Azrael's Sacrifice

2297 Words

Kahit ano’ng pagpipiglas ni Jewel ay hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakatali sa kaniya. Nakahiga siya sa isang malapad na bato na nasa loob ng napakalaking templo habang magkahiwalay ang mga paa at kamay. Pinalitan ng mga dalaketnon ng magandang kasuotan ang damit niya at binalutan siya ng magagandang hiyas. Nilagyan din ng mga ito ng tintang kulay itim ang kaniyang mukha. Nagtipon-tipon ang napakaraming dalaketnon sa loob ng templo. Sa gitna ng mga awit at dasal ay ilang ulit niyang narinig ang pangalan ng diyos ng mga ito na si Magaul. Sa ulunan ay nakita niya ang malaking estatwa ng itinuturing na diyos ng mga dalaketnon. Nahinuha niya na nasa harap siya ng isang altar. Kahit balot ng takot ang buong katauhan ay pinilit niyang magpakatatag. Alam niyang hindi siya pababayaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD