CHAPTER 10 - 'Di inaasahang Pagdating

1144 Words

'Di inaasahang Pagdating ANG namagitan kina Milencio at Luisa ay naging matibay na bigkis na nagtali sa kanilang mga puso at katawan. Walang papel na kinailangang pirmahan. Walang seremonyas, o isang malaking piging at pagdiriwang. Sila sa kanilang mga sarili ang nag-isip na silang dalawa ay iisa na lamang. Nagsilbing sumpaan ang pagsasanib ng kanilang mga katawan at pagsasalo sa kaluwalhatiang dulot ng pagniniig. Bagama't walang basbas ng pari ay itinuring nilang kataling puso at karugtong ng buhay ang bawat isa. Naging mapagsilbi at mabuting kinakasama si Luisa. Gaya ng isang tunay na maybahay, buong sigla niyang ginagampanan ang papel bilang isang mapagmahal na kabiyak. Masaya siya sa piling ni Milencio. Bukod sa maalalahanin, malambing ito at palaging nakaalalay. Maging sa maliliit n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD