CHAPTER 3 (NEW BOSS)

1571 Words
CHAPTER 3 - NEW BOSS Nakauwi na ako. Hindi na rin ako nagtagal do'n matapos kong hingin ang susi ko binigay naman niya agad. Nung nakauwi na ako parang wala talaga ako sa mood inis na inis ako hanggang sa makarating ako sa trabaho. Para naman akong tanga no'n nakakainis. Bakit para akong nagseselos? "Camilla, you'll be next. Ready, okay" I nodded. I'm started to pick up my things and put it in my bag, I really don't want messy lalo na kung sa mga gamit ko ayoko nang nakakalat lahat. Nang maayos ko na lahat tinignan kong muli ang akin sarili sa salamin para tiyakin kung ayos na ba ang lahat. Nang makuntento na ako lumabas na ako ng dressing room para pumunta na ng backstage. Lumapit sakin si Naila at sabing "Hi Cams, alam mo ba na may bago na raw tayong boss" Bago? So napalitan na si Mr. Cheng, buti naman ang masungit na baboy na iyon. Hay "Sino? Kilala mo na ba?" Tanong ko, nacu-curious ako bakit kaya pinalitan si Mr. Cheng. "Hindi pa pero sabi ni madam Quenny may meeting daw, sigurado ako ipapakilala na 'yon mamaya...sige na ako na susunod" I shrugged, siguro sana naman mas bata para di gaanong mainitin ang ulo kagaya ni Mr. Cheng. Ilang minuto lang din ang lumipas ay ako na ang sumunod, maraming tao ang nanonood ngayon hindi kagaya nung nakaraan. Irarampa kasi namin ngayon ang mga damit kaya siguro maraming nanonood. Natapos na ang show agad akong nagbihis dahil naiinitan ako sa suot ko grabe balot na balot ako do'n akala 'ata nila may snow sa pilipinas. "Camilla, we have a meeting 3 pm" Sabi ni Quenny, mukhang good mood siya ngayon ah nakangiti habang bitbit ang kanyang clipboard. "Yes, Quenn" I response Dahil alas onse palang ng umaga naisip ko na pumunta muna sa condo ni Bella hindi ko pa siya nakakausap simula pa kagabi. Hindi rin ako nakatanggap ng message mula sakanya kaya naisip ko na puntahan nalang siya. Nagmaneho na ako papunta sa condo ni Bella, hindi naman malayo dito yun sana di ako malate mamaya sa meeting doon nalang siguro ako kakain sa condo ni Bella sana nakapagluto na siya. "Bella..." Panglimang katok ko na 'to hindi niya pa rin binubuksan itong pinto siguro tulog pa. Pinihit ko ang door knob nakakapagtaka dahil hindi ito nakalock, pumasok ako malinis naman ang condo niya baka na sa kwarto niya. Natungo ako sa kwarto niya at kumatok "Bel, andyan ka ba?" Hindi siya sumasagot kaya binuksan ko nalang ang pinto, napahinto ako nang makita kong ... "Camilla, Hindi ka ba marunong kumatok?" Napalingon si Bella sakin agad ko naman siyang sinamaan ng tingin "What the f**k? Kanina pa ako kumakatok ah tapos kayo naghahalikan lang d'yan" Bulyaw ko sa dalawa kong kaibigan na naghahalikan nakapatong pa si Bella kay Luiz habang hinahalikan ito. Ang lalandi talaga, wala ba silang trabaho ngayon? "Ay sorry, Cams kasi itong si Luiz e ang kulit" Napangiwi ako, tumayo si Bella at inayos ang damit niyang nakaangat. "Panira ka naman, Camilla e maguumpisa pa lang kami eh" Sagot naman ni Luiz, sinamaan ko siya ng tingin at nakuha pang tumawa nitong lalaking 'to. "Bakit ba ang init ng ulo mo ah? Kumusta pala yung nireto ko si Rio ano ayos ba?" Tumigil na siya sa pagtawa Bakit pinaalala niya pa naiinis na nga ako eh. "Wala. Teka nga may girlfriend ba yun?" Tanong ko kailangan ko siguraduhin mamaya maging kabit pa ako 'no. "Huh? Bakit? Walang girlfriend si Rio 'no, single 'yon" Nakakunot pang sabi ni Luiz "Magbibigay ba ako ng may jowa? Ano 'ko tanga" Sabay halakhak. Tumayo nang kama dumiretso kay Bella at yumakap. Ano 'to bastusan may kasama kayo 'di ba? Napa irap nalang ako sa hangin "Bakit, Cams? Ano ba nangyari?" Tanong naman ni Bella I sighed "E kasi 'kala ko may girlfriend siya kita ko kasi kanina may katext siya ta's nag-iloveyou, ayon" Nagaalangan akong ngumiti. "Gago nagseselos ka? gago magkasama kayo kanina?" Nagtatakang tanong ni Luiz. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh hindi talaga ako makakasulot sa dalawang 'to. "Sa bahay niya ako natulog kagabi kasi hindi na ako makapag-drive, nalasing ako" Paliwanag ko, They looked at me suspiciously. "Hoy ano ba yang mga tingin niyo walang nangyari samin 'no" I glared at them. "Omg Camilla we're so proud of you, magaling ka na lumandi" Lumapit siya sa'kin sabay hawak sa magkabilang balikat ko at Yumakap. I was shocked, what happened? I never flirt and I will never try it. I'm not NBSB, i do boyfriend before but its for a month lang walang tumatagal kasi lagi nilang reklamo wala raw akong time sakanila puro raw ako trabaho, which is totoo naman. "Camilla, thats better kesa naman bitter ka samin ni Bella 'di ba babe" Bumalik na si Bella sa tabi ni Luiz nakadikit na naman ito na parang linta. Napailing nalang ako. "What? Lumandi? Nah! I'm not bitter 'no, i just don't want to see you guys hugging and kissing in front of me" Depensa ko, hindi ko gets bakit ba naging magjowa itong dalawang 'to. Nagkwento pa sila nang kung ano ano mga nanyari nung birthday ni Luiz, may nakwento pa sila na may nagsuntukan daw dahil nag-agawan ng babae. Natapos daw 'yong party ng 4 am, hindi na raw umuwi si Luiz kaya dito siya natulog sa condo ni Bella. "Kaya ako pumunta dito para makikain, may pagkain ba kayo dito?" Tanong ko kanina pa talaga ako nagugutom hindi manlang ako tinanong kung kumain na ba ako. "Tangina mo. Pumunta ka lang dito para kumain 'di ka ba marunong magluto!" Lumabas na si Bella kaya naman sumunod kami ni Luiz dumiretso sa kusina para tignan kung may makakain ba kami. "Tinatamad ako, t'saka may meeting pa ako mamayang alas tres kapag umuwi pa ako baka ma-late ako. Oh tignan mo nga ala una na" Pagdadahilan ko "Wala na laman ref. ko order nalang tayo" Bumalik ulit siya sa kwarto niya. Pagbalik niya bitbit niya na ang cellphone niya. "Sana hindi 'yan matagal, baka malate ako mamaya pagalitan pa ako ni Quenny" I said. "Nga pala wala ba kayong trabaho dalawa?" I asked both of them "Wala sa lunes pa ako, kaso puro shoots lang naman 'yon" Sagot ni Bella. "Same with my baby. Oo nga pala may pupuntahan ako bukas, sama kayo?" "We'll see. How' bout you, Camilla? " Tugon ni Bella. "Saan naman?" Tanong ko, 'di ko pa sigurado, hindi ko kasi alam ang schedule ko itatanong ko pa sa P.A. ko "Bar, sa Amorette Bar" "Hindi 'yan do'n sa bar na ginanapan ng birthday mo diba?" "Nope, malapit lang 'yon dito. Ano g' ka ba?" Tanong niya "Lemme see," Hindi rin naman nagtagal dumating na rin ang inorder ni Bella, kaya naman sabay sabay kaming kumaing tatlo. Habang kumakain tuloy tuloy pa rin ang pagkukwentuhan namin kung anu-anong topic na rin ang napagusapan. "Luiz, may tanong ako" "Hm, ano 'yon?" He hummed and look at me. "Paano kayo nagkakilala ni Rio?" Nacu-curious talaga ako, dapat itatanong ko 'to kay Rio kanina kaso nakalimutan ko na. "Sa kanya mo nalang itanong, basta sa Bar" Napairap ako, paano ko itatanong dun? malay ko ba kung magkikita pa kami. "'Andito ka na e, ikaw na sumagot. Paano nga?" Pangungulit ko. "Cams, promise hindi magandang kwento kaya sakanya mo nalang itanong" Napailing pa siya, hay 'wag na nga. Nang matapos kami kumain 2:20 nagpahinga lang ako saglit at nagpaalam na rin na aalis na dahil naalala ko na may meeting pa pala akong pupuntahan baka ma-late ako magalit pa sakin si Quenny. "s**t. Bakit ngayon pa, 2:45 na" Bulong ko sa sarili ko. Malas ba talaga ako? Bakit ngayon pa na-traffic malapit na ako e bakit hindi nalang muna ako papuntahin sa pupuntahan ko bago magtraffic. Wow desisyon. Medyo malayo layo pa ako sa work place ko limang minuto na ang lumipas hindi pa rin umuusad ang traffic. ten minutes left, what i'm gonna do now? Nagring ang cellphone ko pagtingin ko kung kaninong number yun. Patay ayan na. Quenny is calling... "Hello, Camilla?" Bungad niya. Halata sa boses niya ang pagkairita "Hey, Quenn! Why?" I greeted her nervously. "Where the hell, are you? the meeting will start in five minutes, where are you" I sighed heavily. She's mad. "I'm sorry. I'm still on the road and f**k guess, I'm stuck in traffic" I said, at buti naman ay umuusad na. Kaya pala traffic may banggaan pala "Bilisan mo kompleto na ang lahat dito ikaw nalang ang kulang" Aniya. "Yes. Ayan na umuusad na, malapit na ako. Bye" Ibinaba ko na ang tawag at nagmaneho na papunta sa lugar wala ng traffic kaya dirediretso na andar ko hanggang sa wakas nakarating din ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa parking lot at agad pumasok sa building sa 5th floor pa ang meeting room, sumakay na ako ng elevator para mapabilis ngunit ganon pa rin nalate pa rin ako. Late ako ng limang minuto, nasa tapat na ako ng pinto kumatok ako at agad naman itong binuksan. Nakita ko na sila Quenny nakatingin sila sakin ngayon. Lahat sila. "Hm, miss excuse me. Pwede ka nang maupo" Napalingon ako sa nagsalita, kilala ko ang boses na 'yon ah. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang nakaupo sa gitna. Hindi kaya kakambal niya 'to? Tanga mo, Camilla. Hindi ako pwedeng magkamali... Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD