Nasa isang outdoor patio ng hacienda si Sea habang masarap ang upo habang nag papa home service sa bahay ng foot spa. Ang sarap pala ng buntis binababy ka ng lahat kahit hindi mo hingiin kusang ibibigay sa'yo. Nalaman na kasi ng Mama niya na buntis siya kaya naman alagang-alaga siya nito pati si Storm. Habang ang mommy at Daddy niya ay nagagalit sa kanya dahil ang kabilin-bilinan ng mga ito wag muna siyang mag papabuntis habang hindi kasal pero talaga daw matigas ang ulo niya. Alam niyang mahal siya ng Mommy at Daddy niya kaya alam niya hindi rin siya matiis ng mga ito soon. Ayaw muna niyang guluhin ang parents nila since si Cassie naman ngayon ang humaharap sa problema. Dahil sa nangyari sa kanya sobrang naging focus ang mga ito sa welfare ninya at nalimutan na may anak pang isang babae

