“ MABUTI naman at tinanggap mo na iyong bakasyong regalo sa’yo ni Lexy,” si Nanay Bebang.
Sumabay ito sa kaniya kanina sa pag-uwi at hindi niya namalayang nasa pintuan na ng kuwarto niya ang matanda.
Si Nanay Bebang ang nag-iisang lola ni Lexy na nagpalaki rito at dahil parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa ni Lexy ay parang naging totoong lola niya na rin ito.Mabait at maalaga rin ito kagaya ni Lexy.
“ Opo, ‘Nay, magaling kasing mangulit iyong apo ninyo,” biro niya at isinarado na ang dadalhing maleta na may laman na ng mga gamit niya. Bahagya namang natawa ang matanda.
“ Mabuti naman kung gano’n,” sang-ayon nito at tuluyan ng pumasok sa kuwarto niya. Naupo ito sa gilid ng kaniyang kama. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at marahang pinisil-pisil iyon.
Napangiti naman siya at tuwang-tuwa na inihiga ang ulo sa kandungan ng matanda. Para itong bata na naglalambing sa ina. Batid niyang sobra talaga niyang mami-miss ito kahit ilang araw lang siyang mawawala.
“ Sumama ba iyong loob mo kay Lexy? ” malumanay na tanong nito habang marahang hinahaplos-haplos ang kaniyang buhok.
Tumingala naman siya at nakangiting umiling. Kahit kailan naman kasi ay hindi pa nangyaring sumama ang loob nito sa kaibigan. Alam niya kasing palaging mabuti ang intensyon nito.
“Alam mo naman kasing nag-aalala lang din ang kaibigan mong iyon sa’yo. Iniisip kasi no’n na baka habang buhay na maging ganyan ka na lang.”
“ Bakit, ano po ba’ ang mali sa akin na labis niyang pinag-alala? ” Kumunot ang noo niya. Para kasi sa kaniya,wala namang mali sa pinaggagawa niya.
“Ang paikutin mo ang buhay mo sa isang bagay lang, ” makahulugang sagot nito sa kanya. “ Hindi naman siguro niya kayang sikmurain na habang masaya siya ay ganiyan ka pa rin. Ito na rin siguro ang tamang panahon, hija, para pansamantala munang lumayo sa masasakit na alaala.
“ Try to relax at kalimutan mo muna ang lahat. Umalis ka at tingnan mo kung gaano kaganda ang mundo. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa galit at lungkot. Umalis ka muna at tuklasin ang marami pang mga bagay na mas lalong magpapasaya pa sa’yo, ” payo nito sa kaniya at malugod naman niya iyong pinakinggan para na rin sa ikatatahimik ng loob nila.
Naiintindihan naman kasi niya na nag-alala lang ang mga ito sa kaniya ngunit hindi pa rin talaga sang-ayon ang puso niya sa bakasyong iyon. Kahit malugod niyang pinakinggan ang payo nito sa kaniya ay talagang hindi pa rin maipasok sa puso niya ang regalo ni Lexy.
Kung ang ibang tao ay siguradong ikatutuwa ang ganitong regalo,well not for her.
Nasasayangan kasi siya sa oras na ipapahinga niya na alam naman niyang magiging busy ang mga taong maiiwan niya. Para kasi sa kaniya kahit isang segundo lang na mawala siya sa shop nila ay hindi na siya mapakali.
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa taong maiiwan doon. Para na kasing anak niya ang shop na iyon. Dugo at pawis ang pinuhunan nila ni Lexy para mapalago lang iyon at mapalaki.
Sa sobrang pag-iisip ay napadapo na naman ang kaniyang mga mata sa kaniyang maleta. Parang gusto na niyang maiyak. Hindi pa man siya naka-alis ay pakiramdam niya ay isang taon siyang mawawala rito sa munting apartment nila.
Kaya kahit puno ng pag-aalala ay isinantabi niya muna para lang mabigyan ng katuparan ang kahilingan ng kaibigan. Para na rin sa ikapapanatag ng loob nito na okay na siya at okay lang talaga siya.
Kahit hindi man kasi nito sabihin sa kaniya ay alam nito ang dahilan kung bakit
natagalan ang pagpapakasal nito sa boyfriend niyang si Ken at dahil iyon sa kaniya.
“ Nay, alis pala ako ngayon,”mabilis siyang bumangon ng maalalang may pupuntahan pa pala siya ngayon. Kaagad na tinungo niya ang lagayan ng mga damit at pumili ng maisusuot.
“ Saan ka naman ba pupunta? ” tila nag-aalalang tanong ng matanda. “ Akala ko ba kaya ka umuwi ng maaga para makapagpahinga.”
“ Dadalawin ko lang po si Daddy. Mukhang hindi ko na kasi siya madadalaw sa mismong araw ng pagkamatay niya,” sagot niya habang nagbibihis.
Pagkatapos nito ay lumapit ito sa matanda para bigyan ito ng halik sa pisngi.
“ Sige, mag-iingat ka, ha! Huwag masyadong magpapagabi,” bilin nito sa kanya at siya naman ay binitbit na ang bag at tuluyan ng lumabas ng apartment nila.
Nagpasya siyang mag-taxi na lang para hindi na sasakit ang ulo niya kung saan siya magpa-park. Malayo kasi ang parking area ng naturang sementeryo.
Ma-suwerte naman siya dahil maraming dumaan na taxi kaya ayon nakarating siya ng maaga sa puntod ng ama.
Maayos na inilapag nito ang binili niyang bulaklak sa puntod ng ama. Biglang naging weird lang ang pakiramdam niya dahil parang may nakamasid sa kaniya.Binalewala niya na lang iyon at inalayan na ng dasal ang namayapang ama.
Minsan gusto niya ring magtampo sa ama dahil bigla na lang itong nang-iwan. Masakit din naman sa kaniya ang nangyari pero pilit niyang kinakaya dahil may ama pa siyang nagmamahal sa kaniya.
Pero iniisip din niya na marahil ay hindi na nito nakayanan ang sakit at mas pinili na lang tapusin ang lahat.
Lahat ay iniwan siya pero sobrang blessed pa rin naman siya dahil pinalitan iyon ng mga mabubuting tao. Huminto siya sa pag-aaral sa isang university na pinagkukunan niya ng kursong accounting noon at lumipat sa isang Fashion and Arts institute.
Doon niya na-met si Lexy at after nilang matapos ang dalawang taong pag-aaral ay nagpasya silang magtayo ng sarili nilang shop.
Gamit ang naiwang pera ng Daddy niya para sana sa pag-aaral niya ay ginamit niya iyon bilang puhunan nila para sa isang maliit na shop.
Pareho silang pursigido sa napiling negosyo kaya napalago naman nila ito. Bukod sa mga customer nilang araw-araw na binibisita ang shop nila ay tumatanggap din sila ng mga online buyers.
***
MGA tatlong oras na ring nakaupo sa damuhan si Niel, kaharap ang puntod ng Lola niya. Ito lang naman kasi ang tanging tinatakbuhan niya mula pa noon sa tuwing nalulungkot siya.
Parehong hindi niya kasundo ang parents niya kaya nasanay siya sa lola niya. Pati nga ang lolo nito ay hindi niya rin makasundo. Pareho kasing mga seryoso sa buhay ang mga ito. Puro pera at negosyo ang laman ng mga isipan nila.
Ang lola niya lang ang naiiba, simpleng tao lang ito at simpleng mga bagay lang ang hangad sa mundo. Makakain lang ito ng tatlong beses sa isang araw at makitang malusog ang mga tanim nitong halaman ay solve na ito.
Naagaw lang ang atensyon niya nang mapalingon sa kabilang side niya. May kararating lang din na babae roon. Kulay purple ang buhok nito na parang mahilig sa anime. Ewan niya kung bakit bigla na lang siyang napangiti.
Nakapalda ito ng kulay itim na pagkahaba-haba na abot hanggang talampakan nito. Ngunit kahit ganoon ang suot nito pero parang ang dating sa kanya ay sexy at bagay rito ang suot.
Katulad niya ay nakatitig lang din ito sa puntod na kaharap din nito. Side view lang ang nakikita niyang bahagi ng mukha ng babae pero sa hula niya ay maganda ito.
Lalo na kapag masayang nililipad ng hangin ang katamtamang haba ng buhok nito. Parang isang diwata tuloy ang tingin niya sa dalagang naka-agaw ng kaniyang atensyon.