CHAPTER 4 (DINNER)

1816 Words
CHAPTER 4 - DINNER After the meeting, the board directors decide to have a meeting on Saturday evening, to plan the new strategies in company. 'Di ko alam kung bakit kailangan nando'n pa kami? E hindi ba, model lang kami wala kaming alam sa business na yon. And I'm still wondering, why Rio? CEO agad siya, sabi niya 24 palang siya. Siguro, magulang niya may ari tapos tagapagmana siya? Hay sa dinami-rami naman ng magiging Boss si Rio pa. Nauna akong lumabas kaysa kila Quenny, nagpaiwan pa sila kasi raw gusto raw nilang makausap si Rio. Baka tungkol sa mga advertisement 'yon. Pumunta ako ng dressing room para kuhain ang gamit ko at magpalit ng damit. "Hey, Camilla!" Nagulat ako ng pumasok si Nicole Assistant ni Madam Paula ang head manager "Bakit umalis ka agad kakausapin pa raw yung mga model" "What? Wala naman sinabi ni Quenny e, kaya umalis na ako. Tapos na ba?" Tanong ko. Totoo naman na walang sinabi si Quenn hinayaan niya nga lang akong umalis kanina. "Hindi pa" Sagot niya. "E bakit 'andito ka na?" Tanong ko. "May pinapakuha si madam Paula, gusto mo sabay na tayo pumunta do'n" She offered. I just give her a nod. Iniwan ko ulit ang mga gamit ko, bitbit ko lang ang cellphone ko at wallet. My phone vibrate, i took it and i saw Quenny message me to come over. I rolled my eye, Ah! this b***h. Naglakad na kami pabalik sa meeting room, nasa tapat na kami ng pinto hindi mabuksan ni Nicole ang pinto dahil sa mga bitbit niya, kaya ako nalang ang nagbukas ng pinto pagbukas ko nagulat ako dahil lahat sila ay nakatingin samin. s**t ito na naman nakatingin na naman silang lahat sakin. This is so embarrassing! "Ehm. . . Kung kasali kayo rito p'wede na kayong maupo, dahil nagmamadali si Boss—" Sabi ng isang lalaking katabi ni Rio. Napatingin ako kay Rio na ngayon ay Seryosong nakatingin sakin. "No, Vince, it's okay." Hindi naman natapos nung lalaking iyon ang sasabihin niya dahil nagsalita si Rio. Tignan ko ang lalaki na ngayon ay parang naguguluhan sa sinasabi ng Boss. Naupo na kami ni Nicole sa bakanteng upuan. Hindi ko na pansin na katabi ko pala si Naila. "Camilla, hindi ba sinabi sayo ni Quenny na may meeting pa pagkatapos?" Tanong niya. "Hindi, hinayaan niya nga lang akong umalis kanina e, ano ba gagawin dito?" Tanong ko "About the issue" "What issue?" "Yung issue ni Kyla, hindi ba nga may kumakalat siyang scandal." Oh the scandal, may roon kasing kumakalat na scandal ang isa sa mga model na kasama ko. Iba talaga kapag sikat, lahat gagawin mapababa ka lang. Bakit kaya ganon ang mga tao? Akala ko ba lahat tayo maghihilahan pataas pero bakit ganon imbis na pataas ay pababa. Nakakalungkot lang pasalamat nga ako at hindi ko pa nararanas iyon. Kilala ako oo, pero hindi sobra. "And yet, all of the model will required to have their own manager, so that we can minimize some issue. I will assign someone to look for more managers to fulfill it, are you agree with that?" Vince said, and he discuss what will be the new rules and policy. Habang patuloy na nagsasalita iyong Vince tinignan ko si Rio na ngayon ay nakatingin din sakin agad naman siyang umiwas ng magtama ang tingin namin. Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Vince. "Boss, may gusto ko po bang sabihin" Ramdam ko sa gilid ng akin mata ang pagtango niya kahit hindi ko na siya nilingon. "Now, Mr. Varlenia—" Hindi niya na naman pinatapos si Vince sa pagsasalita. Baliw 'ata ito e. "As of now, I just want to say . . . Thank you for being here today with us and I hope you help me and our company for this journey." Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na silang magpaalam, nagpahuli na ako dahil baka mamaya ay meron pa ma-late na naman ako. Nang makalabas na ang lahat ay t'saka lang ako tumayo para lumabas na. "Ahm... Camilla, wait" Napahinto ako ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Rio. Kaya naman ay nilingon ko siya. "U-Uh, y-yes sir?" Bakit ako nauutal? Kami nalang dalawa ang naiwan dahil naglabasan na ang lahat. Papalapit na siya sa akin ngayon hindi ko malaman kung bakit ganon nalang ang nararamdaman ko, parang kakaibang kaba na ngayon ko lang naranasan. At ang bilis ng t***k ng puso nakakabingi na sa lakas ng kalabog. "Can we talk?" Talk? about what? company? gago wala akong alam dito. T'saka bakit ako? ito na naman kinakabahan na naman ako sa hindi ko malamang dahilan. "About the company? Oh no! wala po akong alam dito e si Quenny po dapat kausapin mo" Yumuko pa ako para humingi ng pasensya. Habang nakayuko ay dahan dahan kong inangat ang aking tingin kay Rio na ngayon ay nakangiti. Tumayo ako ng tuwid at semeryoso ang mukha. Ano bang nginingiti ngiti ng isang to "Sir, bakit ka nakangiti?" I hesitate asked. "Camilla, are we good?" Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. "Huh? of course! Bakit naman hindi?" Okay naman kami, ako lang talaga yung parang tangang nagiisip na may girlfriend siya kahit wala naman talaga. What if mommy niya pala yung ka-text niya! s**t nakakahiya! "kasi nung umalis ka sa bahay parang galit ka e" He shrugged off. Sinasabi ko na e, ang tanga ko talaga bakit ba lagi nalang akong nahahalata. Hindi ba talaga ako magaling magtago ng emosyon? "A-Ah iyon ba? Ano ka ba wala yon gusto ko lang talaga umuwi na no'n" Palusot ko, kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan. "Talaga? So nagdinner ka na ba? do you want to eat, come on? let's eat dinner!" Aya niya. Papayag ba ako? Wala rin akong nagawa kung hindi pumayag. Ang sabi ko sa kanya ay antayin niya nalang ako sa parking lot dahil kukunin ko pa ang gamit ko sa dressing room. Pagpunta ko ng dressing room nakita kong nandoon pa pala ang iba nagaayos at handa na ring umalis. Nagpalit pa ako ng damit at inayos na ang aking bag. Naalala ko pala na may dala akong sasakyan kaya naman hindi kami magkasama sa isang sasakyan. Pagbaba ko wala na palang tao nagsiuwian na ang lahat, tinignan ko ang aking orasan para tignan ang oras. Eight o'clock na pala hindi ko namalayan ang oras. Pagkarating ko nang parking lot agad kong hinanap ang aking sasakyan. Nang matanaw ko na ito agad kong nilapitan hindi ko napansin na katabi lang pala ng sasakyan ko ang kay Rio. "Tangina ang pogi" bulong ko habang papalapit sa sasakyan. Nakasandal niya sa may unahan ng kotse niya habang nakatingin sa kanyang orasan. Sa unang tingin hindi mo mahahalatang CEO siya dahil sa porma niya para siyang laging may date na pupuntahan. At kung kumilos siya lalaking lalaki, ang paglakad at pagsasalita. Crush ko na 'ata siya. "Hey, kanina ka pa ba d'yan?" Tanong niya, umiling naman ako. "No, kararating ko lang. So, where do we eat?" Napakamot pa siya ng ulo nakita ko ang palihim niyang pagngiti. "Uh! I'm going to ask it. You? Where do you want?" Ah binalik niya lang sakin ang tanong. Sinabi ko sa kan'ya ang favorite kong restaurant kaya naman napagpasyahan namin na doon nalang kumain, gaya nga ng sinabi ko kanina hindi kami magkasama sa iisang sasakyan dahil pareho kami may dalang kotse. When we arrived in the resto, he asks me what do i want to eat. Lumapit samin ang waiter para kunin ang order namin. "Good evening, Ma'am and Sir" Bati nito "Hi, Ma'am Camilla! yung dati pa rin po?" nginitian ko siya at tumango. Tumingin naman ako kay Frio na mukhang kanina pa nakatingin sa 'kin. "And you sir?" Agad din siyang umiwas ng tingin. Tumingin siya sa menu, at sabay sabing "Kung ano nalang yung kanya. . ." "Hoy, baka hindi mo magustuhan yun" Hindi na siya umimik nginitian niya nalamang ako. Ang pogi tangina. Habang inaantay namin ang order namin, ayoko naman ng tahimik dahil ang awkward kaya kung ano ano nalang ang tinanong ko sakanya. "Hindi ko alam CEO ka pala" Hindi ko makapaniwalang sabi. Nagulat talaga ako hindi ko akalain na siya magiging amo ko. Akala ko reto lang ito, bakit naging boss ko? "Actually, no. My parents own that business and they pass it to me for some reason." Paliwanag niya, hindi siya nakatingin sakin sa kamay niya lamang siya nakatingin. "E ano ba talaga trabaho mo?" Tanong ko. He lift his gaze to me. "I'm an engineer" "What? Alam mo ba na gusto rin ng kapatid ko maging engineer, and alam mo ba na graduating na siya. Hay magkakaroon na rin kami ng engineer" Hindi na nga kami makapagantay nila mama na makagraduate si Camillo e, si papa naman tuwang tuwa dahil makakaroon na raw siya ng anak na engineer. Pangarap niya raw kasi yun nung bata pa siya kaso nga mahirap ang buhay kaya hindi siya nakapagtapos hanggang highschool lang ang natapos niya at si mama naman ay hindi rin nakapagtapos dahil nabuntis siya ng maaga. Ako ang nagbunga. 18 years old si mama nung pinagbuntis niya ako samantalang si papa naman ay 20. Naglayas din si mama sa bahay nila no'n nang malamang buntis siya, agad silang nagsama ni papa. Maraming pinasukang trabaho si papa, kagaya nalang ng construction worker, driver ng tricycle, dispatcher, kargador at kung anu-ano pa si mama naman nagsimula siyang tumanggap ng mga labahin at naging kasambahay din siya mayaman ang pamilya ni mama ayaw niya lang humingi ng tulong sa mga magulang niya. Nung tumuntong ako ng limang taon habang nasa palengke kami ni mama may lumapit saming babae at sinabing, "Alam mo Camille, isali mo 'yang anak mo sa contest. Bagay sakanya, ang ganda kaya ng anak mo" Kaya naman pagkauwing pagkauwi namin sinabi agad ni mama kay papa na isasali nila ako sa contest nung una ayaw ni papa pero nung nalaman niya na may cash price, pumayag din siya. At ayun ang unang panalo ko sa pagmomodel. At nasundan pa yun ng iba pang beauty pageant. "Wow, congrats. Younger brother?" I smiled at him. "Oo, dalawa lang naman kaming magkapatid" He nodded, sakto namang dumating na rin ang inorder namin. Akala ko hindi niya magugustuhan yung inorder namin, nagulat nalang ako tapos na siyang kumain naunahan niya pa ako. Pagkatapos din naming kumain napagpasyahan na rin naming umuwi dahil may pupuntahan pa raw s'ya bukas ng umaga. Pumayag naman na rin ako dahil may pupuntahan din ako bukas. "So, dito nalang magkaiba tayo ng dadaanan e. Thank you" I give him a cute smile. He licked his lower lip "Okay, salamat din. Ingat ka" Pagkatapos nun ay sumakay na ako ng sasakyan, hindi ko alam matapos ang usapan na yun, hindi ko namalayan nakauwi na pala ako. Grabe iba na epekto sakin ni Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD