bc

Beautiful Days with You (R-18)(Completed)

book_age18+
991
FOLLOW
4.0K
READ
fated
second chance
dare to love and hate
comedy
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Some people still believe that forever still exist except for Chandria.A girl with a bad past memories and until now she can't still move on.Since kasi iniwan sila ng mother niya, doon na siya nagsimulang huminto na maniwala na may happy ending ang buhay.Ayon sa kanya those things only exist in books and movies.

Until one day everything just suddenly change.Ang boring niyang mundo napalitan ng excitement and that is all because of Niel John Quirino.Ang gwapong happy go lucky na despite sa problema nito sa pamilya ay mas pinili na lang nitong maging masaya.Ngumiti at masiglang hinarap ang hamon ng buhay.

Will he able to change Chandria and make her believe that in love everything is possible?That everything happens for a reason at minsan isang choice din ang magkaroon ng happy ending.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“ TANGGAPIN mo na kasi itong birthday gift ko sa’yong , bakasyon ,Chandy,” pangungulit ni Lexy sa best friend niyang si Chandria. Mula pa kahapon ang pangungulit nito sa kaibigan na tila ba hindi ito susuko ngayon hangga’t hindi nakukuha ang gusto sa mismong araw. Pinipilit kasi nitong palabasin ang kaisa-isang kaibigan sa malungkot nitong mundo. Paano ba naman kasi parang buong buhay at oras nito sa boutique lang nila umiikot. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin nito at ibinalik din ang atensiyon sa ginagawa na tila wala talaga itong interes sa offer ng kaibigan. “ Sige na kasi ” pangungulit pa rin niya and this time , nasa tabi na ito ng kaibigan. Hinawakan nito ang dulo ng damit ni Chandria at hinila-hila iyon na parang bata na may gustong ipabili sa nanay. Napahinto na naman ulit si Chandria at huminga nang malalim. Gusto nitong matawa sa hitsura ng kaibigan na nagpapa-cute sa harapan niya , ngunit kahit ano’ng pagpapa-cute ang gawin nito ngayon ay hinding-hindi pa rin niya ito mapagbibigyan. What for? “ Ayoko nga kasi, pag ” matigas nitong tanggi na para bang napapagod na rin sa pangungulit sa kaniya. “ At isa pa mas kailangan mo ako rito lalo na at nalalapit na iyong kasal mo. Ikaw rin baka hindi mo ma-achieve iyong pinapangarap mong kasal. Lalo na iyong pinagpipilitan mong patunayang may forever. Akala mo naman ‘ pag-ikinasal na iyong dalawang tao ay may forever na. Eh, paano naman si annulment? Hindi pa rin ipinakilala sa inyo? ” may himig ng pagbibiro sa tono niya, at hindi rin niya mapigilang matawa dahil sinimangutan na siya ni Lexy. Sign na naiinis na ito at alam niyang titigilan na rin siya nito sa pangungulit. Halos taon-taon kasi ay ito ang kinukulit sa kaniya ng kaibigan kapag nalalapit na ang kaniyang birthday , kaya alam na alam na niya ang gagawin para matigil na ito sa pangungulit. “ Tse! Bitter! ” paismid na sagot sa kaniya nito na pinagtawanan lang din niya. Mukhang naging successful ang strategy niya. Lumayo na kasi si Lexy sa kaniya at naupo sa silyang medyo may kalapitan pa rin naman sa kaniya. Baka napagod lang sa katatayo. Nakasimangot pa rin ito habang pinag-krus ang dalawang braso nito kaya na-sense na rin niya na sermon na naman ang isusunod nito. “ Ang sabihin mo kasi,Chandy, nagdadahilan ka na naman. ” pag-uumpisa na nito. Napa-iling-iling a never t napangiti na lang siya. “ I’ve been wrong!,” mahinang bulong nito sa hangin at napabuntong-hininga. Kahit kailan kasi hindi talaga nagkakamali ang intuition niya pagdating sa kaibigan. “Jesus Christ , naman! Haller , twenty twenty-two na po tayo. Baka naman puwede na tayong mag-move on. Ilang taon na kaya ang lumipas at isa pa- ,Chandy, hindi malas ang birthday mo. Nagkataon lang iyon at hindi naman siguro sa lahat ng panahon ay malas ang birthday mo. ” Napatigil na lang siya bigla sa ginagawa na para bang tinamaan siya sa huling sinabi ng kaibigan. “ Hindi malas ang birthday mo. ” Parang nag-e-echo iyon sa pandinig niya. Magmula kasi nang mangyari ang isang bangungot sa buhay niya sa mismong araw nang kaarawan niya ay naging ordinaryong araw na lang ito para sa kaniya. Parang gusto na lang niyang kalimutan ang araw ng kapanganakan niya dahil sa tuwing dumarating ang araw na iyon, pakiramdam niya bumabalik lang ang sakit sa kaniyang dibdib. Isang romance novel writer ang mommy niya at manager sa mall naman ang daddy niya. She can say na parang nasa kaniya na ang lahat. Nagmamahalan ang parents niya at naibibigay naman ang lahat ng kailangan niya. Dito siya unang naniwala na may happy ending at forever sa mundo, dahil sa parents niya pa lang ay nakikita na niya mismo na magkakaroon ang mga ito. “ When there is love, there is forever. ” Ang linyang hinding-hindi niya makakalimutan mula sa mommy niya bago pa sila iniwan nito. It was her 13th birthday, sobrang excited siyang umuwi galing sa school. Alam kasi nitong may naghihintay na supresa sa kaniya mula sa parents niya at na-sorpresa nga siya. Papasok pa lang siya sa pintuan nila nang marinig niya ang sigawan na tila nagtatalo ang kaniyang mga magulang. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan sa labis na pagkabigla. First time nitong masaksihan na nag-aaway ang mga magulang niya. Ayon sa naririnig niya ,nahuli raw ng daddy niya na may ibang lalake ang mommy niya. Ayaw nitong paniwalaan dahil malaki ang tiwala niya sa mommy niya na hinding-hindi nito kayang gawin ang sinasabi ng kaniyang daddy. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Sumunod na nangyari ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang kaniyang mommy. Halos hindi na niya ito maaninag sa kapal ng mga luha na nasa mga mata niya. May dala na itong dalawang malaking maleta. Tinangka siyang hawakan ng ina pero hindi rin nito itinuloy bagkus ay tinapunan lang siya nito ng isang makahulugang tingin. Tipong humihingi ito ng isang pag-unawa mula sa kaniya. Iyong tingin na mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Para kasing sinasabi nito na tama ang naririnig niya. “ I’m so sorry, darling, ” ang huling nasabi na lang ng mommy niya at tinalikuran na siya nito patungo sa nakaparada nitong kotse. Sa utak niya gustong-gusto niya itong takbuhin, yakapin at pigilan ang kaniyang mommy sa pag-alis ngunit ayaw naman gumalaw ng mga binti niya. Labis itong namanhid sa pangyayari. Gusto rin niyang sumigaw pero parang bigla na lang siyang nawalan ng boses sa mga oras na iyon. Wala siyang magawa kundi tanawin na lang ang inang papalayo sa kaniya gamit ang sarili nitong kotse. Bumalik lang ang diwa niya nang maramdaman ang mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ng daddy niya. Habang minamasdan nito ang ama ay unti-unting nadudurog ang kaniyang puso. Alam nitong gustong-gustong umiyak ng ama sa sobrang sakit at lungkot na nararamdaman pero nagpipigil lang ito. “ Pasensya na kung naging walang kuwentang ama at asawa ako sa inyong mag-ina, ” sabi ng daddy niya na hindi niya rin maintindihan kung bakit iyon nasabi ng sariling ama. Ang mommy niya ang may kasalanan ngunit bakit ito ang humihingi ng kapatawaran? After ng trahedyang iyon ay nagsimula na ring magbago ang daddy niya. Lagi na lang itong naglalasing tuwing uuwi ng bahay. Madalang na nga lang niya itong nakauusap pero ang maganda lang dahil despite sa mga pagbabago nito , hindi pa rin nito nakakalimutan ang responsibilidad sa kanya bilang ama. Labis naman niyang nauunawaan ang ama dahil kahit siya ay ganoon din ang sakit na nararamdaman, iyong parang ang maganda mong mundo ay napalitan ng impyerno. It was her 18th birthday at alam niyang wala namang surprise na nakahanda sa kaniya pero excited pa rin siyang umuwi, hoping na baka magkaroon ng isang milagro. Pakanta-kanta pa nga siya habang papasok sa gate nila nang mamataan na naka-park na sa garahe nila ang kotse ng kanyang daddy. Bigla siyang nakaramdam ng excitement knowing na maagang umuwi ang daddy niya sa mismong debut. Halos takbuhin niya ang pinto ng bahay nila sa sobrang saya lalo na sa pagbukas nito ay nadatnan niya ang mga kapitbahay sa mismong sala nila. Ngunit ang nakangiti niyang mukha kanina ay napalitan ng matinding kaba lalo na’t hindi masisigla ang mga mukha ng mga tao na nandoon. Mas lalo pang kumabog ang puso niya nang marinig ang malakas na hiyaw ng Tita Alice niya, ang nag-iisang kapatid ng kaniyang ama. Mabibigat ang mga hakbang niya habang papalapit sa kuwartong iyon. May kung ano-anong pumapasok sa isipan niya ngunit pilit niya iyong winawakli. Nadatnan niya roon ang Tita Alice niya sa tabi ng kama ng daddy niya habang ang ama ay wala ng buhay habang nakahiga sa kama. Nakaramdam siya ng panghihina ng tuhod sa nakikita. Pilit tinatanong sa isipan kung bakit nangyayari ito sa kaniya? Hindi naman siya naging masamang bata noon. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa ina sa kabila ng ginawa nito ngunit bakit nangyayari ito sa kaniya. Paano na siya ngayon? Ano na ang gagawin niya? She was just turned eighteen. “ Wala na ang daddy mo, Chandy, ” naiiyak na sabi ng tita niya nang maramdaman ang presensya nito sa loob. Nilapitan siya nito at niyakap nang mahigpit. Doon na niya hindi napigilang mapa-iyak sa sobrang kalungkutan. Kahit namamanhid na ang mga binti ay pinilit pa rin niya ang sariling humakbang para makalapit sa ama. Lumakas ang hikbi niya habang yakap-yakap ang malamig na katawan ng ama. Sa mga oras na iyon pakiramdam niya iniwan na siya ng lahat at gusto na rin niyang mawala. After mailibing ang ama roon na siya nagsimulang nagtanim ng malaking galit sa sariling ina. Ni hindi lang man ito nagpakita sa mismong burol ng asawa. Simula noon itinigil na rin niya na i-celebrate ang mismong kaarawan. Para kasi sa kaniya, malas ang birthday niya at para kasing ipinagdiriwang pa nito ang pagkawala ng ama. “ Tanggapin mo na kasi, ” pamimilit pa rin ni Lexy. Hindi nito namalayang nasa tabi na naman niya ulit ito. Saglit niya itong tiningnan at tinapunan ng ngiti. Pagkatapos ay nilagpasan na nito ang kaibigan at inisa-isang chineck ang mga bagong dating nilang mga damit mula pa sa Thailand. Tila hindi naman magpapatalo ang kaibigan dahil naka-buntot pa rin ito sa kanya para bang wala itong nga balak sumuko ngayong araw hangga’t hindi nakukuha ang gusto nito. “ Ayoko sabi, ”matigas ngunit mahinahon pa rin niyang tanggi nang malingunan ang makulit na kaibigan sa mismong tabi. Sinimulan na nitong nilagay sa hanger ang mga damit. “ At bakit?, ” may bahid ng kaunting inis na wika ni Lexy. Base sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang desperada na ito. Parang gusto na nitong gamitin ang huling baraha para mapapayag na siya sa kahilingan nito. Nilapitan siya nito at hinawakan ang magkabilang balikat niya para humarap sa kaniya. “ Magbabakasyon ka lang naman ah,ano’ng pinag-aalala mo roon? ” tanong ni Lexy sa mababang tono. Hindi naman siya gumalaw ngunit isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Mukhang ayaw talaga siyang tantanan ng bestfriend niya ngayong araw. Kumawala siya sa pagkakahawak sa kaniya ni Lexy. “ Iyon! ” nakangusong turo niya sa sketch ng wedding dress na nakadikit sa dingding na malapit lang sa table niya. “ I badly wanted to finish it as soon as possible para sa kasal mo, kaya puwede ba,wifey. ” Inilapag na nito ang hawak na hanger at makahulugang tinitigan ang kaibigan. Siya naman ang humawak sa magkabilang balikat ng kaibigan. “ Hayaan mo na ako. For how many years, hindi ka pa rin ba napapagod sa birthday gift mo na iyan tuwing birthday ko? Hayaan mo na ako, heto na kasi ako. Ang makasama kayong tatlo sa birthday ko ay sapat na iyon sa akin. ” “ Na hindi mo naman sine-celebrate,” nakangusong bulong ni Lexy sabay irap. Hindi na lang niya iyon pinansin at pinakawalan na ang kaibigan upang maipagpatuloy na ang ginagawa. Mas lalo lang kasi itong mangungulit kung papansinin mo pa. “ Okay! ” biglang sigaw ni Lexy. Pinaikot nito ang mata bago muling nilingon ang kaibigan. Binigyan nito ng nakalolokong ngiti si Chandria na ikinakunot mismo ng noo nito at medyo halatang kinakabahan din. Alam kasi ni Chandria na kapag ganito ngumiti ang kaibigan ay may kung anong kalokohan na naman itong naiisip. Pinilit na lang niyang hindi ito pansinin at mas lalong inabala ang sarili sa ginagawa. Iniisip nitong titigil na din naman mamaya ang kaibigan sa pangungulit sa kanya kapag napagod na. “ Kung ayaw mo sa gift ko, hindi na rin ako magpapakasal , ” ani nito. “ What? ” Nanlaki ang mga mata niya bilang reaksyon sa sinabi ng kaibigan. Halos mabitawan na nito ang hawak-hawak na mga hanger. Kinakabahang lumapit ito kay Lexy. “ Tumigil ka nga! Nababaliw ka na ba?” saway niya. “ Oo! I’m really going crazy, ” anito at kinuha ang ibang mga hanger sa kaniya para ito naman ang magpapatuloy sa ginagawa niya. “ Anong klase akong kaibigan kung hahayaan na lang kita na maging ganito ka habang buhay, ” mahinahong wika ni Lexy. “ Paano ako sasaya ng lubos kung kalahati ng isipan ko ay nasa sa’yo at puno ng pag-alala? ” Napahilot naman si Chandria sa sariling sentido habang pilit ina-absorb ang pinagsasabi ng kaibigan. Hindi niya talaga ina-asahan na sa ganitong sitwasyon hahantong ang birthday gift ng kaibigan. “ Mas makakabuti nga sigurong pareho tayong mag-isa sa buhay. Let’s stay single ‘til we die, ” dagdag pa nito na tila pinakokonsensya pa siya. “ Wifey, naman! Hindi magandang biro iyan, ha, ” nagpa-panic na siya. Kilalang-kilala kasi niya si Lexy na kapag may sinabi ay tinototoo talaga. “ Oo nga pala, ” ani ni Lexy. Napatigil ito saglit sa ginagawa at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa at dinial ang number ng fiance. “ Mas mabuti na sigurong tatawagan ko na ng mas maaga si Ken. Mahirap na kung papaasahin ko pa ang tao. I’m sure na maiintindihan din naman niya siguro. ” Nakagat nito ang pang-ibabang labi at mabilis na inagaw ang cell phone sa kaibigan. “ Oo na, papayag na ako ,” pagsuko niya. Halatang napilitan lang. Isang malapad na ngisi naman ang kumawala kay Lexy. Nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit. “ Mahal mo talaga ako ‘no? ” Paglalambing nito sa kaniya. “ Just trust me, everything will be alright, my wifey,” mahinahong sabi nito at isang buntong-hininga naman ang pinakawalan niya. Gumanti siya nang yakap kahit na may pag-alinlangan pa rin sa kaniyang naging desisyon. Alam naman kasi niyang hindi na rin niya ito mababawi pa at baka ikasama pa ng loob ng nag-iisang kaibigan niya. “ Basta huwag mo akong sisisihin kung pangit ang wedding dress mo,” naka-nguso niyang sabi na tinawanan lang naman ni Lexy. “ As long as na gawa ng mga kamay mo kahit gaano pa iyan ka pangit, susuotin ko pa rin, ” ani nito na ngayon ay humiwalay na sa pagkakayakap sa kaniya. Sa magkabilang pisngi niya naman ito humawak. She really hates it every time na ginagawa niya ito sa kaniya ngunit mukhang wala na sa mood ito para mainis pa. “ Kailangan mong umuwi ng maaga mamaya, okay? ” diretsang sabi ni Lexy at ngumiti ng malapad. “At bakit? ” Kumunot ang noo niya. Napa-awang na lang ang labi nito ng may isang sagot na sumagi sa isipan niya. “ Huwag mong sasabihin na sa susunod na araw na ang alis ko? ” “ Yup! ” Mas lalong lumapad ang ngiti ni Lexy sa kaniya saka naglakad na para puntahan na sila Nanay Bebang at Ana para tumulong sa iba pang mga gawain. “ Sa mismong araw ng birthday ko? ” Halos hindi makapaniwalang bulalas niya habang nakasunod sa likuran ni Lexy. She really can’t believe this! Ang akala kasi nito ay sa susunod pang linggo. “ Yes, at naka-book na ako ng ticket mo for the next day. Wala ng bawian at tapos na tayong mag-usap tungkol diyan. No more what ifs and buts,” pilyong sabi ni Lexy sabay wink sa kaniya. “Pero...” Ngunit hindi na rin niya natuloy ang sasabihin. Mukhang wala na rin naman siyang magagawa. “ Gusto ko pa rin kayong makasama sa birthday ko,” malungkot niyang usal sa isipan. “ Isa pa, Chandy.” Sa kanya na naman ang atensyon nito na para bang narinig nito ang sinasabi ng utak niya. “ Ang gusto ko lang naman kasi ay iyong maranasan mong mapag-isa at kahit sa maikling panahon lang. Give yourself a break. Baka sa sobrang abuso mo riyan sa sarili mo, pati iyan ay iwan ka na rin,” sermon nito na may halong pagbibiro. Tumahimik at napanguso na lang siya. “ Kasi nga, ‘di ba,” pagpapatuloy pa rin nito. “ Ilang buwan na lang at ikakasal na ako. Hindi ko na maipapangako na maaalagaan kita at lagi lang akong nasa tabi mo. Kaya sige na, para na lang sa akin. Okay? ” sabay ngiti sa kanya. May magagawa pa ba siya? “ Puwede ring isipin mo na lang na wedding gift mo na ito sa akin,” dagdag pa ni Lexy. “ Oo nga naman, Chandy,” pagsang-ayon rin ni Nanay Bebang na as usual nakangiti rin sa kaniya. Bakit kaya ganoon na lang ang tuwa nila sa nangyari? As if naman na may magbabago sa buhay niya sa loob ng isang linggo na wala siya sa mga mata nila. “ Pati ba naman ikaw, ‘Nay? Gusto mo rin akong mawala ng ilang araw? ” Kunwari ay nagtatampo niyang sabi na pinagtawan lang ng tatlo, kasama si Ana. “ Hindi naman sa gano’n. Eh, ang gusto lang naman namin ay makalayo ka rito at makasagap naman ng ibang hangin at para na rin makalimot ka na at bumitaw sa masasakit na alaala,” ani ni Nanay Bebang. “ Para makasagap ka rin ng love life, Ate Chandy,” tudyo naman ni Ana at nakipag-apir pa kay si Lexy. Tinalikuran na niya ang mga ito upang balikan ang ginagawa kanina. “ Pssh! Love life? Nakagaganda ba iyon?” anang isipan niya at tinaasan ng kilay ang sariling sinabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.8K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
6.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook