Isinara ni Jewel ang mga pahina ng fiction book na binabasa. Narito siya ngayon sa tindahan ng mga aklat sa Ayala Mall Serin sa Tagaytay. Pagkatapos ng di malilimutang karanasan niya sa daigdig ng mga engkanto halos isang buwan na ang nakakaraan ay lalo siyang naging mahilig sa pagbabasa ng mga kuwento tungkol sa mga kababalaghan, mitolohiya at epiko. Umaasa siyang kahit sa imahinasyon man lang ay muli siyang makarating sa daigdig ng mga engkanto at makapiling muli ang nag-iisang lalaki na nagpatibok ng puso niya. Si Azrael… Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nalilimutan. Sa pagdaan ng mga araw ay tila lalo niya itong kinasasabikan at lalo siyang nasasaktan. Siguro nga ay matagal na panahon ang kinakailangan upang matuto siyang magmahal muli. Pero sa ngayon? Kuntento na lang siya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


