.”
“Go ahead,” utos niya sa class marcher.
“Our apology if we bothered you with our reactions, ma’am. But it’s your name that…”
Hindi na nahintay ni Penelope na patapusin sa pagsasalita ang kadete. Paano’y unti-unti nang nag-iinit ang ulo niya dahil sa pagkairita. “Is there anything wrong with my name? Penelope came from the combined names of my grandparents, Penetacio and Guadalupe,. So, what’s wrong with that?” paliwanag niya habang nakataas ang isang kilay.
“Ma’am,” sabat ng isang kadete habang nakataas pa ang isang kamay. Ibinaling ni Penelope ang kanyang atensyon sa nagsasalita. Agad niyang napansin ang guwapong mukha nito maging ang kulay kayumangging balat na hindi sunog sa sikat ng araw. At nang tumayo ang kadete ay pinigilan niya ang mapa-wow dahil sa height nito na sa tantiya niya ay umaabot sa anim na talampakan ganoon din ang matipunong katawan na dulot marahil ng mahabang physical trainings sa loob ng academy. “Permission to make a statement also, ma’am. It’s not only your name that caught our attention, ma’am…” Bahagyang nangingiti pa ang kadete habang nagsasalita.
“And what?” Bahagyang tumaas na ang tono ng boses niya. Napansin niya agad ang punto ng kadeteng nagsalita, puntong Ilonggo.
“It’s because my name is ‘Ulysses’, and that is the Latin or Roman name for Odysseus, the clever king of Ithaca who, according to the story of Odyssey , joined the Trojan war and devised the stratagem of the Wooden Horse to end the war between the Greeks and the Trojans. But after the fall of Troy, he angered the gods and so, as a punishment, he was not able to reach home, wandered at the sea and landed in different islands full of misfortunes and perils. He was not able to come home for thirty years but finally he was reunited to his beautiful wife Penelope and his son, Telemachus.”
Narinig ni Penelope ang iba’t ibang ekspresyon ng paghanga ng mga kaklase sa kadeteng nagsasalita na sinundan pa ng mahihinang palakpak. Minabuti niyang hindi pansinin ang mga iyon.
“What made you say that he was not able to come home for thirty years?” Nachallenge si Penelope sa kausap na kadete. Matalino kaya talaga ito o nagpapapansin lang? Sa dalawang taong pagtuturo niya sa ibang pamantasan, nalaman na niya ang iba’t ibang klase ng estudyante. Dalawa roon ay ang bright student at ang attention seeker. Iyong bright, bright talaga from the beginning to the end. Pero iyong attention seeker, mukhang matalino sa simula dahil maboka o palatanong, pero sa bandang huli, nakakadisappoint dahil wala naman pala talagang laman ang ulo.
Pero parang ang kadete ang mas na-challenge sa tanong niyang iyon. Tila lalo itong ginanahan sa pagsasalita. “Odysseus joined the Greek army that was established by Agamemnon, king of Mycenae, and it took ten years for them to prepare for the war, such as military training and building of ships. Another ten years for the Trojan war, we all know that the story of Iliad begins on the tenth year of war. And then, another ten years of wanderings caused by the gods whom he angered, Pallas Athena and Poseidon. All in all, thirty years, ma’am.”
Bahagyang siyang napangiti. Mukhang may ibibuga ang isang ito, ah, sabi niya sa sarili.
Nagpatuloy ang kadete na mukhang ginanahan pa dahil napatunganga sa kanya ang mga kaklase dahil sa ipinamalas na kaalaman. “The story of Odyssey is the most influential and most popular work in Greek literature. In fact, it became the model for many later adventure stories in the world because it does not only contain realistic accounts of life in ancient Greece and elements of historical events with fairy tales about imaginary lands and chatacters but also it depicts Odysseus as a model of a man of courage, strength and determination and other human traits such as his being clever, tricky, arrogant and capable of telling lies.”
Hindi na napigilan ng buong klase ang pagpapahayag ng paghanga. Malakas na palakpakan na ang isinukli ng mga ito sa kaalamang narinig mula ssa kaklase.
“Then, what is the connection of the story to our names?” tanong niya matapos senyasan ang mga kadete na tumahimik.
“Eh, ma’am,” Parang nahihiya pang napakamot sa batok ang kadete. “Kasi when we talk of the story, parang… we feel that the main characters, Odysseus and Penelope are true and alive in this classroom because of the two of us.”
Hindi na napigilan ng buong klase ang pagpapahayag ng sari-saring reaksyon. Umugong ang buong classroom dahil sa mga kinilig, nanudyo, at pumalakpak dahil sa huling narinig mula sa kadete.
Maging siya ay hindi nakapagpigil na ngumiti. Oo nga naman, ano? Sabi niya sa sarili. Akalain mong magkatagpo sila ng kadeteng ito sa iisang silid na na kapwa taglay ang pangalan ng main characters ng epikong sinulat ng pamosong blind poet of Greece na si Homer? What a coincidence?
Pero hindi niya dapat ipahalata ang kanyang amusement. Kailangan niyang maging pormal at magpanggap na walang dating sa kanya ang sinabi ng kadete maging ang tuksuhan na nagpaingay sa buong klase. Ganoon kasi sa academy, kailangan laging pormal ang professor para hindi maging relax ang pakiramdam ng mga kadete sa oras ng klase. Nahawa na din kasi siya sa pagiging seryoso ng mga kadete at ng mga police officer na naririto sa loob ng kampo. Iba kasi ang orientation dito, ibang-iba sa colleges and universities sa labas.
“Okay, class. So much for that. Our main objective today being the first day of our class is to get to know one another. We will not dwell much on stories yet.” Pormal niyang sabi.
Biglang natahimik ang buong klase.
“And may I know the top one in this class?” kunwa’y interesado niyang tanong para basagin ang katahimikan.
“Ma’am, it’s Cadet 3rd Class Ulysses Demonteverde, ma’am.” sagot ng class marcher. Cadet third class ang tawag sa nasa second year level, second class naman sa nasa third year level at first class naman kapag nasa fourth year level na. Plebo o fourth class naman ang nasa first year level.
Napatingin uli si Penelope sa dako ng kadeteng kanina lang ay kausap niya at buong giting na ipinangalandakan sa buong klase ang alam niya sa Greek mythology. Nakaupo na uli ito at pormal na nakatitig sa kanya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkailang.
“So, you are the brightest member of this class. Will you tell something about yourself, Cdt Demonteverde,” utos niya rito upang itago ang kakaibang nararamdaman dahil sa mga titig sa kanya ng kadete.
Sa pagkarinig sa utos ay mabilis na tumayo si Cdt Demonteverde. Habang bahagyang nakaliyad at nasa magkabilang tagiliran ang mga braso ay mahusay na nagsalita na tila nagpapa-impress na naman. Muli ay narinig ni Penelope ang puntong Ilonggo nito.
“Ma’am, my name is Cadet 3rd Class Demonteverde. I am twenty-one years old, a licensed Criminologist. I come from a poor family in the beautiful city of Iloilo.”
Muli niyang pinaraanan ng tingin ang kadeteng kaharap. Ngayon ay mas lalo niyang nabibistahan ang kaguwapuhan nito. Sa suot niyang GOA o general office attire, ito yung isinusuot ng mga kadete kapag umaatend ng klase, ay sadyang nakaka-amuse tingnan. He is totally ruggedly handsome. Ano’ng panama ni Richard Gomez noong kabataan nito sa kadeteng kaharap niya ngayon?
Ang buong class session ay lubhang naging napakahaba para kay Penelope. Paano’y hindi nawala ang pagkailang niya dahil sa makahulugang mga titig sa kanya ni Cdt Demonteverde. Noon lang niya naramdaman ang ganoong klase ng uneasiness sa harap ng kanyang mga estudyante dahil siguro sa kakaibang dating ni Demonteverde sa kanya.
Sa totoo lang ay sanay na siya sa mga titig at paramdam ng iba’t ibang lalaki sa kanya, marahil ay dahil sa taglay niyang magandang mukha, maayos na kurba ng katawan at taas na 5’6”. Ilan sa kanyang mga kaibigan ang nagsabi na puwedeng-puwede siyang maging kandidata sa Miss Philippines pero tinatawanan lamang niya ang mga ito. Ang sabi niya ay mas nanaisin niyang maging guro kung kaya nga kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in English at Education units saka nag-enrol sa graduate school.
Pero iba talaga ang dating ni Cdt Demonteverde sa kanya. The man was oozing with urbane charm mixed with tint of arrogance and intimidating behavior. Kombinasyong nakapagtatakang hindi nakaka-turn off sa kanya ngunit sa halip ay nakakaintriga pa.
Nang sa wakas ay matapos ang klase ay dali-daling ni-dismiss ni Penelope ang mga kadete upang makahinga na siya nang maluwag. Pero nakapagtatakang naiwan o sinadyang nagpaiwan si Cdt Demonteverde.
“Yes, Cdt Demonteverde, anything else?” kunwari’y walang ano mang tanong ni Penelope sa lalaki habang inaayos ang kanyang mga gamit na nakapatong sa teacher’s table.
“Nothing, ma’am. Just want to say that you are guwapa…”
“What is guwapa?’ kunwari ay inosenteng tanong niya.
“Beautiful, ma’am. Ilonggo expression for beautiful.” Lumitaw ang mapuputing ngipin ng kadete sa pagkakangiti. “You are very beautiful and elegant in your red dress, ma’am.”
Penelope felt the butterflies in her stomach flying in all directions. Mukhang hindi mauubusan ng pagpuri sa kanya ang lalaking kaharap. She has been receiving praises from several men but this one coming from this gorgeous guy is something different that brought shiver through her spine. He really exuded power and mystery. She was now becoming intrigue with the sheer masculinity in him.
“Wow, you are familiarizing, Cdt Demonteverde.” Natutunan na rin niyang gamitin ang ibang cadet lingo katulad ng ‘familiarizing’ na ang ibig sabihin ay impormal at tila relax na pakikipag-usap sa isang authority, katulad ng isang teacher.
“I’m sorry, ma’am. I just want to tell the truth, ma’am.” Napapahiyang wika nito.
‘I don’t need a comment nor any personal remark from my student, do you understand?” pormal na wika niya.
“Yes, ma’am. Permission to leave, ma’am.” Frustration registered in Cdt Demonteverde’s face.
“You may go now or I will be compelled to issue a delinquency report.” Sinadya pa niyang maggalit-galitan pero ang totoo ay naaawa siyang tingnan ang itsura ng kadeteng napahiya.
“Yes, ma’am. I’m so sorry, ma”am. Permission to leave, ma”am.” Pagkasabi noon ay nagmamadali nang lumabas ng classroom ang kadete.
Saka lang nakahinga nang maluwag si Penelope.