CHAPTER 39 - Katapusan ng Lahat

818 Words

Katapusan ng lahat TAPOS na ang lahat. Patay na at nailibing na rin ang Kaka ng kanyang asawa. Tahimik niyang isinilid ang ilang gamit sa itim na bag ni Milencio. Iyon na lamang ang nag-iisang bagay na naiwan nito para sa kanya. Muli niyang sinulyapan ang loob ng bahay. Ang bahay na pansamantalang naging langit noong mga panahong kapiling niya ang asawa. Noong mga panahong masaya silang nagbibiruan. Noong panahong bumubuo sila ng mga pangarap. Bahay na naging impyerno kasama ang dimonyong tiyuhing si Carlos. Isang mapait na ngiti ang nanulay sa labi niya kasabay ng luhang nag-unahang pumatak mula sa kanyang mga mata. "Malaya ka na, Luisa. Makaaalis ka na sa loob ng bahay na ito. Makalalayo ka na sa lugar na sasandaling nagbigay sa iyo ng kaligayahan at pagkatapos ay walang kahulilip n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD