Sa out door garden ng isang hotel ginanap ang kasal nina Chino at Rowella. Ang judge na family friend ng pamilya Aguirre ang nag officiate ng wedding ceremony. Kumpleto syempre ang lahat. Bukod sa mga magulang ay lumuwas mula Iloilo ang mga kapatid ni Chino kasama ng mga asawa at mga anak. Sina Moises at Lanie, sina Lander at Daisy. Ang pamilya ng mama at papa ni Rowella ay nakakatuwang present lahat. Hindi rin syempre mawawala ang mga kaibigan niya. Ang magnobyong Trixie at Benj. Ang pinsan ni Trixie na si Albert, si Jackie, si Mauricious, mga kasamahan niya sa Lovely Essentials, ang mga trabahante ni Chino sa hardware store at iba pang malalapit nilang mga kaibigan ng binata. Ang lahat ay nakasuot ng formal attire. Si Rowella ay magandang maganda sa suot na floor length off the should
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


