bc

MY BLUE VALENTINE

book_age18+
87
FOLLOW
1K
READ
sex
kickass heroine
decisive
dare to love and hate
police
drama
sweet
bxg
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Whatever ultimate sacrifice could someone do for love could have been done already by Penelope del Valle. Ang isuko ang pag-ibig sa kasintantahang si Ulysses Demonteverde upang iligtas ito sa panghuhusga ng mga tao ay sapat na upang manatili siyang bilanggo ng nakalipas. But she never forget him and she never will. Kailanman ay hindi niya sinubukang kalimutan ang binata at patuloy siyang umasa na isang araw ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana upang maipagpatuloy ang naudlot nilang pag-ibig.

At isang araw nga ay natupad ang inaasam ng kaniyang puso nang di inaasahang masangkot siya sa panganib at si Police Captain Ulysses Demonteverde pa mismo ang nakatakdang maging tagapagligtas niya.

Ngunit paano kung malaman niyang may iba na palang nagmamay-ari sa puso ni Ulysses? Paano pa niya nanaising mabuhay kung ang tanging dahilan upang ipagpatuloy ito ay mukhang mawawala rin pala nang tuluyan sa kaniya?

Credit to the owner of the photo

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MARCH 28, 2010, Alas-dyes ng umaga, 40THCommencement Exercises sa pinakaprestihiyosong police academy sa Pilipinas.  Maaliwalas ang kapaligiran.  Tila nakikisama ang panahon para sa pinaka-espesyal na araw na ito ng pagtatapos ng mga kadeteng nagsanay sa loob ng apat na taon sa loob ng academy upang maging mahusay at magagaling na kawal ng bansa.  Tiniis nila ang kalungkutan at pangungulila sa pamilya, maging ang rigid training ng cadetship alang-alang sa kanilang mga pangarap.  Tahimik sa grandstand kahit tinatayang nasa mahigit dalawang libong tao ang naroroon kasama na ang humigit-kumulang na isang libong kadete mula first year hanggang sa graduating class. Naroroon ang mga magulang, kamag-anak at kaibigan ng mga mangagsisipagtapos na mga kadete na nagmula pa sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas.  Ang mga professors na kinabibilangan niya ay tahimik na nakaupo sa isang bahagi ng grandstand.  Ang ilang guests na police officers at mga pulitiko ay nangakaupo sa bahaging gitna  ng stage. Lahat ay matiyagang naghihintay para sa pagdating ng panauhing pandangal, at iyon ay ang pangulo ng Pilipinas. Matapos ang ilang minuto ng paghihintay ay iniannounce ng master of ceremonies ang pagdating ng presidente kung kaya ang lahat ay nagtayuan bilang tradisyunal na respeto sa pinakamakapangyarihang tao sa buong Pilipinas ngayon.  Kasama niya ang iba pang makapangyarihang personalidad sa bansa.  Ini-aanounce ang pagsisimula ng programa. Mula sa arrival of honor na nilahukan siyempre ng presidente, hanggang sa napakaraming rituals na tipikal sa mga police at military academy. Mula sa parade and review, entrance of colors, adjutant’s call, sound-off by the band, manual of arms, reporting and publication of orders, officer’s center march, presentation of troops and trooping the line hanggang sa distribution of diplomas and certificates.  Sa wakas ay police officers nang maituturing ang mahigit tatlong daang kadete na nag-aral at nagsanay sa loob ng academy sa loob ng apat na taon.  Bachelor of Science in Public Safety ang natapos nila. Ang ibang nagtapos ay sasanib sa BJMP (Bureau of Jail Management and Penology) ang iba ay sa BFP (Bureau of Fire and Protection) at ang iba ay lalahok naman sa PNP (Philippine National Police). Sa tatlong nabanggit, laging mas madami ang umaanib sa PNP, mas astig kasi, ika nga. Maya-maya pa ay tinawag na ang pangalan ng class valedictorian na si Police Cadet Ulysses Demonteverde para sa kanyang valedictory address.  Isang tipikal na talumpati lamang ang nadinig ng mga tao mula sa kanya katulad ng pagbati at pasasalamat sa  kung sinu-sinong tao, pangako ng paglilingkod at katapatan sa bayan at kung anu-ano pa.  Manaka-naka ay napapatango at napapalakpak ang mga tao bilang pagsang-ayon sa iba niyang sinasabi.  Ngunit sa hindi inaasahan ng mga nakikinig, ang huling bahagi ng kanyang talumpati ay naging punong-puno ng damdamin. Hindi tipikal sa isang military o pulis ang magpakita ng emosyon lalo sa harap ng maraming tao at lalo na sa ganoong pagkakataon. Bahagi iyon ng training nila, ‘stability under pressure’ ika nga. Narito ang bahagi ng kanyang talumpati. “At para sa isang tao na naging inspirasyon ko upang harapin  ang lahat ng balakid sa aking cadetship, na nagpakita sa akin ng kagandahan ng buhay at tumulong sa akin upang bumuo ng mga pangarap, isang taus-pusong pasasalamat sa iyo, kahit ang lahat pala ay isa lamang pagpapanggap. Dahil sa iyong balat-kayong pag-ibig, ako ay nangarap at nabigo. At ang pagkabigong iyon ang aking magiging sandata laban sa mga hamon ng buhay.  Balang-araw, kapag binigyan  tayong dalawa ng pagkakataong magkitang muli, ipinapangako ko sa iyo na ibang Ulysses Demonteverde na ang makakaharap mo.  Hindi na ako ang bata at pipitsuging  kadete na pinaglaruan mo ang kakayanan at damdamin.  Tinitiyak ko sa iyo na babaguhin ako ng panahon, papandayin ako ng mga karanasan at pauunlarin ng pagsisikap at determinasyon.  Ipinapangako kong paghahandaan ko ang muli nating pagtatagpo at sana hindi mo ito panghinayangan.  Maraming maraming salamat po.” Umugong ang palakpakan sa buong grandstand sa pagtatapos ng talumpati.  Lahat ay nakangiti kahit bahagyang hindi nila nasakyan ang huling pangungusap ng valedictorian.Pero si Miss Penelope del Valle na tahimik na nakaupo sa grandstand kasama ng ibang faculty ay alam  ang ibig sabihin at kung para kanino ang mga matalinghagang pananalitang iyon.  Ang hindi niya alam ay kung hanggang kailan niya dadamhin ang sakit na umaalipin sa buo niyang pagkatao dalawang taon na ang nakalilipas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.3K
bc

Contract - Tagalog

read
754.4K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.7K
bc

Reckless Hearts

read
256.6K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Unwanted

read
511.8K
bc

The Sex Web

read
133.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook