ALDRICH
Kinapa ko yung kabilang pwesto, pero wala akong katabi dahilan para magmulat ako ng mata. No! She's not leaving me again!
Mabilis na bumangon ako, mabilis din ang naging kilos ko. Naghilamos at nagsipilyo muna ako bago bumaba.
Nakahinga ako ng maluwag, nang makita ko si Teriss na kausap si Manang, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila ng matigilan ako dahil sa narinig ko.
So, she planning to leave again?
Kumalas ito sa pagkakayakap. "Huwag ka ng umalis pa, Teresita. Dito ka na lang sa pilipinas, dito ka na lang sa bahay ni Aldrich. Tiyak na hindi ka na muling papayagan ni Aldrich na iwan siyang muli."
"Don't worry, Manang. I won't let her, again."
Napatingin sa kinaroroon ko si Teriss, tinitigan ako nito kaya tiniitigan ko siya pabalik.
"Kumain na kayo." Biglang saad ni Manang.
Si Teriss ang unang bumitaw, nilagpasan niya lang ako at nauna itong pumunta sa Dinning Area.
"I'm serious about what I said."
Tumingin siya sa akin. "You can't stop me." Seryosong wika niya.
Ngumisi ako.. "I can, Babe. I won't let you to leave, again."
Tinigilan niya yung pagkain niya at tumayo papaalis na sana ito ng magsalita ako.
"Where are you going?"
"Going home." Tipid na sagot niya.
"Come back here, you eat first."
Mukhang hindi ito nakinig, hinampas ko ng malakas yung mesa dahilan para magulat ito.
"Come. Here. Now." Utos ko.
Bumalik ito sa dating pwesto at tahimik na tinapos ang pagkain niya.
Ipinagpatuloy ko na yung pagkain ko hanggang matapos kami pareho.
Nauna itong umakyat kaya sinundan ko siya, pagbukas ko ng pintuan. Nagbibihis ito, sinuot niya yung damit na suot niya kagabi.
"Can you just stay here? At least until afternoon."
Tumungin ito sa akin. "I can't, Sir." Sagot niya.
"Please?"
Huminga ito ng malalim bago tumingin ulit sa akin. "Fine, until afternoon."
Ngumiti ako at nilapitan siya, hinalikan ko siya sa labi saka ngumiti sa kaniya.
YOONA TERISS
NAPAKURAP ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.
"B-bakit mo ginawa iyon?"
"Ang alin?" Patay malisya na tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Konwari walang ginawa."
Natawa ito at niyakap ako. "Aldrich, tanggalin mo nga ang pagkakayakap mo sa akin." Suway ko.
"No." Sagot nito.
Sinubukan ko na tanggalin yung pagkakayakap niya pero wala mas malakas siya sa akin. Huminga ako ng malalim at hinayaan na lang siya.
"I miss being with you, I miss you so much."
Hindi na lang ako umimik, humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin. "Don't leave again, please."
"May trabaho pa ako doon. Hindi puwede na hindi ako bumalik."
"I'm the boss?"
"So?"
"Don't leave."
Umiling ako. "Hindi puwede at wala akong balak magtagal dito."
"I can do everything, haharangin ko lahat huwag ka lang aalis at huwag akong iwan."
Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil magtatalo lang kami at hindi pa kami ayos, baka akala niya.