Jian Zeith Teamo’s POV
In His Dreams
I am currently sitting on a wooden bench, in front of me lies hundreds, or even thousands of beautiful flowers in different colors. Above them gracefully flies a lot of butterflies and bees. Sikat na sikat ang araw pero hindi masakit sa balat ang sinag nito, maybe because of the cool breeze of the wind. May isang ilog rin ang nasa gawing kaliwa, the water's crystal clear kaya't sagana sa iba't ibang uri ng isda.
Everything seems perfect, parang paraiso ang lugar na to.
"Napaka gandang lugar, hindi ba?"
Bahagya akong nagulat sa pagsasalita ng isang lalaki, nakatayo sya di kalayuan sa kinauupuan ko.
"Oo, paraiso." Pagsang ayon ko
Dahan dahan syang naglakad papalapit sa akin, may kakaibang ngiti rin ang nakapaskil sa mukha nya. I analysed his physique, he's standing tall, a bit taller than me. He has a pale complexion and brown hair, I guess he's on his early 50s.
"Of course, this is your very own paradise."
Mas lumawak ang pagkakangiti nya, pero hindi yon kagaya ng ngiti ng masayang tao o kaya'y yung ngiting plastik ... kakaiba talaga yon.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko
At ang mukha nya, I think I know him, I feel like we've met before ... hindi ko lang matandaan kung saan o kailan.
"Ang lahat ng ito'y ikaw ang may likha, at talaga namang kahanga hanga ..."
Hindi ko sya maintindihan, anong parte naman nito ang ginawa ko? It ain't possible, he must be insane.
"... too bad, it must be destroyed."
Matapos nyang sabihin yon ay mabilis na dumilim ang paligid, hinarangan ng makakapal na ulap ang araw. Ang magagandang bulaklak ay nagsimatayan, nawala na rin ang mga naliliparang paru paro at bubuyog. Natuyot ang ilog at namatay ang mga nakatira doon. Nawala ang kagandahan ng paligid, napalitan ito ng kamatayan. Nasira ang lahat.
Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko at hinarap sya. "Anong ginawa mo?!"
Whatever he just did, was strangely weird ... and scary.
"Everything you created will be destroyed, everyone near you will die ..."
Mabagal ngunit makahulugan ang pagsasalita nya, his voice is deep and frightening, it is full of authority. Sino ba sya?
"A-anong sinasabi mo?"
Unti unti syang lumakad hangang sa tuluyan na syang makalapit sa akin. Hindi ako makagalaw, I felt like my body was paralysed, I can't even move a single finger.
He leaned on my ear and whispered "... you too ... will be awfully destroyed, and eventually ... die."
— — —
"WAAAAAAHH!!" Biglang sigaw ko sabay tayo sa kama
Nakarinig naman ako ng galabog sa kung saan at biglang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko, iniluwa nito ang ina kong hawak pa ang sandok sa kanang kamay at bote ng asin sa kaliwa.
"Anong nangyari? May magnanakaw ba? Ano ha? Ginalaw ka ba 'nak? Nasaan? Nasaaaaaaaaan?!" OA na sigaw nya sabay libot sa kwarto ko
Tumalon ako pababa sa kama ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat.
"Walang magnanakaw 'ma, nanaginip lang kasi ako ng masama."
"Panaginip? Loko! Kung makasigaw ka parang tinutukan ng baril. Ano bang napanaginipan mo?"
Umupo ako sa kama ko at tinitigan sya. Yung panaginip ko, akala ko totoo ... sobrang linaw non na talagang naniwala ako.
"Wala 'ma. Ni-r**e daw kasi ako ng mga bakla, gang r**e 'ma. Kaya napasigaw ako." Pagsisinungaling ko. Hindi ko maikwento dahil sobrang weird non, baka isipin nya pa buong araw.
"Sus! Mga bakla naman pala eh, matakot ka kung babae, baka mabuntis pa't hingan ka ng sustento."
"Wow 'ma, concern ka talaga sakin no?"
"Alam mo 'nak, bumigay ka na sa bakla, wag lang sa babae. Tandaan mo, ang bakla walang matres, hindi nabubuntis, mahihingan mo pa ng datung. Eh sa babae, pabebe na, palibre pa ng palibre."
Oo nga noh? Ayy hindi hindi! Ano ba to.
"Lumabas ka na nga ng makaligo na ako! Kung ano anong pinapasok mo sa kukote ko mama eh"
"Makikita mo in the near future 'nak, tama si Mama!" Tumatawa pang sabi nya
Pagkalabas nya ay naligo na ako agad para pumasok. Abnormal ng mama ko noh? Alam na kung saan ako nagmana. Pero ayos lang, bawing bawi naman sa mukha. Haha
"Everything you created will be destroyed, everyone near you will die ... you too ... will be awfully destroyed, and eventually ... you'll die."
Kinikilabutan parin ako sa twing naaalala ko yung lalaki sa panaginip ko. Ano kayang trip non sa buhay? Tapos yung mata nyang nakakatakot, kulay dilaw.
Psh. Ito napapala ng kakapanuod ko ng Supernatural eh. Kung ano anong naiimagine ko. Makaligo na nga lang.
— — — — —
Xeira Kaye Fhore’s POV
"Xeira! Hoooooh! Bakit mo ako iniwan? Hindi na nga ako nakasama sayo kahapon, iniwan mo pa ako ngayon!" Litanya ni Abessie pagkarating nya dito sa room
Pero imbis na sumagot ay tiningnan ko sya sandali at tumingin na rin sa harap. Kanina pa ako dito sa room at wala paring teacher, actually kasalanan ko naman, akala ko kasi 7:30 ang pasok, 8:00 pala. 7:30 nga pala ako pumasok kahapon dahil may inayos pa akong ilang requirements, pero ngayon tuloy room nalang ako.
"Nice talking with you talaga Xeira." Sabat nanaman nya
"Napakatagal mo kasi"
"Hindi ako matagal, mabilis ka lang talaga." Umupo sya sa tabi ko at humarap sa akin
"Alam mo ang ganda ng school na to, ang laki laki tapos ang daming gwapo! Hihi" kwento nya
Isa pa tong timang, patuloy na nagkukwento kahit alam nyang hindi ako nakikinig. Napakapursigido, yan ang dahilan kung bakit tumagal syang kaibigan ko. Pero secret lang na kaibigan ang turing ko sa kanya, lagi ko kasing sinasabi na hindi, pero alam ko namang ramdam nyang kaibigan ko sya. Nahihiya lang talaga akong maging sweet sa kanya, at isa pa, hindi bagay sakin.
Kahapon ko pa dapat kasabay pumasok tong si Abessie pero may ipinaasikaso ako sa kanya kaya absent sya.
Habang naghihintay kami sa teacher ay napansin ko ang isang grupo ng mga babae na halata namang pinaguusapan kami, titingin kasi sila sa gawi ko tapos magtatawanan. Pero hindi ko nalang pinapansin at wala naman akong pake. Kung nakamamatay ang pag usapan ng iba, edi matagal na akong patay.
Nakahalumbaba nalang ako sa desk ko ng lumapit sa amin yung mga babaeng nag-uusap kanina.
"Hey, newbies!" Maarteng sigaw nung isa
Imbis na sagutin sya ay tinitigan ko nalang yung black board na kulay green, hindi ko parin talaga magets kung bakit yon tinawag na black board eh kulay green naman yon, pwede namang green board diba?
"Kapag kinakausap ka, tumingin ka, wag kang bastos!" Sabat ng isa sabay harang sa harap ko
Tiningnan ko sya diretso sa mata. Tss. Mas interesante pang tingnan ang black board kesa sa mukha nyang di nalalayo sa bull dog.
"A-ang sama mong tumingin ah!" Napapaatras na sabi
"Tss" tumayo ako at tinitigan parin sya sa mata, kinailangan ko pa ngang yumuko dahil pandak sya. Ansabe ng height kong 5'7 na konting heels lang eh pang basketball star na?
"Ikaw tong nagsabi na tumingin kapag kinakausap, anong inaarte mo?" Malamig na sabi ko
Halatang natakot sya dahil tumingin sya sa kasamahan nya na parang nanghihingi ng tulong, which is sinagot naman ng iba.
"Hoy! Don't talk to me like that, you dunno us!" Paslang na sabi nung isa pang babae
"Hindi talaga kita kausap dahil sya ang kausap ko." Sabi ko sabay turo sa babaeng pandak. "At please lang, wag kang feeling amerikanang slang dahil nagtutunog trying hard na bisaya ka." Dagdag ko pa
"How dare you!"
Sasampalin nya dapat ako pero may kamay na pumigil sa kanya. Tss ... yung lalaking timang kahapon. Kunot na kunot ang noo nya habang nakatingin don sa babaeng pandak.
"Tama na." Simpleng sabi nya
"But Zeith! Don't you remember that girl? She's the one who pushed you yesterday, tapos hindi pa sya nag sorry sayo!"
So panunulak na pala yung bahagyang pagdanggil ko sa kanya? Tss. Bwisit sya.
"Psh! Kung ayaw nyo papigil edi wag, madali naman akong kausap" pagkasabi nya non ay naupo na sya sa upuan nya nang naka cross arms pa
Baklang timang talaga.
"Hoy babae! Humanda ka dahil I will make your life a living hell! Hindi pa tayo tapos! Magbabayad ka!" Paghihimutok nya
Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa para kunin ang ...
"A-ano yang dinudukot mo, huh?!" May bahid ng takot na sabi nya
Tuluyan kong kinuha yung nasa bulsa ko at pinakita sa kanya.
"Easy girl, a strawberry flavored lollipop won't hurt 'yah." Nakasmirk na sabi ko sabay bukas ng lollipop at subo, binalingan ko naman yung babaeng baluktot ang dila sa gilid ko. "Narinig mo? Yan ang tunay na slang, European accent dear." Dugtong ko sabay upo. Pero dumukot uli ako sa bulsa ko para kumuha ng piso na ibinato ko sa kanya. "Oh ayan piso, bayad na ako huh?"
Kasabay naman ng pag-upo ko ang pagpasok ng teacher kaya hindi na sila nakasagot at nagsiayusan na ng upo.
"Ang intense, Xeira!" Bulong ni Abessie
"Nanjan ka pala?" Pangaasar ko
"Hmphh!"-bes
Babalingan ko na sana ng tingin yung guro ng may mahagip ang mata ko ... isang lipstick na kulay pink. Tss. Lipstick. Bwisit na lipstick yan, naalala ko nanaman tuloy ...
— — —
Flashback
Some years ago, when Xeira's still ten years old
Masaya akong naglalaro magisa sa kwarto ko, kaharap ang sandamakmak na laruan na halos di ko naman nagagamit dahil magisa lang ako. Paano nga naman malalaro ng isang batanlang ang napakaraming laruan, lalo na't wala naman syang kalaro.
Pero isang araw, dumating yung Daddy ko na mas madalas pa yatang makipaglaro ng cards sa mga kaibigan nya kaysa makipag usap sa akin ... may kasama syang batang babae, si Ruby. Natuwa naman agad ako dahil sa wakas, may makakalaro na ako.
Naglaro kaming dalawa, hinayaan nga rin ako ni Daddy na lumabas ng bahay. Bagay na nakakapagtaka dahil ayaw nya talagang pinapalabas ako ng mansion.
Ilang linggo ang lumipas at talagang palagi na akong pinapalabas ng Daddy ko, hinahayaan nya akong makipaglaro kay Ruby.
"Bakit parang wala kang ibang friends?" Isang beses ay naitanong nya sakin sa gitna ng paglalaro namin
"Ahh ... siguro kasi hindi naman ako madalas lumabas ng mansion at makisalamuha sa iba?" Diretsong pahayag ko
"Bakit?" Curious na tanong nya
Naisip ko ng mga oras na yon, isa syang tunay na kaibigan at sya lang ang nagiisang best friend ko. Karapatan nya naman sigurong malaman kung sino o ano ako diba?
"Kapag sinabi ko sayo, wag mong ipagsasabi ah!" Napahinto sya sa paglalaro ng make up kit nya ng sabihin ko yun
Dress up at make up kasi ang gusto nyang laruin namin.
"Oo, sige. Ano ba yon?" Nakangiting sabi nya
"Naniniwala ka ba sa magical creatures? Sa mga angel, demons o reapers?" Napansin ko ang madiing pagiling nya, hudyat ng di pag sang ayon. "Dapat kang maniwala, kasi Ruby ... ako, Reaper ako. Pumapatay ako ng mga Demons, pero hindi ako masama! Pangako mabait ako, pinapatay namin sila dahil masama sila ... dahil kailangan namin mapanatili ang balanse sa mundo."
Tiningnan nya ako at saka tumango ng may pilit na ngiti, ipinagpatuloy namin ang paglalaro hanggang sa umuwi na kami.
Nang sumunod na araw, pumunta ulit ako sa park para makipaglaro sa kanya. Pero imbis na kasiyahan ang maramdaman ko, labis na kalungkutan at galit ang meron dahil sa mga salitang sinabi nya paglapit ko.
"Lumayo ka sakin, wala akong kaibigang mangkukulam!" Matapos nyang sabihin yon ay inagaw nya ang mga laruang dala ko at inihagis sa akin, dahilan para kumalat yon sa lupa.
Nagkalatan ang mga bagong biling make up kit ko, binili ko yon para sa kanya, dahil yon ang gustong gusto nya nilalaro. Biglang yumuko si Ruby at may pinulot na bagay sa lupa ... yung favorite lipstick ko, lipstick ni Mommy.
"Pero akin nalang ito, ang ganda kasi eh!"
Umalis na sya dala ang lipstick ni Mommy.
Lumipas ang araw na yon na sobrang lungkot ko, akala ko kaibigan ko sya. Dahil bukod sa ipinahiya nya ako sa park ng tawagin nya akong mangkukulam, niloko nya pa ako. Umpisa palang dapat alam ko ng hindi nya matatanggap kung sino ako ... walang tatanggap sa gaya ko. Mas lalo pang tumindi ang galit ko ng maalala ko ang lipstick na bigay ni Mommy ... importante yon sakin!
Kaya't kinabukasan ay bumalik ako sa park na yon at hinintay ang pagdating nya sa kabila ng mapanuksong tingin ng ibang mga bata.
"Hey freak! Anong ginagawa mo dito?" Bungad nya sa akin
"Ibalik mo ang lipstick ni Mommy." Nagngangalit na sabi ko, gusto ko syang sipain sa mukha.
"Ang kapal mo naman kung gagamitin mo yon! User ka! Plastic at magnanakaw!" Walang prenong sabi ko
Nararamdaman ko ang paglabas ng kakaibang aura sa katawan ko, isa ito sa mga kakayahan namin bilang Reaper, ang mag emit ng kakaibang aura na talagang makakapagpanginig sa tuhod ng sinoman. Marami pa akong ibang kakayahan na hindi mo nanaising makita.
Hinablot ko sya sa kwelyo, namumutla na ang mukha nya at talagang nahihirapan na syang huminga.
"Sa susunod alamin mo kung sino ang kinakalaban mo, ang akin ay akin!"
Malakas ko syang itinulak hanggang sa sumalpok sya sa isang puno, dahil doon ay nawalan sya ng malay.
Pagkatalikod ko ay di ko inaasahan ang nakita ko ... si Daddy.
"D-daddy ... I did not started it, it was her fault! I'm sorry." Naluluhang sabi ko
"No, daughter. Don't you ever say sorry, what you did was right. She hurt your feelings, then you must hurt her too!"
Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming naglakad pauwi. Hindi ko ba nasabi na ang lugar namin ay di gaanong matao, dahil yon sa kung ano kami. Nakita ko na ang mga tauhan namin ay inaayos na ang gulong nagawa ko, hinayaan ko lang naman ang iba na malaman kung sino o ano kami.
Humarap sa akin si Daddy. "You must always remember that no human, could ever accept who you truly are. You must despise them! You've already learned your lesson, humans can only cause pain. Nothing more, nothing less."
End of Flashback
— — —
Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko sa mga mortal, dahil hindi nila ako kayang tanggapin. I learned to despise them ... oh! Let me rephrase that, my Dad taught me how to despise them. Malapit ako sa mga mortal nung bata pa ako, but now's different. I must accept that even if I try, no Reaper can be friends with Mortals.
Napatingin ako sa gilid ko, sa gawi ni Abessie. Good thing I still have Bes, iwan man ako ng lahat ... I know, deep in me, Bes will forever be my friend. Abessie Reolle is a Reaper like me, ilang taon na kaming magkaibigan at ang mga pinagdaanan namin ang mas nagpatibay ng samahang meron kami.
"Go with your group mates."
Group mates? Huh? Napatingin ako sa paligid ko at nagsitayuan na yung mga kaklase ko. Iginrupo pala kami ng teacher, di ako nakikinig.
"Doon ka, Xei." turo ni Bes sa isang grupo. Nagpunta nalang ako doon at tiningnan sila. Tatlong lalaki at dalawa pang babae ang kasama ko.
"So, let's start. Eto gagawin natin." Turo nung babae
Mabilis magsalita yung babae at napaka tinis ng boses nya, masakit sa tenga. Kaya kaysa mabingi ako sa kanya ay pasimple kong tinakpan ang magkabilang tenga ko, ilang minuto lang ang nakalipas ay may tumapik sa akin. Yung lalaking timang ... Zeith ba yon?
"Nakikinig ka ba?" Kunot noong tanong nya
"Hindi" deretsong sagot ko. Totoo naman diba? Tss. As if I care.
"Kung wala kang cooperation, umalis ka na!" Yung babae. Naalala ko, isa pala sya dun sa mga nakasagutan ko kanina.
"Paano ako makikinig kung ganyan ang boses mo? Parang asong naipit sa pinto." Taas kilay na sabi ko
"A-anong--"
"Time is up! All groups, let's start the graded recitation. First to raise his or her hand will get the point. Remember, no notes allowed, pero groupings ito so pwede makipagtulungan sa members."
"See what you've done? Hindi tuloy tayo nakapag prepare ng maayos!" Mahinang sigaw nung babae
"Kasalanan ko bang madada ka kaya naubos ang time?"
Natapos ang usapan ng magbigay na ng tanong ang teacher.
"What is mRNA?"
Todo taas ng kamay yung isa sabay tayo at sigaw.
"Messenger RNA po ma'am!"
"Tama, pero kulang. Anyone?"
Ito ba ang section A? Simpleng tanong lang, a moment of silence na? Tss. Mga timang.
"mRNA is the messenger RNA, simply because it is the one to bring information from the DNA in the nucleus to the protein manufacturing area." Pag sagot ko
"Correct, a point for group four."
Sinamaan naman ako ng tingin ni bruhang matinis ang boses. Insecurities nga naman. Maasar pa nga sya.
"So what's rRNA?"
"rRNA is the one that assembles amino acids in correct order, it is called Ribosome RNA. And if your next question is about tRNA, it is the transfer RNA, the one to supply amino acids to the ribosome to be assembled as protein."
Ako na ang sumagot para hindi naman magmukhang tanga si Ma'am, tanong ng tanong walang sumasagot, para kaming nasa misa.
Pagkaupo ko ay pinuri agad ako nung iba kong kagrupo, samantang si bruha eh panay ang irap sa akin. Nagtuloy tuloy pa ang tanungan at halos ako lang ang sumasagot, sabi ko naman sa inyo, para kaming nasa simbahan dahil sa katahimikan.
Matapos ang klase ay inaya na ako ni Bes sa cafeteria, doon kami dumaan sa short cut sa likod ng building kung saan walang madaming tao. Ayoko ng siksikan.
Naglalakad kami ng may bigla akong marinig na sumigaw, kaya sumandal ako sa pader na malapit para panoorin ang rants ng timang na to.
Nakakatuwa talaga ang facial expressions ng timang na to.
— — — — —
Jian Zeith Teamo’s POV
"Mayabang kasi sya! Akala mo kung sino, pabida masyado!" Asar na asar na sigaw ko
"Kalma Zeith, matalino lang talaga sya."-clyde
"Hinde! Mayabang sya! Pinagmukha nya tayong tanga kanina! Mayabang! Mayabaaaaaang!!"
Nakakaasar talaga ang Xeira na yon, inangkin na lahat ng points.
"Kung nag aaral kasi kayo ng mabuti, hindi puro ako yung makakasagot"
Gulat naman akong napatingin sa nagsalita sa tabi. Si Xeira, nakasandal sa pader na para bang natutuwa pang panoorin ako, nakatayo sa tabi nya yung si Abessie na transferee din.
"Nagaaral kaya ako! Ang sabihin mo sugapa ka lang talaga sa grade, at napaka yabang mo! Ni hindi mo na nga iginalang si Mrs. Longares!"
Totoo naman eh. Kung sagutin nya si Ma'am, parang magkaedad lang sila.
"What is transcription?"
"A-ano?"
Pinagsasabi nito? Weird talaga.
"Transcription is the process of copying DNA sequence into RNA." Umalis sya sa pagkakasandal sa pader at nilapitan ako "Sabi mo nag-aral ka, pero simpleng tanong di mo masagot. Ni hindi ka nga yata aware na nag eexist ang transcription sa genetics."
Napalunok ako, hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa pagtitig nya sa mga mata ko. Tapos ang lapit nya pa sakin.
Gray eyes. Tangina. Nakakalunod.
"Hindi ikaw si Mrs. Longares para magreklamo sa paggalang ko. Tantanan mo ako, timang"
Tumalikod na sya at naglakad kasama si Abessie. Panandalian pa akong natulala pero ng makabawi ako ay hinabol ko sya, sa cafeteria.
"Hoy!"
Hindi sya lumingon kaya hinila ko sya. Hindi nya ako tiningnan pero masama ang titig nya sa kamay kong nakahawak sa braso nya, kaya kaagad ko yong tinanggal.
"Wala ka talagang galang no? Kinakausap ka pa pero tumalikod ka na!"
"Inaano ka ba ng paggalang ko?!" Napapalakas na rin ang boses nya at bakas na rin dito ang bahagyang galit
"Hey stop"
May pumipigil na sa amin pero hindi ko pinapansin. Masyado akong nalulunod sa tingin nya. Bakit ba ganyan ang mata nya?
"N-nakakainis kasi!"
"Pwes bahala kang mainis jan!" Poker face na sabi nya
"Excuse me"
"Wala kang manners!"
"Hindi ka naman mapapalamon ng manners, kaya pwede? Tantanan mo ako't nagugutom na ako!"
"You two! I said stop!"
"ANO BA? NAG-UUSAP KAMI OH!!" Sabay na sigaw namin, at pareho pa talaga. Pero pagkaharap namin sa nagsalita ay nagulantang ang kaluluwa ko.
"S-sir Manalaysay" sya yung adviser namin
"You two, to my office. Now!" Galit na sigaw nya sabay lakad
Tiningnan ko ng masama itong katabi ko. Pero parang wala lang sa kanya ang lahat. Pumunta pa nga sya sa counter para bumili ng pagkain bago sumunod kay Sir.
"Pareng Zeith, sa office daw!" Natatawang sabi ni Nike
"Sigaw pa kasi ng sigaw, ayan tuloy"-clyde
Sumunod na ako kay sir pero habang naglalakad ay may naalala ako.
"Genetics pala ang topic namin sa Science?" Naibulong ko sa sarili