"Shhh... Shhh... Stop crying. I'm here now," pang-aalo ni Chino kay Angela habang hinihimas ang likod nito at nakayakap ito ng mahigpit sa kanya. Mabuti na lang ay nakakuha siya ng magaang flight pauwi at nagawa niyang agapan ang muling pagtatangka nitong pagkitil sa buhay nito. Nang dumating siya ng burol ay naroon na ang pamilya nito at malumanay itong kinakausap habang naghe-hysterical ito. Patakbo itong lumapit sa kanya nang makita siya at yumakap ng mahigpit. Nang medyo kumalma na ang dalaga ay agad na iniuwi nila ito ng bahay. "Please, tell me, you won't gonna marry," anito sa pagitan ng paghikbi. "Kapag tuluyan ka nang nakapag-asawa ay maeetsapuwera na ako sa buhay mo. Mawawalan ka na ng panahon sa akin. Hindi ko kakayanin iyon, Chino. I don't think I could live without you. Mas

