"Teka lang naman baka mahulog ako." reklamo ni Sea habang paakyat sila sa isang hagdanan paakyat sa kuwartong kinuha nila para pansamantalang tulugan at nagkasundo silang bukas na ng madaling araw uuwi hindi na nangulit si Chelsea kaya hindi na sila nag debate. "Okay paninindigan naman kita." sagot naman ni Storm na ngumiti na. "Tigilan mo nga ako sa mga banat mo nanaman ganyan." sita naman ni Sea, dahan-dahan naman na ibinaba ni Storm si Sea ng makarating na sila sa kuwartong kinuha sak nito binuksan. "Ewww! Wait lang, as in dito ba talaga tayo matutulog?! My God, babe… that bed looks like it has seen centuries of trauma. Like, I swear, parang ang daming pinagdaanan ng foam na 'yan — emotional, physical, spiritual… kadiri to the highest level!" ngiwi ni Sea na inilibot ang paningin sa

