Pagbabalik ni Palos "MILENCIO?" Mangiyak-ngiyak na tawag ni Luisa sa pangalan niya habang nakamasid sa ginagawa niyang paghahanda sa gagawing pagnanakaw. Inilihis niya ang paningin. Kung makikita niya ang pagpatak ng luha nito ay baka magbago pa ang kanyang isip. Binuo na niya ang desisyon. Napaniwala na niya ang sariling iyon ang natatanging paraan upang makapagsimula sila ng bagong buhay. Naihulma na niya sa utak na tama ang baluktot niyang pangangatwiran. Kailangang iyon ang isaksak niya sa isipan upang tumibay ang kanyang loob. Upang maging determinado. Pagkatapos ng ginagawa ay saka pa lamang niya hinarap ang asawa. "Ngayon lang 'to, Luisa. Huli na 'to." aniya sa asawang namamalibis na ang luha. "Hindi ko inaasahang papayag ka sa gagawin ko. Ang hinihiling ko lang, sana'y maunawa

