"Hi, good evening!" Nakangiting bati sa kanya ni Chino kinagabihan at napagbuksan niya ito ng pintuan. Grabe, ang guwapo talaga nito. Bagay na bagay rito ang suot na plain orange shirt at white cargo shorts. "Good evening..." Ganting bati niya at ngumiti rin. "Like I promise, I bought you some fruits." Iniangat ng binata ang dala nitong isang basket ng prutas. "Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa. Magaling na rin naman ako." Pumasok ito sa loob. "You still need this para lumakas ang resistensiya mo." Ideneretso nito ang dala sa kusina. Maingat na inilapag sa kitchen counter. "Tamang tama ang dating mo. Katatapos ko lang ng niluluto kong sinigang na baboy. Dito ka na magdinner. Teka, huwag mong sabihing nakapag dinner ka na bago ka pumunta rito?" "Hmm... Hindi pa." "Great, maupo

