CHAPTER 5 - PARTY
Nagising ako ng 7 am, naisipan kong mamili muna para magkalaman naman ang refrigerator ko. Tagal na simula nung namili ako lagi kasi akong sa labas na kumakain, wala na akong oras para magluto kaya sa labas nalang ako kumakain.
Nakabalik din naman agad ako, 9 am na naglinis na ako ng condo at nakaligo na rin ako wala naman akong gagawin buong maghapon dahil wala raw schedule ngayon.
Wow, sakto pala yung paga-aya ni Luiz wala akong gagawin ngayon, so p'wede akong sumama. Hindi na gaanong mahigpit schedule ko ngayon hindi kagaya dati. Dati kasi halos hindi ko makausap mga kaibigan ko dahil laging sunod-sunod schedule ko.
Ngayon nagagawa ko na gusto kong gawin, I'm so happy for that. I feel like, I'm free. But the spotlight is my problem.
Dahil ayoko naman tumambay lang dito sa condo, tinawagan ko si Bella para sabihing pupunta ako sa condo niya.
"Hello, Camilla?" Bungad niyang bati.
"Hi, Bel! May ginagawa ka ba?" Tanong ko
"Bukod sa nagluluto ako ngayon, wala naman na. Bakit?" Tunog ng kaldero ang naririnig ko mula sa linya, nagluluto siguro siya.
"Pupunta ako d'yan ah, wala akong magawa dito sa condo e. . . Hindi ako magdadala sasakyan." Naisip ko kasi na kung magiinom na naman kami hindi na naman ako makakapagdrive pauwi. Naisip ko rin na sa condo muna ni Bella matulog.
"Gago magcocommute ka lang?" Nagtatakang niyang tanong may kasabay pang mura.
"Oo bakit? Bawal ba?"
"Tanga, 'wag pasundo kita kay Luiz papunta rin siya dito. Sabihin ko daan ka r'yan" Ayaw talaga nila akong pinagcocommute dahil daw maraming siraulo tao, mga bastos at magnanakaw.
Nagdala ako ng bag para ilagay ang dalawang pares kong damit at mga essential ko. Ilang minuto lang din ang lumipat nagtext na si Luiz na nasa baba na raw siya.
Pagkababa ko nakita ko siyang nakasandal sa may pinto ng sasakyan niya, nakangiti habang nagti-tipa sa hawak hawak niyang cellphone. Hindi niya napansing nasa harap niya na ako kaya naman pinitik ko ang tenga niya.
"Putangina. . . Kanina ka pa dyan?" Nagulat pa siya.
"Hindi, kararating ko lang"
Nang makasakay na kami sa sasakyan niya. "Sasama ka ba samin mamaya?" Tanong niya.
"Oo, wala naman akong gagawin eh" Wala rin akong schedule bukas kaya okay lang na maglasing ako wala akong gaanong iisipin.
"Sige, papakilala na rin kita sa mga kaibigan namin" Nakangiting sabi niya. Nagkwento siya ng tungkol sa trabaho at sa relasyon nila ni Bella, naikwento ko rin sakanya na boss ko si Rio. Ilang minuto lang rin at nakarating sa condo ni Bella nauna na akong umakyat dahil sabi ni Luiz ipaparada niya pa raw sa parking lot ang sasakyan niya.
"Kumain ka na Camilla?" Tanong ni Bella. Nasa kusina siya naghahanda ng pagkain.
"Oo nagluto ako eh" Sagot ko.
Kumain silang dalawa nagpaiwan lang ako dito sa sala habang ang dalawa ay kumakain.
Pagkatapos nilang kumain inaya nila akong manood ng movie wala rin naman kaming gagawin kaya nanood nalang muna kami.
"Cams, mga 3 p.m tayo pupunta ng bar ah"
"Bakit ang aga?" Nagtataka kong tanong.
"Tutulong pa kasi kami birthday nung kabigan ni Luiz... uh, kaibigan nila Rio at Luiz" Dagdag pa niya. Oo nga pala magkaibigan nga pala si Luiz at Rio.
Oh my... ibig sabihin nandoon si Rio. Shut! bakit naman ako kakabahan, tsaka maayos naman kami naguusap naman kami... well, nagdate na nga kami diba? Hindi ko lang alam kung romantic or friendly date 'yon at least nagdate.
"Pero kung gusto mo sumunod ka nalang doo—" What pagco-commute-tin nila ako?
"Ayoko sasama na ako wala akong sasakyan baka nakakalimutan niyo" Paalala ko.
"Oo nga pala, sige. Sabay ka na samin pumunta doon"
Pinagpatuloy namin ang pinapanood namin hanggang mag alas tres ng hapon. Naghanda na kami ng mga dadalhin at nagayos na rin ng sarili, nagsuot lang ako ng backless top partner with cardigan at mini skirt.
Lumapit sa akin si Luiz at sabing "Uh, Cams"
Pababa na kami ng condo ni Bella nasa elevator na kami ngayon.
"Hm? What?"
Tinignan ko si Bella tahimik lang habang nakahawak sa baywang ni Luiz.
"If you don't want Rio just tell me ah..." Mahina niyang sabi.
Alam kong magkaibigan siya siyempre ayaw niya masaktan si Rio, pero bakit?
"Why?" Nagtataka kong tanong.
Bumuntong hininga muna siya at sabay sabing "I'm a friend of him... also you. So i don't want him to get hurt... Or to broke into piece again..."
Pagkasabi niyang iyon at tumunog na rin ang elevator hudyat na sana ground floor na kami. Habang nasa sasakyan hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Luiz.
Hanggang sa nasa Bar na kami ay iniisip ko pa rin ang mga iyon 'I don't want him to get hurt or to broke into piece again' again? so may past?
Pinilit kong kalimutan ang mga sinabi ni Luiz na iyon ay enjoyin ang party. "Camilla, tara papakilala kita sa mga kaibigan namin" Tumango ako at lumapit kay Luiz at Bella.
"Uh, guys this is Camilla a friend of Bella and mine" Turo sakin ni Luiz may anim na lalaking at tatlong babaeng nakaupo sa couch "Camilla, these are my friend Riehl," Turo niya sa lalaking nakangiting nakatingin sa akin, nginitian ko naman ito pabalik.
"Dylan and his girlfriend ate Chia" Turo niya sa magkaakbayan, matangkad na lalaki at magandang maputing babae. Model kaya siya?
Nginitian nila akong dalawa kaya't kinawayan ko sila
"This is Truett," Nilingon ko ang tinuro ni Luiz, seryoso lang siyang nakaupo habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa binti ng isang babae at ang kanan ay may hawak na basong may laman na alak.
woah.
"Kohan and Kahana they are twin by the way, ... Kahana along with her bestfriend Sanaya" Ah so Kahana yung pangalan nung babaeng hawak nung Truett sa hita mag jowa kaya sila? tinuro niya rin yung si Kohan na nasa kabilang dulo, wow oo nga kambal sila nung kahana.
Iyong Sanaya katabi ni Kahana napapagitnaan si Kahana nina Sanaya at Truett.
"Amadeus," Katabi ni Sanaya ay si Amadeus na seryoso lang din nakaupo habang nakatingin sa ibang taong nagiinuman.
Puro serious type pala mga kaibigan nitong ni Luiz.
"And this is Zericus," Tinuro niya ang lalaking may hawak na alak, nagsasalin ito sa kanyang baso "Wala pa sila—"
"Hi everyone late na ba ako? Grabe traffic sa Edsa" Napalingon ang lahat sa lalaking kararating lang. Matangkad ito at magulo pa ang buhok medyo basa pa. Lumapit siya kay Bella at humalik sa pisngi nito, lumapit rin siya kay Chia. "Hi ate Chia... hey Kahana and Sanaya you're here missed you both" humalik rin siya sa pisngi ng mga ito.
"Oh andyan na pala si Hayes. Hayes, this is Camilla friend namin ni Bella. Camilla, this is Hayes" Naglakad papunta sa pwesto namin si Hayes at nakipagkamay.
Namamangha pa siyang tumingin sakin "Wow, Hi, nice to meet you! gagi diba, model ka?" I nodded the smile.
"Uy papicture" Nilabas niya ang cellphone niya at nagpicture kami, agad niya rin namang tinago 'yon ng tinanong siya ni Riehl.
"What, Hayes? Traffic sa Edsa, saan ka ba galing?" Tanong ni Riehl.
"Secret." He chuckled. "Ang aga niyo naman uminom" Inabutan siya ni Zericus ng alak tatanggihan pa sana ni Hayes ng biglang tumayo si Zeri sabay kinuha ang kami ni Hayes at inilagay roon ang baso ng alak.
"Ah so si Ri—" Napalingon si Luiz sa lalaking paparating.
"I'm here, sorry I'm late" Hinihingal na sabi ni Rio, napatingin siya sa gawi ko kaya umayos siya ng tayo at ngumiti, nginitian ko naman siya pabalik.
"It's okay, come on lets drink" Inabutan rin siya ni Zericus ng alak kinuha niya naman agad iyon.
Inaya ako nila Bella na umupo na sa couch at inabutan nila ako ng baso ng alak.
"Teka hindi mo ba ipapakilala si Camilla kay Rio, Luiz?" Tanong ni Riehl.
"Hindi na magkakilala na siya 'no natulo—" Agad ko siyang kinurot sa tagiliran para hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Nagtataka tuloy tumingin sa 'kin ang mga kaibigan nila.
"U-Uh hindi na magkakilala na kami ni Rio. . . Siya rin kasi bago naming Boss" Lahat sila nag 'Ohh' kaya mas lalo akong nahiya.
Napansin kong papalapit sa akin si Rio kaya medyo nataranta ako.
"Are you okay, Camilla?" Tanong niya at umupo sa tabi ko, inabutan niya ako ng beer na nasa can kinuha ko naman agad iyon.
"O-Of course. . ." s**t! Bakit ako nauutal?