Hingal na hingal si Storm ng bumalik at may dala na itong isang jar ng alamang, halos habol na nito ang hininga ng makabalik sa kanya na saktong 10 minutes nga. Ano kaya ginawa nitong takbo may kalayuan din ang souvenir shop na yun sa eve's garden. "Bakit hindi ka pa nag dala ng pang talop?" tanong pa niya na umiiwas ng tingin dito dahil na aawa siya sa nakikitang hingal nito. "May dala ako." sagot naman nito na naupo sa tapat niya saka inilabas ang swiss army knife na ikinataas ng kilay ni Chelsea. "Like hello?! Akala ko he's just a regular boy scout—laging handa ganyan. Pero oh-em-gee, army pala siya?!" wika pa ni Sea ng kunin ni Storm ang plastic ng mangga at sinimulan ng balatan ang mangga niya kahit hinihingal pa ito. "Walang tubig dito paano mo to kakainin?" tanong ni Storm n

