Episode 44- Quarrell

1444 Words

"Nag waive po sila ma'am, nagpakilala pong magulang ni Sir at pumayag din po si Sir kaya pinayagan na po siyang lumabas." paliwanag ng nurse ng magulat sila ng pag balik nila ng hospital wala na si Ronnie kaya naman nag mamadali silang bumalik ng nurse information. "Puwedeng lumabas ng hospital ng disoras ng gabi ang isang pasyente?" takang tanong ni Storm. "Opo sir, basta po pumirma ng waiver yung guardian niya." "Baka umuwi na ng hacienda, tara na din umuwi?" yaya naman ni Sea kay Storm na hinila pa sa manggas ng T-shirt si Storm na biglang nakaramdam ng inis na umatras kaya napabitaw si Sea sa pag kakahawak rito. "Kung gusto mong bumalik ng hacienda ng ganitong oras go ahead humanap ka ng masasakyan mo." pikon na wika ni Storm na masama ang loob na nauna pang lumabas ng hospital.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD