Jian Zeith Teamo’s POV
"Waaaaaahh~ grabe inaantok ako!" Reklamo ko
"Maaga naman uwian kahapon ah, wala ring assignment, bakit ka napuyat?"-clyde
"Baka nagLOL! Attack pa more!"-nike
"Hindi, tanga. Ni hindi ko nga nahawakan computer ko."
Umubob nalang ako sa desk at pumikit. Bakit nga ba kasi ako napuyat? Ewan ko rin ba, basta kagabi hindi ako makatulog, nakahiga lang ako sa kama pero kahit anong pikit ko gising na gising parin ang diwa ko. Asar talaga, feeling ko tuloy umiikot ang paligid ko sa antok.
"Bakit kaya antok na antok to?" Rinig kong sabi ni Clyde
"Baka may ginawa kagabi." Natatawang sagot ni Nike
Pucha. Kaberdehan ang nasa isip nito, pramis!
"Ginawa?"
"Oo! Hahaha baka nagsarili yan! Bwaahahahhaha!"
Bigla akong bumangon at binatukan sya ng matindi.
"Gago! Inosente to!"
"Eh ano ba kasing ginawa mo kagabi? Sabihin mo na ng hindi ka napagiisipan ng masama." Natatawa na ring sabi ni Clyde
Naghalumbaba ako sa desk at tiningnan sila ng masama.
"Wala akong ginawa! Basta hindi lang ako makatulog, inabot na nga ako ng madaling araw kakaikot sa higaan!"
"Talaga ba? Ulul! Baka may iniisip ka, o kaya may nagiisip sayo!"-nike
"Wala!"
Sino namang iisipin ko?
Waaaaaahhh! Pramis hindi ko iniisip si Xeira kagabi, hindi talaga! Huhu
— — —
"Isama mo na rin yan"
"Ito?"
"Oo."
Itinuloy ko ang pag copy paste sa loptop at naghanap pa ng ibang information, habang sya ay busy rin sa pagbabasa sa sarili nyang loptop.
Kasama ko si Xeira dito sa library dahil gumagawa kami ng report para sa subject na Filipino, yung by partner. Hindi naman mahirap dahil puro copy paste lang ang ginagawa ko. Hehe. Kagandahan ng may wifi. Pero wag ka, hindi kami nakikiconnect sa school. May dalang sariling wifi si Xeira, mabagal daw kasi yung dito. Palibhasa open wifi, lahat nakakaconnect. Yan ang main reason kaya tinatangkilik itong library, hindi dahil sa libro kundi dahil sa wifi.
"Eh ito? Parang okay din."
Pagtukoy ko sa nabasa ko. Kakatapos lang ng klase at diretso agad kami dito sa library para sa project. Nawala na rin yata kahit papaano yung antok ko dahil nagfofocus kami dito sa Filipino. Interesado kasi ako sa topic, yung aklat na El Filibusterismo. Book two yon ng Noli me Tangere ni Rizal. Wag ka, fan ako ni Ibarra at Simoun.
"Patingin."
Naramdaman ko nalang ang bahagyang paglapit nya kaya napatingin ako, pero …
*Dugdugdugdug
Hindi lang pala bahagya yung paglapit nya, malapit na malapit talaga. Bale sinilip nya kasi yung loptop ko, tapos hindi nya yata makita kaya mas lumapit sya.
"Hindi, ang layo sa topic. Binabasa mo ba yung mga pinagkukuha mo?"
Binalingan nya ako ng tingin kaya napatitig nanaman ako sa mala abong kalaliman ng mga mata nya, yung mata nyang nangungusap. Mga matang parang ang daming gustong sabihin pero hindi mailabas. Ang ganda talaga.
"Zeith! Sabi ko, binabasa mo ba yung mga kinukuha mo?"
"Huh?"
Nangunot ang noo nya at inilapit pa lalo ang mukha sa akin, tinitigan nya ako deretso sa mata. Napalunok naman ako ng kaunti dahil sa lapit nya. And mind you, ang bango ng hininga nya, amoy lollipop.
"Bangag ka ba?" Pagkatapos ay inilayo nya ang mukha sa akin. Nakataas pa yung isang kilay nya
"Huh? Hindi ah!"
Nasaway kaagad ako ng librarian ng sumigaw ako.
"Bangag ka nga" umiiling na sabi nya sabay sara ng loptop nya "Let's just continue this tomorrow, itulog mo na yan." With that, she left.
"Ako, bangag? Hindi kaya!"
"Silence!" Saway nung librarian
— — —
"Haaaaaaaayy tapos na rin!" Sigaw ko
Kakatapos lang ng Filipino subject namin at ang lakas ng relief na nararamdaman ko, naipasa na kasi namin yung project na isang linggo naming pinaghirapan. Isang lingo rin kami ni Xeira na tumatambay sa library every after classes, matapos lang yon.
"Grabe yung tuwa mo ah, nag top ka ba sa klase? Nakatapos ka lang sa isang project uyy!"-nike
"Hayaan mo na, inspired eh"-clyde
"Inspired pinagsasabi mo? Tantanan mo nga ako, timang!"
Biglang lumayo si Nike sakin hilahila si Clyde, tapos umarte pa na parang naiiyak at itinuro ako.
"Yan! Yan yun eh! Pati pagsasalita nya naapektuhan na ni Xeira, wala pare, inlab na si Zeith. Dalawa nalang tayong gwapong single dito huhu!" Umiiyak kunwaring sabi nya sabay yakap kay Clyde
"Ulul dinahilan mo pa ako, gusto mo lang yatang chansingan si Clyde eh!"
Niligpit ko na muna lahat ng mga gamit ko bago lumabas ng room, pinatawag kasi kami ni Sir Santos, yung coach namin sa basketball team. Yes naman, player po ako. At di lang basta player, team captain pa!
"Nako nako Zeith, wag mong iniiba ang topic."-nike
"Manahimik ka nga! May makarinig sayo, maniwala pa."
"Bakit hindi ba totoo?"-clyde
"Pati ba naman ikaw? Tantanan nyo ako ah, tara na!"
"Zeith naman kasi, wag masyadong in denial." Sabi ni Nike sabay akbay
"Ewan sayo, bahala nga kayo jan!"
Nagmabilis na akong maglakad at iniwan sila, excited na rin kasi ako sa iaanounce ni Coach. For sure, tungkol sa Sports fest yon. Sandali nga, speking of Sport's fest.
"Oh bro, bakit ka nakabara jan sa pinto?" Si Zac, team mate ko
"H-huh? Wala, si Xeira kasi." Mahinang sabi ko
Hindi ko namalayang nakaharang na pala ako sa pinto ng gymn. Papalakad na sana ako para tumabi ng may sumigaw sa likod ko.
"Yan ba ang hindi in denial?! Pati sa paglalakad, si Xeira ang nasa isip?"-nike
"Pwede ba? Hindi ganon yon!"
"Paano nalang bro kung sa gitna ng kalsada ka mapahinto, edi patay ka?" Umiiling na sabi ni Clyde sabay lakad papasok
Hindi na naman ako nakasagot pa sa kanya dahil dumating na rin si Coach.
Hindi ko naman kasi talaga iniisip si Xeira, naalala ko lang kasi yung performance namin na gagawin sa Sport's fest. Wala pa kaming napapractice! Ayoko pa namang kumanta. Masakit man para sa akin, pero hindi maganda ang boses ko. Ganyan talaga pag gwapo, panget ang boses. Syempre, hindi naman pwedeng lahat na sa akin. Mapagbigay kaya ako.
Kinausap kami ni Coach tungkol sa Sports fest, next two weeks na nga daw yon at kailangan na naming magparactice ng sobra. Ipupull out na kami sa klase next week kaya mas naexcite ako.
Naman! No classes means no Science, and no Science means no stress! Haha
Nag practice game lang kami kinahapunan at bago maguwian ay may sinabi si Coach na nakapagpa excite sa akin.
"Magkakaroon ng practice match sa Friday, CHS versus RIS."-coach
"Yun po ba yung bagong school?"-Clyde
"They are actually not new, itinayo ang school na yon many years ago, maybe even before our school was established. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon lang sila sumali sa Sports fest."-coach
Before our school was established? Luma na pala sila. Bakit parang ngayon ko lang narinig?
"Baka ngayon lang sila nagkaron ng player."-zac
"Maybe, masyado rin kasing tago ang school na yon. Madalang silang magparticipate sa kahit na anong activity sa labas ng school nila."-coach
Weird naman nila. Siguro ang papangit ng mga students kaya ayaw magpakita sa iba! Di gaya ko, sobrang gwapo kaya kailangan ng maraming exposure. Hahaha
"Tingin nyo mga bro, magagaling kaya yung mga taga RIS na yon?"
"Malay, ngayon nga lang sasali diba?"-nike
"Gagu!"
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagligo, aba syempre kailangan maging freah ulit. Alangang lumabas ako ng pawisan?
Pero okay lang, gwapo parin naman ako in any form.
"Tara, uwian na!"
"Kain tayo, nakakagutom."-clyde
"Sige, tara sa café"
"Manlilibre ka?"-clde
"Hindi, mahirap ang buhay!"
"De wag, kay tita nalang kami magpapalibre, inyo naman yon eh."-nike
"Gagu! Doble nga singil sa inyo ni Mama diba? Wahahaha"
Naalala ko tuloy nung isang beses na kumain sila sa café, imbis na ilibre sila ni Mama, pinagbayad pa sila ng doble. Ang iingay daw kasi nila sabi ni Mama, may fee yung kaingayan.
"Hinay hinay sa pagtawa pre, nanjan yung crush mo!" Malakas na bulong ni Nike sa tenga ko
"Aray, ano ba!" Itinulak ko sya tsaka ako tumingin sa harap namin
Mula sa bench na nasa harap lang ng gymn ay tumayo si Xeira at naglakad papalapit sa amin.
"Lalabanan nyo daw sa Friday ang RIS?"-xeira
"Oo, bakit?"
"Wala, galingan nyo. Magagaling ang players nila, yun kasi ang school na pinangalingan ko." Kibit balikat na sagot nya
Galing syang RIS? Tanong ko kaya kung bakit di sila nalabas? Vampire kaya sila? Lol. De ayoko magtanong. Shy ako. Hihi. Shet landi.
"S-sige"
"Good luck" tumingin sya ng deretso sa akin at saka tumango sabay alis
Nagpunta sya dito para lang igoodluck kami? Naghintay pa talaga sya ah?
"Pataaaaaaaayyy! Ngumingiti na sya magisa, malala na this!"-nike
"Hindi pala crush ah? Ano? Inspired ka na ba? Mananalo na ba tayo sa game?"-clyde
"Ano ba?! Tigilan nyo ako!" Binatukan ko sila pareho sabay alis
Kaasar. Ayoko na magpunta sa café! Shy na ako talaga.
— — —
"Oy!" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko, nagsitaasan ang mga balahibo ko ng may isang pigura ang gumalaw mula sa madilim na bahagi ng isang eskinita. Yon ang tumawag sa akin.
"Oy Zeith!" Inulit pa non ang pagtawag sa akin. This time tumalikod na ako at handa na sanang tumakbo pero hinawakan ako non sa balikat na talagang nakapagpagulat sa akin.
"Waaaaaahhh!"
"Hoy ano ba?!"
"Xeira?"
"Sino bang akala mo?"
Nakahinga ako ng maluwag dahil si Xeira lang pala , akala ko kasi multo, takot ako sa multo! Grabe. Kung bakit kasi tumambay pa ako sa park, ginabi pa tuloy ako.
"Ano nga palang ginagawa mo sa eskinitang yon? Ang dilim dilim don!"
Hindi ba sya natatakot sa dilim? Paano kung kunin sya ng zombie? O kaya multo? Monster? Waaaaaahhh! I need baymax.
"Tss. Takot ka pala sa dilim, bakit nagpagabi ka?"
"H-hindi ako takot! Bakit ako matatakot?!"
Tae naman. Alangang umamin ako diba? Turn off yun. Ang gwapo ko tapos takot sa dilim?
"Halata nga, hindi ka takot." Umiiling na sabi nya
Umismid nalang ako at tinalikuran sya. Makauwi na nga lang, nagugutom na ako.
"Oy sandali." Humabol sya at sumabay ng lakad sa akin
"Ano? May kailangan ka pa?"
"Yung performance sa Sport's fest, practice tayo."
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap sya.
"Ngayon? Adik ka ba?"
"Sandali lang naman , dali na. Walang oras bukas at sa susunod na araw dahil practice nyo na ng basketball diba?"
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nakasunod naman sya. May point si Xeira, masyado na akong magiging busy sa basketball kaya mawawalan na ako ng time. Napaka hectic naman ng schedule ko, hirap talaga maging gwapo. Maikokonek mo na yan, matalino ka naman eh.
"Oo nga, pero alas sais na, saan tayo magpapractice?"
"Sa bahay mo."
"Ano?! Seryoso ka? Bakit samin?"
Tiningnan nya ako ng seryoso bago ngumiti ng nakakaloko. Oh, rhyming yon!
"Bakit hindi sa inyo? Nandito na tayo oh." Inginuso nya pa yung gilid ko, at dun ko lang narealize na nandito na pala kami sa bahay. "Wag ka ng umarte, tara na." Sya na mismo yung nagbukas ng gate at nagpatiunang pumasok
"Sandali nga! Trespassing yan!"
Bwisit naman oh.
— — — — —
Xeira Kaye Fhore’s POV
Flashback
Bago pa pumasok sa school ni Zeith si Xeira
"I'm glad you came."
Dumagundong sa buong kwarto ang malaki at nakakikilabot na boses nya, si Xander Fhore, isa sa nakatataas na opisyal ng Death committee, napakaseryoso nito at mababakas ang naguumapaw na otoridad dito.
"You summoned me, I had no choice."
Pero kahit na ganon ay hindi ako natatakot sa kanya. Tss. Ipinatawag ako ng committee kahapon, I had to travel all the way here in Ireland from the Philippines dahil may mahalaga daw silang iuutos sa akin.
"Still as fierce as before, huh?"
Tuluyan na akong pumasok sa office at naupo sa sofa na kaharap ng desk nya.
"What do you need?" Deretsong tanong ko
"I want you to spy on him, watch his every actions, don't let Demons caught him." May inilapag syang folder sa desk na syang kinuha ko
"So, I'll do babysitting."
Jian Zeith Teamo? Ano naman kayang meron sa kanya at gusto syang pabantayan ng Ama ko at ng buong Reaper's Clan also known as the Death Committee?
End of Flashback
— — —
Yan ang dahilan kung bakit ako nandito sa school na to, kung bakit ko kailangang magaral at tiising makita ang mga taong ito imbis na nasa labas ako at umaaksyon sa pagpatay ng mga Demons.
Hanggang ngayon naguguluhan parin ako kung bakit gusto ng committee na bantayan ko si Zeith. He looks normal, I mean, typical na teenager lang naman sya. Nothing's different. Hindi ko rin magets kung bakit may iilang Demonyo akong nakikita na umaaligid sa kanya. Kagaya kanina, pagalis nya palang ng school ay sinusundan ko na sya hanggang sa mapansin ko ang isang demonyo na nakatago sa eskinitang pinanggalingan ko kanina.
I had to kill that Demon bago pa sya makita ni Zeith. Sinubukan ko rin itong tanungin kung bakit sya nakasunod pero, 'Sa larong ito, sya ang alas na aming kailangan.' lang ang isinagot nito.
Nakakacurious ang lalaking to. If only I could ask the committee.
Hindi gaya ng iniisip ng iba ang mga demonyo, they don't have horns or anything. Mukha lang silang normal na tao sa paningin ng iba. But they omit dark energy, not like ordinary humans na dilaw ang enerhiya. Isa yan sa mga kakayahan naming mga reapers, we are the only ones who can see energy, or life force.
"Hoy sandali nga! Trespassing yan!"
Hindi ko nalang pinansin ang sigaw ni Zeith at nagtuloy hanggang sa harap ng pinto nila, naka lock eh.
Tss. Bakit naman kasi may nakasunod na demon sa kanya, kailangan ko pa tuloy syang bantayan hanggang dito. Buti nalang at wala ang mama nya, nakakahiya pag nagkataon. Paano ko nalaman? I did my research, alam ko na nga ang halos lahat sa kanya.
— — — — —
Jian Zeith Teamo’s POV
*EEEEEEEENGKKK*
Isang napakalakas na tunog ang naging hudyat ng pagtatapos ng laban. Naupo kami sa bench sa may tabi habang nagpupunas ng pawis. Yung hingal ko, wagas! Tangna, bibigay na yata tuhod ko.
"Langya yung mga taga RIS na yan, ang bibilis!"-zac
"Oo nga eh, buti nalang tanga mag three points."-jack
Hindi ko rin inakala na ganyan kabibilis yang mga taga RIS, konti nalang iisipin ko ng kapatid sila ni flash, tapos parang hindi pa napapagod. At ito pa! Ang lalaki ng katawan. Ang weird nila.
Natapos ang laro namin na tie ang laban, wala ng over time. Tinawag kami ni Coach sa gitna para makipagkamay daw sa kalaban.
"I'll look forward for a better game sa Sports fest. Salamat din sa pagwelcome sa school namin." Nakangiting sabi nung coach nila
Kahit yung coach nila ang tangkad, mukhang nakakatakot. Nabaling ang tingin ko sa vice captain nila, si Duke Ranger, nakatingin sya sakin at bahagya pang nakangiti.
Ano? Nabakla na sa kagwapuhan ko?
"Hoooohh! Fresh!"-nike
Kakaligo lang namin at papalabas palang kami ng gymn, marami ang nagcocongrats sa amin kahit na tie ang laban. Bawi nalang daw kami sa Sports fest. Parang ang dali bumawi eh no? Sila kaya dito? Lol. Di nila kayang maging ako, masyado akong gwapo.
"Uy bro, bro!" Inalog alog ako ni Nike na katabi ko lang
"Ano ba?!"
"Diba si Xeira yon? Tsaka yung vice captain ng RIS?"
Tiningnan ko yung itinuturo nya at tama nga sya, si Xeira at Duke seryosong naguusap. Pero sandali lang ay tumawa ng wagas si Duke at pabiro naman syang sinuntok ni Xeira sa braso na medyo nakangiti na rin.
"Close sila?"-nike
"Siguro. Galing RIS si Xeira at Bes diba?"-clyde
"Ohhhh. Baka naman may sila?"-nike
Napakunot ang noo ko, nung nakaraang lingo yung Victor, tapos ngayon itong Duke. Ang dami namang lalaki nito? Psh! At mukhang close na close pa sila? May papalopalo pang nalalaman, hambalusin ko sila eh.
"Oh, ang noo, dahan dahan sa pagkunot baka hindi na umunat."-clyde
"Pwede ba?!"
Umalis na lang ako para umuwi. Ewan pero bigla akong nabadtrip.
"Amin na kasi pare! You're incrush with her!" Sigaw ni Nike mula sa malayo
Gulat akong napaharap sa kanila "I am what?!"
I'm in crush with her?! Gago ba sya?
Pero, bigla ko tuloy naalala yung practice namin nung nakaraan sa bahay …
— — —
Flashback
Sa bahay ni Zeith
"Uhh may gusto ka? Juice, coffee?"
Ang awkward naman nito. Kami lang dalawa dito sa bahay, tapos gabi pa. Nasan na ba si Mama?
"Ikaw." Seryosong sagot nya
"A-ano?"
"Ikaw, kung anong meron jan." Sumandal sya sa sofa at pumikit, itinaas pa nya yung paa nya sa center table. Wow naman. At home na at home ah? Bahay mo?
"Wag mo nga itaas paa mo!" Sinipa ko yung paa nya kaya nalaglag yon. Sinamaan naman nya ako ng tingin.
"Bakit ba? Malinis naman paa ko."
"Naka palda ka ho."
"Naka short din ako, tingnan mo pa."
Binigyan ko sya ng 'Gago-ka-ba-yung-totoo-look'.
"Tss. Nasan na yung juice ko?"
"Sandali ah? Kahiya naman sayo."
"Timang."
Pumunta nalang ako ng kusina para ipagtimpla sya. Nakakaasar talaga yung babaeng yon. Minsan sobrang cold, most of the time nakakabwisit. Sarap ipatapon sa bermuda triangle, o kaya ipakulong kasama si Laila Delima, pwede ring ipadala nalang sa Mindanao.
Pabalik na sana ako sa living room ng may mahigip ang beautiful tantalizing eyes ko. "Hehehe"
— — —
"Oh! Juice mo." Inabot ko na sa kanya yung strawberry flavored juice nya tsaka umupo. Binuksan ko pa yung tv at naupo kunwari pero ang totoo ay tinitingnan ko sya. Inangat na nya yung baso at ininom.
Hehehe humanda ka.
"Pftshhhkkschhhkkkshhh!!" Naibuga nya yung iniinom nya at napatayo.
"Bloody heck! What the hell did you put on this drink?" Sigaw nya sabay takbo sa kusina
"Phffft bwahahahaha shet hahahahaha a-ang hahahah epic pwahahaha!"
Sinundan ko sya sa kusina at natagpuan sa sink, nagmumumog. Namumula pa yung tenga at ilong nya. Grabe talaga. Kung nakita nyo lang yung mukha nya ng malasahan nya yung juice. Epic fail! Shet!
Matapos nyang magmumog ay tumingin sya sakin ng seryoso, bagay na nakapag patahimik sa akin, nakakatakot kasi yung itsura nya, sobrang seryoso at salubong pa yung kilay.
"Uhh practice na tayo? Hehe" alanganing sabi ko
"What did you put on that?" Galit na tanong nya
Oo, galit. Feeling ko magtatransform na sya into a monster dahil sa ginawa ko. Palapit sya ng palapit sa akin kaya paatras ako ng paatras.
"Ano yung kwan. Uhh hehe"
"Anong nilagay mo?"
Bakit ba sya lapit ng lapit? Tapos ang seryoso nya pa? Joke lang naman yon eh.
"Hotsaucelangnamanyonwagmoseryosohin" sagot ko
"Ano?!"
"Hot sauce, nilagyan ko ng hot sauce. Joke lang naman eh"
"Huh!" Singhal nya
Lumapit pa sya ng lumapit hanggang sa wala na akong maatrasan, sukol na ako. Ajuju Nilapit nya sa mukha ko yung mukha nya at tinitigan ako.
"Joke? You think that's funny?"
Napalunok ako. Ang lapit nya. Halos 1 inch nalang yata ang layo nya sa mukha ko kaya hindi na rin ako makagalaw.
*dugdugdugdugdugdug
Hinawakan nya ang pisngi ko tsaka ngumiti ng nakakaloko.
"Aw! Aray aray!"
"Ano? Nakakatawa pa ba?" Hinila at pinilipit nya pa ng todo yung tenga ko.
"Wahh! Aray ko. Bitaw bitawan mo!"
Nang bitawan nya ay hinimas himas ko yun.
"Tara, magpractice na tayo." Tinalikuran nya na ako at nag lakad pabalik ng sala.
Waaaahh! Feeling ko pumipintig yung tenga ko, pero bakit parang pumipintig din yung puso ko? Lalo na nung ang lapit nya.
Shet! Erase erase! Ang sakit tuloy ng tenga ko
— — —
End of Flashback
See what happened? Major disaster!