YOONA TERISS
Pagpasok ko sa club, wala pang masyadong tao. Mukhang napaaga ang pagpunta ko dito.
Umupo na ako sa may bar counter. "One mojito, please."
Ilan sandali lang ibinigay na yung order ko. "One more."
Hindi ko namalayan ilan beses na akong nakainom ng maramdaman ko na umiikot yung paningin ko dahilan para mapapikit at mapakapit ako sa bar counter.
Biglang sumagi sa isip ko si Aldrich, isang linggo na nung pumunta ako sa company niya at gusto raw niya na bumalik ako sa kanya. Nababaliw na ba siya. Matapos niya akong ipagtulakan tapos gusto niya babalik ako ulit sa piling niya. No way!
Iinumin ko na sana yung huling baso na may laman mojito ng may pumigil sa kamay ko.
Napaangat ako ng tingin, si Aldrich ang pumigil sa kamay ko.
"Bitawan mo nga ako!" Lasing na sabi ko.
"No, stop that." Suway nito.
Inalis ko yung kamay niya at ibinaba yung baso, tumayo ako at itinulak si Aldrich para makadaan ako.
Nilagpasan ko siya at pagewang-gewang na naglakad papalabas ng club. Nang makalabas ako, papara na sana ako ng taxi ng may pumigil sa braso ko.
Humarap ako sa kanya. "Ano na naman ba?!" Galit na tanong ko.
"I take you home." Presinta nito.
"No need, SIR." Matigas na saad ko bago siya tinalikuran pero mabilis niya akong pinigilan at binuhat na parang sako dahilan para lalo akong mahilo.
Naramdaman ko na lang na idineposito niya ako sa Passenger Seat at umikot ito sa kabila.
Pumikit na lang ako dahil sa nararamdaman ko, pakiramdam ko kasi mahihilo lang ako lalo kung titingin ako sa bintana.
Namalayan ko na lang na tumigil kami, nagmulat ako ng mata at tumambad sa akin ang kulay gray na bahay. Bahay niya to.
Humarap ako sa kanya. "It's not my parent's house."
"I know, you're staying at my house." Sabi nito at lumabas na.
**
KINABUKASAN pagmulat ng mata ko, tumambad sa akin ang pamilyar na kwarto.
"Anong ginagawa ko dito?" Bulong ko.
Tumingin ako sa buong kwarto niya, hanggang ngayon wala pa din ipinagbago.
Tumayo na ako at papalabas na sana ako ng may makita akong picture frame na nasa tabi ng TV.
Wala sa sariling pumunta ako doon at tinitigan ang letrato. Bakit may picture ako dito? Ito pa yung araw na unang nagpakita ako sa Run-Away bilang Designer.
Sumikdo bigla yung puso ko, pamilyar na pakiramdam to para sa akin. Umiling ako. Hindi! Hindi na dapat!
Napatingin ako bigla sa salamin tabi lang ng pintuan na nakakonekta sa banyo.
Nakasuot ako ng malaking t-shirt ni Aldrich, hanggang gitna ng hita ko. Sumilip ako sa loob ng t-shirt.
Napasinghap ako ng makita ko na nakapanty lang ako. Sinamaan ko ng tingin ang taong natutulog sa kama, na katabi kong natulog.
Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto niya. Bumaba na ako at nadatnan ko si Manang na nag-aayos sa may living area.
Napatingin ito sa akin at nginitian ako, ngumiti ako pabalik.
"Mabuti na lang gising ka na, Teresita. Pumunta ka na doon sa Dinning Area, may niluto ako ng almusal para sa inyo ni Aldrich. Magtimla ka na din ng kape para mawala yung hang-over mo." Saad nito.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya. "Pasensiya na po sa abala, Nay." Paumanhin na sabi ko.
"Ano ka ba naman bata ka. Wala iyon, ang mahalaga bumalik ka dito sa bahay." Nakangiting sabi niya.
"Nay. Hindi din po ako magtatagal dito sa bahay ni Aldrich o dito sa pilipinas at babalik na po ako sa New York. Wala po akong balak bumalik pa dito."
Bumalatay ang lungkot sa mata ni Nanay kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Huwag po kayong malungkot, Nay."
Kumalas ito sa pagkakayakap. "Huwag ka ng umalis pa, Teresita. Dito ka na lang sa pilipinas, dito ka na lang sa bahay ni Aldrich. Tiyak na hindi ka na muling papayagan ni Aldrich na iwan siyang muli."
"Don't worry, Manang. I won't let her, again."
Napatingin ako kay Aldrich na nakatayo sa di kalayuan sa amin.
Hindi na ako nagsalita pa at tinignan na siya, gayun din siya tinignan lang ako pabalik. Di nagtagal umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"Kumain na kayo." Biglang saad ni Nanay.
Tumango na lang ako at nilagpasan na lang si Aldrich, umupo na ako at nag-umpisang kumain.
Umupo ito sa harapan ko at kumain na din. Habang kumakain kami, wala sa amin ang nagsalita.
Hanggang basagin niya yung katahimikan.
"I'm serious about what I said."
Tumingin ako sa kaniya. "You can't stop me." Seryosong sabi ko.
Ngumisi ito. "I can, Babe. I won't let you to leave, again."