Napabalikwas ng bangon si Storm ng mapansin na tirik na ang araw mula sa binatan pero napamura pa siya ng mapansin na parang wala siya sa City at nasa probinsya siya dahil sa mga huni ng ibon at tunog ng alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan. Naka-white shirt at jogging pants lang siya, nag mamadali na bumaba siya ng kama saka nag tungo sa bintana at nakita ang magandang tanawin ng mga puno ng talisay. Mahina siyang napamura ng makilala ang paligid. Sa gilid ng kama, may tray ng almusal—longganisa, sinangag, at kape at meron na ka fold na papel na agad niyang nilapitan saka mabilis na binasa. Good morning, Captain Storm Mondragon. Don’t freak out, okay? I swear—hindi kita sinaktan. I just gave you, like… a tiny sprinkle of sleeping pills kagabi. Microdose lang. Promise! Anyway, no n

