CHAPTER 2 (DRUNK)

1578 Words
CHAPTER 2 - DRUNK "Oh! Okay, Wait. Where are your friends?" Tanong ko, kanina pa kami nagkukwentuhan tungkol kung kani kanino at sa mga bagay na gusto namin ewan ko ba parang ang lapit na agad ng loob ko sa kanya yung para bang matagal na kayo magkakilala. He shrugged "They are busy, don't mind them" Wala siyang paki alam? "busy with what?" I asked. "With their girlfriend or fling, I don't know" Umirap pa siya, napangiti ako cute niya. Ano siya lang ba walang jowa o kalandian? "Hey, why are you smiling?" nagtataka nyang tanong. Mas lalo lumaki ang ngiti ko at umiling. Bakit ba ang gwapo niya! "You know, lasing ka na. May maghaahatid ba sayo?" Tanong niya, umiling lang ako, tama siya lasing na nga 'ata ako medyo nahihilo na ako e. "Wala. May saksakyan akong dala" tatayo na ako ng muntik pa akong matumba buti nalang at nahawakan niya ang braso ko para mabalanse ako. "Tama ka nga lasing na nga ako" "Iwan mo na yung sasakyan mo ihahatid na kita hindi mo na kaya mag-drive" Tumayo na siya at kinapa ang susi sa kanyang bulsa. "Lets go" Umiling ako ng malakas lalo kong ikinahilo "No. No. kaya ko, promise. Nakakahiya kung ihahatid mo pa ako" nakayuko na ako ngayon hiyang hiya talaga ako kasi naman hindi talaga ako malakas uminom. "Gusto mo ba tawagin muna natin sila Luiz? Para magpaalam?" Tanong niya hindi niya na inintay ang sagot ko pinaupo niya ulit ako sa sofa at umalis siya para hanapin sila Luiz at Bella. Gusto ko mag c.r. Para akong nasusuka. Kaya naman ay tumayo kahit nahihilo pa ako, pangewang gewang ako maglakad hanggang makaabt sa comfort room napaka dami palang taong invitado. Nagmumunog ako at ang lagay ng mint sa bibig para hindi mangamoy suka at inayos ko rin ang aking make up kasi unti unti na itong nabubura. Palabas na ako ng C.R. may humarang sakin na lalaki hindi ko siya kilala lalagpasan ko na sana siya kaso hinawakan niya ang braso ko."Teka sino ka ba 'wag mo nga akong hawakan" "Wait lang miss magpapakilala lang e" Sabi niya at mas lalong lumapit sa 'kin. "Pwes, hindi ako interesado" Inirapan ko siya at pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko mas lalo niya itong hinigpitan. Tumingin siya sa iba sabay napailing at muling humarap sakin "Ah ganon ah!" Hinila niya ako at pilit ako hinalikan, walang masyadong dumadaan na tao kaya walang nakakakita samin. Help, please. . . "Hey, what are you doing,men?" Kalmadong sabi ni Rio. Buti nalang dumating siya kung hindi baka kung ano na nang yari sakin dito. "Rio," Lumuwag na ang pagkakahawak sakin ng lalaki kaya naman nakakuha ako ng tempo para pumunta sa likod ni Rio. "Uy Rio, girlfriend mo ba yan?" Tanong nung lalaki na ngayon ay mukhang takot na takot "E, ano ngayon sayo?" Tanong niya. Nakita kong nakakuyom ang mga kamay niya. "Rio... alis na tayo, please" Hinawakan ko ang braso ni Rio at pilit kong hinahatak para makaalis na kami baka mapaaway pa siya dahil sakin. Tumingin siya sakin at tumango. Nabawasan ang kaba ko, salamat naman. "Sige. payag na ako uwi na tayo, iiwan ko nalang kotse ko babalikan ko nalang bukas" Napahatak naman na siya at hindi na ako pinigilan ayokong may taong napapaaway dahil sakin. Nakalabas na kami ng bar, papunta kami ngayon sa parking lot. Tinignan ko siya mukhang may iniisip. "Wait, dyan ka lang" Sabi niya. "Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito? Hindi ba ako pwedeng sumama nalang?"sunod sunod ang tanong ko paano kapag sinundan pala kami nung lalaki? Ayoko natatakot ako "natatakot ako mag-isa" diretso kong sabi. Tumingin ako sa kanya ng diretso, bumuntong hininga siya at tumango "Okay, Lets go" Sumunod lang ako kung saan siya pupunta, kukunin niya pala ang sasakyan niya... Mustang... "Pasok na," nakatayo pa rin ako sa labas ng kotse niya samantalang siya nasa loob na. Kaya naman pumasok na rin ako at tumikhim dahil ang tahimik "Sorry, iniwan kita kanina" bakit siya nagso-sorry hindi niya naman kasalanan. "Okay lang hindi mo naman kasalanan e" Ngumiti ako sakanya. "Saan ka ba galing?"Seryosong tanong niya. "Nag-c.r. kasi ako sa sobrang hilo ko nasuka na ako kaya ayun nagpunta muna ako ng cr" Yumuko ako dahil sa kahihiyan "Tapos paglabas ko nando'n na siya pinipigilan niya ako tapos... bigla niya nalang ako hinalikan" Tinanong ko siya kung kilala niya yung lalaki sabi niya classmate niya daw nung college. Pagkatapos no'n hindi ko na alam ang nangyari nagising nalang ako na sa malambot na akong kama... teka paano ako nakauwi nasabi ko ba kay Rio kung saan ako nakatira? Bigla ko nalang iminulat ang mata ko at iginala sa paligid OH MY GOD hindi ko ito kwarto, navy blue ang kulay ng mga kurtina at sobrang lawak ng paligid hindi sobrang dami ng gamit at nakaayos ito. Tumayo ako at agad na hinanap kung nasaan ang bag ko at nagtungo sa c.r. para tignan ang saliri ko. "Omg bakit nawala ang makeup ko? Tinanggal ko ba kagabi?" Bakit wala akong maalala nakakainis naman. Nagayos ako ng sarili at naghanda nang lumabas huminga muna ako ng malamin bago tuluyang lumabas sakto naman paglabas ko papasok ng kwarto si Rio muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat. "Uh, Hi Good Morning" Ngumiti siya bakit ba ang gwapo niya "lets eat breakfast" aya niya tumango naman ako dahil sakto rin gutom na ako. "Talaga? Ikaw lang mag-isa dito? Nassahan fameklyah muo... sorry gutom lang" Tanong ko muntikan pa akong mabulunan kaya agad niya akong inabutan ng tubig. He chuckled "Calm down, wala kang kaagaw" Tumawa pa siya napatulala tuloy ako "huh, bakit may dumi ba ako sa mukha" umiling ako s**t bobo ka talaga Camilla nakakahiya ka. "Wah... kailangan ko na palang umalis kukunin ko pa yung kotse ko do'n sa bar" ngayon ko lang naalala na naiwan ko nga pala ang kotse ko kailangan ko na yun kunin at hindi pa ako nagbubukas ng phone siguradong marami nang tawag sila Bella "Don't worry about your car, nandyan na sa parking lot tapusin mo muna pagkain mo" paano yun nakarating dito tinignan ko sa bag ko kung nandoon ba wala naman binigay ko ba sakanya kagabi? "Huh bakit nandito e 'di ba hindi naman ako nag-drive kagabi hindi ba?" tumango siya. Paano yun napunta sakanya? "Binigay mo sa akin kagabi yung susi ng kotse mo sabi mo ako na bahala doon kaya inutusan ko yung sa naming driver na kunin ang kotse mo sa bar kasi sabi mo kagabi ayaw mo na bumalik doon" Paliwanag niya, sinabi ko pala 'yon s**t baka may iba pa akong nasabi na hindi niya nagustuhan. "Bakit hindi ko maalala? Baka may nasabi akong hindi maganda ah s**t lasing talaga ako kagabi" He began yawning and looking at his watch. He chuckled "Okay lang yun, ang sabi mo lang ang pogi mo Rio " Tumawa siya. "What? sinabi ko 'yon?" Bakit hindi ko maalala lahat kahit isa wala ganon ba talaga ako kalasing kagabi. Umiiling siya at tumayo "Saan ka pupunta?" Tanong ko Tumawa na naman siya "Maliligo, bakit sasama ka?" Nanlaki ang mga mata ko at umiling. Tumatawa pa rin siya hanggang makapasok siya ng kwarto kung saan ako natulog. Kahit nasa taas na siya rinig pa rin tawa niya Kwarto niya pala yun mukhang marami naman ditong kwarto bakit sa kwarto niya pa ako pinatulog? Niligpit ko na ang aking pinagkainan at hinugasan na ito nakakahiya kung sa iba ko pa papahugasan 'to. "Nako! Ma'am Camilla 'wag po kami nalang po" lumapit sa akin ang matandang babae katulong siguro siya dito. Kilala niya ako siguro napapanood niya ako sa TV. "Ako nalang po. Kaunti lang naman po ito, maupo nalang po kayo roon ako na po dito" nginitian ko siya "E kasi ma'am baka po magalit si sir" Kinakabahan siya, panay ang tingin niya sa may hagdan. "Hindi po yan–" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Rio. "Ano yon? Bakit ka naghuhugas ng plato mababasa ka lang dyan e hayaan mo na sila manang" Sab niya umiling ako at hindi siya pinansin "Kaya ko naman 'to, t'saka ako naman ang gumamit ng mga ito. Kaya ko naman ano ka ba sanay ako sa ganito wala akong katulong sa condo ko ako lahat gumagawa" kwento ko sumagot naman si manang. "Nako ma'am Camilla ang swerte po ng mapapangasawa niyo nyan"nakakagulat naman yun wala nga akong boyfriend e. P'wede bang magka-boyfriend muna "Parang hindi naman po" Tumawa pa ako "Hindi ba sir? ang sipag niya swerte mapapangasawa nito ni ma'am" Tumingin ako kay Rio kasi hindi na siya nakapag salita. "A-Ah o-oo" sagot niya "Pero alam niyo ma'am at sir" I hummed, hindi naman sumagot si Rio "Bagay kayong dalawa" abot langit ang ngiti ni manang Nabitawan ko naman ang hawak kong kutsara dahil sa gulat "shipper ka po pala manang e" Tumawa ako samantalang si Rio seryoso lang ano kaya iniisip nitong lalaking 'to Natapos na akong maghugas kaya lumapit ako kay Rio na nasa sofa nakaupo at busy sa cellphone niya. "Hoy, ano yan?" sabay tingin sa phone niya ay may katext siya. Nilayo niya naman ito para hindi ko makita huli na siya nakita ko na. I love you daw... replyan mo na iyan magselos pa 'yang girlfriend mo. may girlfriend pala 'to bakit siya pa nireto sakin nila Bella. "Uuwi na ako, nasaan yung susi ko" seryoso kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD