Jian Zeith Teamo's POV
"May traydor sa grupong ito." Halata ang pagkagulat sa mukha namin nang sabihin yan ni Xeira
Traydor? Sinong magtatraydor samin? Lord, masyado ng maraming nangyari ngayong gabi, hindi ba pwedeng tapusin na? Please, gusto ko nalang makita si Mama. Kung isa nanaman ito sa mga bangungot ko, utang na loob gusto ko ng magising.
"Ano? Impossible yan!"-ren
"Sino, Xeira?"-rigid
"Kilala mo ba?"-joel
Tumango lang si Xeira bago tumingin sa aming lahat, at nahinto yon kay … Clyde.
"W-what?"-clyde
"Hindi, hindi. Mali kayo, kaibigan namin si Clyde!"-nike
Traydor si Clyde? Hindi, hindi pwede, bestfriend ko sya.
Nagulat nalang ako sa mga sumunod na nangyari. Itinutok ni Clyde ang kaliwang palad nya sa gawi ko, at mula doon ay lumabas ang isang napaka itim na enerhiya.
Hindi ako makagalaw, para bang nadikit na sa lupa ang mga paa ko, hindi ko na alam ang gagawin ng mga oras na yon. Pero … may isang tao ang tumayo sa harap ko at parang hangin na sinangga ang atakeng iyon. Xeira …
"Get him!" Utos nya
Kitang kita ko kung paanong nanlaban sa kanila si Clyde, diretso ang tingin ng mga nanlilisik na mata nya sa akin. Kung tingnan nya ako ngayon ay parang hindi nya ako kaibigan, parang galit na galit sya at gusto nya akong patayin … malayong malayo sa Clyde na kaibigan ko.
"Zeith, I'm sorry."
Sumunod kong naramdaman ay ang mainit na yakap mula kay Xeira, ang babaeng nagligtas ng buhay ko.
"Nakakatawa, bestfriend ko yun eh, tapos papatayin ako? Hah! Ayos!" Unti unti ko ng naramdaman ang paginit ng mga mata ko.
"Una si Mama, ngayon si Clyde. Sino namang susunod? Si Nike?! Ikaw?"
Mas humigpit ang pagkakayakap nya sa akin.
"Hindi. Mananatili ako Zeith, hindi kita iiwan." Sa mga kataga nyang yon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa nagpipilit lumabas.
"Bakit ba tinutulungan mo ako? Reaper ka diba? Dapat hulihin mo rin ako. Bakit … itinataya mo ang … ang buhay mo para sakin?"
Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako diretso sa mata, hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ng hintuturo nya ang mga luha doon.
"Timang ka talaga. Hindi ba obvious? Mahal kasi kita." Sumilay ang napakagandang ngiti sa mala anghel nyang mukha "At handa akong mamatay para sayo … para lang sayo."
Mahal kasi kita.
Tangina. Shet.
handa akong mamatay para sayo … para lang sayo.
Sa lahat ng nangyari sa gabing to, ito lang yata ang maganda. Yung mahal nya ako, tapos mahal ko sya. Yung handa syang mamatay para sakin, at ganon din ako sa kanya.
"Timang nga ako. Timang na timang sayo! I love you."
Hindi na uso yung kagaya sa movies na unti unting naglalapit ang mukha tapos magkikiss. Kapag nakakita ka ng chance, sunggab agad. Parang ako, parang kami, parang itong pagkakataong to, parang itong storyang ko. Walang matatapos kung dadahan dahanin, walang matatapos kung unti unti, kaya dapat sunggaban, mabilisan. Yung kasing bilis ng t***k ng puso ko.
"Ayos sa timing ah."-nike
"Pakshet tong dalawang to. Ngayon pa talaga nagchukchakan?"-eris
"Ehem! May nanonood ehem!"-bes
— — —
"Nakapkapan ko na si Clyde. May nakita akong tracker, pero nadala ko na sa ibang lugar pati yung phone nya. Clear na yan, hindi na tayo mahahanap."-law
"Nakapaglagay na rin kami nila Lax, Rigid at Eris ng barrier sa paligid. Hindi na nila mararamdaman ang energy natin."-duke
"Maayos yung pagkakatali ko kay Clyde."-bes
Lahat kaming 13 ay nandito lang sa isang malaking bahay, ang sabi ni Eris, kanya to. Nasa isang gubat daw kami at mahirap itong hanapin, nasa underground kasi yung bahay, kapag tiningnan mo sa taas kubo lang to pero pagbaba mansion na.
Nasa sala kami, at si Clyde naman ay nakatali sa makapal na poste, parang bakal na kulay itim yung ipinangtali sa kanya.
"Paano mo pala nalaman na traydor si Clyde, Xei?"-nike
Napatingin kaming lahat kay Nike ng magtanong sya. Oo nga noh.
"We saw him. Nung gabing nagpunta kami ni Duke sa isang bar para may kausapin, nakita namin sya na may kausap na mga demonyo. They were talking about you, on how to kill you."-xeira
Tumingin ako sa gawi ni Clyde at ganon parin sya, matalim ang tingin sa akin, parang naging ibang tao na sya.
"Bakit mo ginawa yon Clyde? Bakit ba parang galit na galit ka sa akin?"
"Bakit nga ba? Ah! Siguro dahil ikaw ang itinakda? O baka dahil ikaw ang pang pito? Pwede ring dahil higit ang kapangyarihang nasayo. Or maybe, simply because you are Zeith Teamo, the guy who doesn't even know how powerful he is. Kung alam mo lang kung gaano kalakas na kapangyarihan ang nasayo, you can kill him, you can rule the World."-clyde
Itinakda? Pang pito? Kapangyarihan? Dahil lang doon tinapos nya ang ilang taong pagkakaibigan namin? Lumabas din ang totoo, kapangyarihan, yun talaga ang puno't dulo ng lahat.
Xeira's right. Dapat kong isakatuparan ang tadhana ko. I need to end all suffering. Dapat ng wakasan ang buhay ng lahat ng naghahangad ng labis na kapangyarihan.
— — — — —
Xeira Kaye Fhore's POV
Natapos ang gabi na halata nanaman ang kalungkutan kay Zeith. I know how hurt he is. Alam ko kung gaano kasakit mamatayan ng ina, alam ko kung gaano kasakit pagtaksilan ng kaibigan. Alam ko. Kung may magagawa lang ako.
Madaling araw ng mapagpasyahan ng lahat na matulog at magpahinga na muna. Rest is what we all need after all. Pero … hindi ako.
Nang masiguro kong tulog na silang lahat ay bumangon ako at nagbihis, then I teleported myself to him … to the man who made all of this hard, to my Father.
"Hello Father." I said sternly
"Hello daughter, I'm expecting you here, have a seat." A mocking smile showed on his face, the ugliest of all.
"No need, this won't last long."
"Is that so?"
Tumayo sya at lumapit sa mini table para magsalin ng wine.
"Tell me, what do you want? Bakit mo pinapahuli si Zeith?"
"Hmmm. Let's just say, when I have that little Demon in my hand, si Crowley na mismo ang lalapit sa akin, then I will kill him using his own son. And the committee will finally give me what I want, power! Ako na ang mamumuno sa lahat ng Reapers and even the Demons."
Power. Palagi nalang bang iyan ang problema?
"I won't let you do that. Remember this Father, I … am going to bring you down!" And with that I vanished, going back to Eris' house.
I suddenly found myself in my own room, crying. For the first time in decades, I let myself cry, I let myself show what I really feel.
"Bwisit, bwisit. Bakit ba lagi nalang ikaw ang nagpapahirap sakin, ikaw pa na ama ko." Naibulong ko
Nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin.
"Sige lang. Iiyak mo lang yan. Minsan talaga dapat mo ring ipakita na mahina ka, para may tumulong sayo." Hinimas nya ang buhok ko. "Pero siguraduhin mo lang na sa dulo, ikaw yung malakas, ikaw yung mananalo."
Yes. I'll make sure of that Zeith. We'll win.
— — —
Kasalukuyan kaming nag aagahan, or better say, sila. Nakakawalang gana lalo't inaantok ako, hindi ako nakatulog kagabi, masyado kong inisip ang mga problema namin.
"We'll hide." Biglang imik ko
"Hide? Seriously?"-kim
"You know we can't hide forever, mahahanap at mahahanap nila tayo."-bes
"Sino bang nagsabi na matagalan to?"
"Hanggang kailan? Hanggang sa mahanap nila tayo?"-eris
"Anong date ngayon?" I asked out of the blue
"Hindi na maha--"-lax
"Anong date ngayon?" Paguulit ko
"October 21, friday."-duke
"I have a plan."
"Anong konek ng date sa plano mo?"-nike
Tumayo na ako at naglakad papuntang kwarto
"Move faster Zeith, may pupuntahan tayo. Kayo rin Duke, Bes and Nike, kasama kayo."
Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko para maghanda.
Kagabi ko pa pinagiisipan ang plano kong ito, sana lang, tama ang desisyon ko.
Sigh. I'm sorry Zeith.
— — —
Nakabihis na kaming lima at nandito sa sala, bakas ang pagtataka sa mga mata nila.
"Tsaka na ako magpapaliwanag, lumapit kayong apat sa akin."
Nang makalapit sila ay nagteleport na ako papunta doon.
Malakas na bulungan ang sumalubong ng makita nila kami, lahat sila ay naging alisto sa pagdating namin.
"Xeira?" Pambungad sa akin ni Pinuno ng makita nila ako, si Pinuno ang parang President ng Reapers Clan, sya ang Lolo ko.
"Anong ginagawa ng taksil na anak ni Xander rito?!" Galit na galit na sigaw ni Dean, pumapangalawa kay Pinuno, kapatid ng Mom ko
"Birthday ni Pinuno, don't tell me magcecelebrate kayo ng wala ako?"
Binalingan ko pa ng tingin ang table ng walong nakatataas na opisyal ng Committee, lahat sila ay matalim ang tingin na ibinibigay sa akin … maliban kay Pinuno na kalmado lang.
"Xei, anong ginagawa natin dito?" Bulong ni Bes na hindi ko pinansin
"Matapos mong pagtaksilan ang sarili mong lahi, talagang may lakas ng loob ka pang pumunta?" Asik ni Guenivive Ranger, Mom ni Duke.
"Masama na bang bumisita? Hindi ba kayo masaya sa pagdating namin? May kasama ako oh!" At ipinakita ko pa sila Zeith sa kanila
"At talagang isinama mo pa ang dalawang Demonyong yan? Hindi ka ba natatakot na mamatay dito, apat ng mga kasama mo?!" Si Benjamin Reolle, ang Dad ni Bes
"Woah woah, chill. Hindi ako pumunta para makipagpatayan, maybe next time. I'm here for a deal."
"What deal?"-xander
Sa wakas, nagsalita na rin ang magaling kong ama. Akala ko hanggang makaalis ako eh mananahimik sya.
"A life, for a life. Bigyan nyo ako ng isang buwan, itetrain ko si Zeith, palalakasin ko sya, at papatayin nya si Crowley."
Gaya ng inaasahan, kaagad na tumutol ang ama ko.
"That's insane! Hindi kayang patayin ng isang kalahating demonyo si Crowley. Kami ngang matataas na opisyal, hindi magawa, ang batang yan pa kaya?" Sinangayunan ng karamihan ang sinabi nya
"He's not just a Half Demon, don't you know my dear Father? His Mom is a Reaper!"
Sa sinabi kong iyon ay nanahimik ang lahat
"Jezly Zaigne Teamo. Familiar?"
"Where did you see her?!" Gulat na tanong ni Pinuno
"Nakapagusap kami kahapon. But I'm sorry to say, she's dead. My very own Father killed her."
Natigilan si Pinuno at galit na tumingin kay Xander
Kahapon din matapos namin magusap ni Jez, hinanap ko ang lahat ng information na mabubungkal ko tungkol sa kanya. And there I learned, Jezly is the only Daughter of the former leader, Mason Teamo. Kaya pala pamilyar ang last name nila, dahil sila dapat ang namumuno ngayon. Kung hindi lang nawala ang tagapagmanang si Jez years ago, hindi naman ibibigay ni Mason Teamo ang pamumuno sa Lolo ko, malamang si Jez ang Pinuno ngayon. Mahalaga si Jez kay Pinuno dahil parang anak na rin ang turing nya rito, at isa pa, bestfriend nya ang ama nito.
"You killed Jez?" Nakakatakot ang napaka seryosong boses ni Pinuno, sinabayan pa ito ng mabilis na pagtaas nang enerhiya nya
"H-hindi Pinuno, nagsisinungaling lang si Xeira. Wag kayong maniniwala sa kanya!"
"Kailan ba ako nagsinungaling sa inyo, Pinuno? Diba sabi mo dati, kapag hindi ako nagsasabi ng totoo, nakikita sa mga mata ko? Tingnan mo ako sa mata Pinuno, sabihin mo kung nagsisinungaling ako!"
We used to be so close before, kami ni Pinuno, sa lahat ng kamag anak ko, sa kanya at kay Mom lang ako naging malapit. But everything chaged simula ng mamatay si Mom dahil kay Xander. Lumayo ako sa kanila, sa kanilang lahat dahil pakiramdam ko, kahit na sabihin ko ang nalalaman ko, walang maniniwala … kahit si Pinuno.
"Maniwala ka sakin Pinuno, sya ang pumatay kay Jez … pati kay Mom."
"Alam ko, alam ko ang tungkol sa Mom mo, ang gusto ko lang naman, ay ang lumapit ka sa akin at humingi ng tulong. Gusto ko lang naman na kausapin mo ako, at sayo manggaling. What I dont know is the thing about Jez." Malungkot na sabi nya
"Gusto kitang tanggaping muli pero patawarin mo ako dahil may mga batas tayong sinusunod. Ang ama mo ay papatawan ng kamatayan sa salang pagpatay at pagtataksil sa ating lahi. Pero ikaw, marapat ka ring maikulong …"
"… pero pagbibigyan kita sa kasunduang gusto mo. Kung nagawa ng anak ni Jez na patayin ang sarili nyang ama ay mapapawalang sala ka gayon fin ang iyong mga kaibigan at bibigyan ng pagkakataong makapasok muli sa Committee, ang nakaraang pagkakasala mo ay makakalimutan at bibigyan kang parangal. Ngunit kung hindi, mapapatawan ka ng parusang kamatayan."
"Tinatanggap ko"
— — —
"I can't believe this Xeira, isinugo mo lang naman si Zeith sa kanila!"-duke
"Xei, paano naman mapapatay ni Zeith ang Demonyong yon."-bes
"Paano kung baligtad ang mangyari? Paano mo itetrain si Zeith ng isang buwan lang?"-eris
"Walang alam sa pakikipaglaban si Zeith!"-nike
"Sandali nga! Pwede kumalma kayo? Si Zeith nga na isinugo ko hindi nagrereklamo oh. Mas praning pa kayo sa kanya."
Naupo ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko
All this time alam pala ni Pinuno na si Xander ang pumatay kay Mama, sa sarili nyang anak! Bakit hindi sya kumilos? Dahil sakin? Sigh. Ang hirap nya talagang basahin. Ano kayang plano nya?
"Sa tingin ko maganda naman yung ginawa ni Xei, kailangan ko naman talagang patayin sya."-zeith
"Seriously Zeith?"-ren
"I'm fine, kaya ko."-zeith
See? Alam ko namang papayag sya.
"Pero pano natin mahahanap ang Demon Lord?"-rigid
Tumayo ako at tiningnan silang lahat ng may ngiti sa labi
"Hindi natin sya kailangang hanapin, sya ang hahanap sa atin." Sabay tingin kay Clyde na nakatali parin sa poste
"Grabe, lalabanan talaga ni Zeith ang Demon Lord? Tapos tayo? Lalaban sa daan daang demonyo na alalay non? Ano tayo, Suicide Squad?"-law
"Yes kuya, we are the Suicide Squad."-ren