Utang na Loob "ANO? Putang-ina, Milencio. Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha? Ano'ng nagbagong buhay ang pinagkaka-kana mo?" Galit na sigaw ni Carlos. Pulang-pula ang mukha nito at nagtatalsikan ang laway. "Kaka, parehas na ako ngayon. Ayoko nang mahuli at makulong uli. Gusto ko nang mamuhay nang tahimik at makabuo ng sariling pamilya." "Kalokohan! Lalong walang mangyayari sa iyo kapag itinuloy mo iyang kagaguhang pinagsasasabi mo. Akala mo ba may katahimikan pa para sa mga katulad nating halang ang kaluluwa? Para sa mga kagaya nating bakasyunan ang hoyo, hindi uso ang bagong buhay na sinasabi mo!" "May naitago naman ako sa huling pinanhik ko, Kaka. Makapag-uumpisa na kami ni Luisa." "Magaling. Ang ibig mo palang sabihin ay pababayaan mo na lang akong mamatay nang dilat ang mga mata

