CHAPTER 18 - Nakulimbat

1110 Words

Nakulimbat NAKALABAS si Milencio sa magandang bahay nang walang kahirap-hirap. Sa dilim na pinagkublihan ay doon uli siya nag-alis ng mga isinuot sa katawan at muling ibinalik sa loob ng bag. Muli rin niyang inililis ang manggas ng damit at bahagyang ginulo ang buhok matapos hubarin ang suot na bonet, at saka tila wala lang na naglakad palayo. Wala ng tao sa labasan nang siya ay makauwi. Alanganing oras na kung kaya maging ang mga regular na istambay sa kalsada ay wala na rin. Dumiretso agad siya sa silong ng kanilang bahay. Alam niyang hindi makakatulog ang tiyuhin at hihintayin ang kanyang pagbabalik, at hindi nga siya nagkamali. Malapad na malapad ang pagkakangiti nito nang mabilis na tumayo pagkakita sa kanya. Nakabuka pa ang dalawang braso at masayang-masayang sumalubong ng yakap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD