Pugante NANG ibalita kay Luisa na wala na ang bata sa kanyang sinapupunan ay nag-iiyak siya. Sa nanghihinang pakiramdam ay nagsisigaw at humagulgol. Walang malamang gawin ang kapitbahay niyang kasama upang pigilan siya sa pagwawala. Isang ginang ang binilinan ni Carlos na magbantay kay Luisa sa loob ng maternity clinic na pinagdalhan matapos pagbantaan. Awang-awa ang ginang sa nananangis na kapitbahay subalit tahimik lang at nakamasid. Hindi niya magagawang labagin ang utos ng halang ang kaluluwang siga sa kanilang lugar. Maliban sa paghawak sa mga balikat ni Luisa upang pigilan sa ginagawa ay wala na siyang maisip. Natatakot na baka hindi magustuhan ni Carlos kung magsasalita siya at kakausapin ito. Bahagya namang kumalma ang babaeng nakunan matapos turukan ng gamot nang lumapit na nur

