Chapter 4

2476 Words
Alden's POV It is a Saturday afternoon at GMA Artist Center when Alden arrived with Mama Ten and Leysam. Agad na silang dumiretso dito pagkatapos ng Eat Bulaga. Gusto daw siyang kausapin ni Atty. Anette Gozon para sa isang importanteng bagay. Kasalukuyan na silang nakaupo sa isang conference room at hinihintay ang pagdating nito. Sa totoo lang ay hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit siya nito gustong makausap. Iniisip niya na baka tungkol ito sa mga legal matters para sa career niya, o di kaya sa renewal ng contract niya with GMA Artist Center. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Atty. Gozon kasama ang manager ni Alden na si Maam Carlites. Agad naman siyang bumati sa mga ito. "Good afternoon po!", he greets each of them. "Hello, Alden!" "Hi, Alden!", bumeso naman si Maam Carlites sa kanya. "Attorney, bakit niyo pala ako gustong makausap? May problema po ba?" "Actually, wala naman. May gusto lang kaming ipakilala sa'yo?" "Sino po? Bago kong ka loveteam?", tanong niya dito. "Dati mo siyang ka-loveteam. Sa totoo lang, Alden matagal na sana namin siyang gustong ipakilala sa'yo kaso siya lang 'yung ayaw.", paliwanag sa kanya ni Maam Carlites. "Pero siguro eto na ang tamang panahon na magkakilala at magkita kayo ulit". "Teka po, sino po ba 'yung tinutukoy niyo? Medyo naguguluhan po ako eh.", tanong sa kanila ni Alden. "Alden, we are doing this because you have the right to know her...you're "Mystery Giver". , Atty. Gozon explains at him. "Si 'Mystery Giver'? Nandito siya?" "Yes. Actually kami ni Carlites ang nakipag appointment sa kanya para magkita na kayo. It's been 5 years since she started helping your charity events and foundations in financial terms. I'm sorry kung tinago namin sa'yo ang pagkatao niya. It is her very request, and we do respect her. Nagkataon kasi na nandito siya ngayon sa Pilipinas kaya we grabbed the chance for you to see her personally." "So, babae si 'Mystery Giver'? Nasaan po siya?", tanong niya sa mga ito. Saglit namang sumenyas si Atty. Gozon sa isang security. Makalipas ang ilang saglit ay pumasok ang isang babae. Saglit na natigilan si Alden. Ang tantiya niya ay nasa mga 25 years old na ang edad nito. She has a long blonde hair and the most mesmerizing smile. She has the most fierced eyes that will make you tremble down on your knees. Nagulat si Alden sa nakita niya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Napakapamilyar ng mukha ng babaeng nasa harap niya ngayon. Paano ba siya makakalimot dito? Siya ang babaeng minahal niya 'nung highschool pa lang siya, at ang babaeng pinakawalan niya para sa mga pangarap niya. "Janet Cortez? Ikaw si 'Mystery Giver'?" "Hi, Tisoy! Oh, can I still call you Tisoy right now?", she asked him as they shake hands. Agad naman silang pinakilala ni Atty. Gozon sa isa't isa. "Alden, meet Janet Cortez...your mystery giver". Agad namang nakipagkamay si Alden sa kanya. Alam niyang sobrang lamig ng mga kamay niya nang mga oras na 'yun. Gusto niyang tumakbo pero marami siyang gustong itanong kay Janet. Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula. Isa lang ang alam niya, at 'yun ay katotohanan na kailangan niyang harapin ang galit nito. "Ikaw si Mystery Giver?", he asked her again. "I'm afraid, yes. Sorry to disappoint you.", she answered him. Atty. Gozon, Maam Carlites and everyone present in the room feels the tension between the two of them. So, they decided to leave. "Ahm, Janet...do want anything? Coffee or juice?" "No. I'm fine Attorney. I'm okay." "Sige, maiwan muna namin kayo ha, Alden and Janet.", then they left with Mama Ten and Leysam. Naiwan silang dalawa ni Janet sa function room na 'yun. Nararamdaman ni Alden ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Ilang minuto na silang tahimik at hindi niya alam ang sasabihin dito. Pakiramdam niya tuloy ay ang init ng batok niya at parang dinadaga ang dibdib niya. Makalipas ang ilang segundo ay naglakas loob na siyang magsalita. "Ahm, Janet? Bakit?", tanong niya dito. "RJ, ano bang klaseng tanong 'yan? "I mean, bakit hindi ka nagpakita sa akin sa loob ng limang taon? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw si Mystery Giver? Bakit ka nagtago? Bakit....?", mahaba niyang tanong sa kanya. Agad naman siyang binara ni Janet, "Hey, pwede bang isa isa lang ang tanong? Grabe ka naman. Hindi ko tuloy alam kung ano ang una kong sasagutin eh. At saka correction lang ha, hindi ako nagtago. Why should I?" "Oh, I'm sorry.", he apologizes to her. "First of all, hindi ako nagpakilala sa'yo agad bilang si 'mystery giver' because I'm thinking that it's not important. Hindi na mahalaga na malaman mo kung sino ako. Ayoko ng makagulo pa sa buhay mo." "Janet, please don't say that. Alam mong hindi ganun' yun. Hindi na kita nakita after ng highschool graduation natin. I really felt bad that I broke up with you. Alam mo ba na simula 'nun, may mga araw na iniisip ko kung tama ba ang ginawa ko. Pero alam kong nasaktan kita. Nararamdaman ko, Janet." "Well, the truth is...after ng highschool graduation natin ay inasikaso ko na agad ang pag alis ko papunta ng Japan. Napag desisyunan ko na 'dun na mag aral ng college para makasama ko na din ang Tita ko. It's really a tough decision, Tisoy. Pero, alam ko na para 'yun sa ikakabuti ko." "Janet, I'm really sorry. Alam kong hindi na tayo nakapag usap pagkatapos nating maghiwalay. Pero, walang araw na hindi kita namimiss. Walang araw na hindi ako inuusig ng konsensiya ko dahil sinaktan kita. Umaasa ako na isang araw magkikita ulit tayo at pwede pa nating ituloy ang pagmamahalan natin. Maybe this time, we can still fix things between us and start all over again. Sabi pa nga sa 'kin ni Daddy nuon na hanapin daw kita kaso naduwag ako. Ayaw ko na din na guluhin ang buhay mo." "Oh, really? Is that so? But maybe, it's too late now, Tisoy. Hindi na pwede.", she sighs. Napansin ni Alden na may suot na wedding ring si Janet. Kaya hindi niya natiis na hindi siya tanungin tungkol dito. "You're already married? Kelan pa? Sino?", he asked her. "Yes, I am. It was 2 years ago. His name is Hiro Takahashi: anak siya ng bestfriend ng Tito ko. Nakilala ko siya sa University kung saan ako nag aral. Ayun, naging magkaibigan kami...and the rest is history.", kuwento ni Janet sa kanya. "Oh, belated congratulations pala! Nahuli na ako sa balita." "Thank you. Uy, sinali mo pa talaga sa Magpakailanman life story mo 'yung love story natin ha. Napanood ko 'yun. I don't think it's really significant." Ewan ba niya pero may naramdaman siyang kirot sa puso niya. He feels that she's still hurting. Nasasaktan din naman siya para dito. Kung tutuusin ay wala naman siyang karapatan na maramdaman 'yun. Siya ang nanakit at bumitaw sa pag iibigan nila. "Alam mo, Tisoy aaminin ko na nasaktan talaga ako 'nung nakipaghiwalay sa ka sa 'kin. Ilang araw din na umiiyak ako at tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba 'yung nagawa kong mali sa relasyon natin, kung ano ba ang mga pagkukulang ko. Pero alam ko na 'yun ang kailangan mo. You need to focus on fulfilling your dreams at magiging sagabal lang ako sa pag abot ng mga pangarap mo, right?", she said to him looking straight on his eyes. "Janet naman, wag mo namang sabihin 'yan. Hindi ka naman sagabal eh. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa'yo, 'di ba? Kailangan ko nuon na mag focus sa family ko at 'yun ay ang pagtupad sa mga pangarap ko. At magiging unfair sa'yo na habang ginagawa ko 'yun ay hindi na kita mabigyan ng oras." "Alam ko. Kaya nga lumayo ako sa'yo eh. Kasi naintindihan ko na kaya mo ginawa 'yun dahil sa pamilya mo. Siguro nga blessing in disguise na naghiwalay tayong dalawa. Kasi kung hindi mo ginawa 'yun, wala sanang Alden Richards ngayon. Naalala ko pa nga 'nung sumali ka ng Mister Intramurals sa school, ang saya saya pa nga natin, 'di ba? Isa ako sa mga pumalakpak para sa'yo. Even after you broke up with me, I never stopped being your fan. I never stopped clapping my hands whenever you received awards, and achievements. I never stopped defending you from all your bashers. Hindi ako tumigil na maging masaya para sa 'yo...kahit hindi mo na 'yun malaman. Cause I've never been gone, Tisoy. I am watching over you all this time." Hindi na napigilan ni Alden ang pagtulo ng mga luha niya. Siguro nga, isa si Janet sa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon may takot siya na magmahal ulit. Ayaw niya kasi na masaktan at makasakit pa ng iba. Letting her go is one of the hardest decisions that he made. "Janet, I'm really really sorry. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin. Ako din naman eh. Minsan may mga panahon na hindi ko alam kung paano ako uusad sa buhay ko. Pakiramdam ko kasi, may humihila sa 'kin. Parang ang hirap maging masaya.", he said in between sobs. "Kaya ba hindi mo pa nililigawan si Rachel de Guzman?" "Alam mo ang tungkol sa kanya?" "Oo naman. Don't let the past haunt you, Tisoy. Alam mo, gusto kong magpasalamat sa'yo. Thank you for breaking my heart. Thank you for letting me go. Siguro kung hindi mo ginawa 'yun, hindi ako pupunta ng Japan at hindi ko makikilala si Hiro; ang asawa ko. There was a time na nakita ko si Maam Carlites sa Japan nang minsan na magbakasyon siya. Lumapit ako sa kanya and I expressed my intentions of helping your charity events and chosen foundations since then. Kagustuhan ko na wag ipaalam sa'yo kung sino ako. Because I think it's not really important. For me, what matters is that I could help those people in need. Ikaw naman ang nagturo sa akin 'nun, 'di ba? Kapag tumulong ka sa kapwa mo, hindi na kailangan na ipaalam o ibalita mo 'yun sa iba. At saka hindi na rin ako umasa na magkakabalikan pa tayo. Ang taas taas na kasi ng lipad mo eh. Hindi na kita maabot.", pagpapaliwanag niya kay Alden. "Janet naman...pero, kumusta ka na ngayon? Matagal din kasi tayong hindi nagkita eh." "I must say that I'm stronger now. Mas ikaw ang inaalala ko. Ikaw yata ang hindi pa nakaka move on, Tisoy. You need to let go of me. You have to move forward. Kelangan mong umusad. Kelangan mong lumipad palayo. Dati iniisip mo na imposibleng mangyari ang pangarap ni Tita Rosario para sa'yo na maging artista ka. But look at you now...you're the most sought-after actor, endorser, model of your generation in the showbiz industry. I'm sure that wherever she is right now...your mom is really proud of you." "Thank you, Janet. Alam ko naman 'yun eh. Hindi rin naging madali pero sa awa ng Diyos unti unti nang natutupad. Masaya ako na makita kang masaya. Akala ko nuon hindi na tayo magkikita ulit. Natatakot ako na hindi mo 'ko mapapatawad sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa'yo." "Matagal na kitang pinatawad, Tisoy. Hindi naging madali pero pinili kong gawin. Wala namang mangyayari sa buhay ko kung patuloy akong magagalit sa'yo, 'di ba? Ako rin naman ang masisira kapag ginawa ko 'yun. You chose to let go of me, and I want you to know that it's all worth it." "Maraming salamat, Janet. Hindi mo lang alam kung gaano mo pinagaan ang damdamin ko ngayon. Salamat talaga.", he said to her while tears flow down from his eyes. "Eto naman! Wag ka na nang umiyak. Kalimutan na natin 'yun, Tisoy. Matagal na panahon na 'yun. Marami nang nagbago sa mga buhay natin. The past is bygone already. Forgive yourself.", inalo siya nito. "Janet, pwede bang humingi ng favor sa'yo?" "Ano 'yun?" "Pwede ba kitang yakapin kahit sandali lang?" "Oo naman, yakap lang pala eh." Agad naman niyang niyakap si Janet. Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak at nahalata niyang umiiyak na din ito. "I'm sorry, Janet. I'm really really sorry", he said while hugging her. "Okay na, Tisoy. Wag ka nang umiyak. Ayos na 'yun.", she answered him. Bigla namang kumalas si Janet sa pagkakayakap nila. Tumunog ang phone nito. "Ikaw talaga Tisoy, pinaiyak mo 'ko. Ayan tuloy, nasira ang make up ko. Loko ka! Kung hindi lang ikaw, naku baka nahampas na kita ng 'Kendo' stick.", pabiro niyang sabi dito. Natawa si Alden sa sinabi niya. Naramdaman niyang may paglaya na sa bawat damdamin nila. Magaan na ang lahat. "Sino ba 'yung nag text?" "I have to go, Tisoy. Nag text na si Hiro. Kasama ko siya ngayon na nagbabakasyon sa Pilipinas with our daughter, Akiko. Nawala lang ako sandali, ayan na hinahanap na ako. Palibhasa kasi masyado akong mahal 'nun.", she stood up and fixes herself. "Ganun ba? Mukha ngang mahal na mahal ka niya. Salamat nga pala sa tulong mo ha. Sobrang na appreciate ko 'yun." "Walang anuman. Kaya ikaw, bilis bilisan mo. Naku, baka masundan na namin si Akiko tapos ikaw, waley pa din. You're not getting any younger, Tisoy. Basta kapag may kailangan ka, wag kang mahihiyang magsabi sa 'kin. Paano ba 'yan? I have to go. See you again, someday." Aakma na sanang aalis si Janet pero may sinabi pa ulit ito sa kanya. Mukhang biro 'yun pero may laman ang bawat salita. "Hey, don't you ever do that again to the one you love. Kapag nakilala mo na siya, wag mo nang pakawalan. Wag mong saktan. Ipaglaban mo siya hanggang huli. Wag mo nang saktan ang sarili mo. Kasi kapag nalaman ko na ginawa mo ulit 'yun...uuwi ako dito sa Pilipinas at hahampasin kita ng 'Kendo' stick nang magising at matauhan ka.", sabi niya dito na nakatawa. "Eto naman, masyadong mapanakit.", sagot niya dito. "Biro lang 'yun, pero gagawin ko talaga kapag nagpasaway ka pa ulit sa love life mo. O siya, alis na ako. Bye." "Salamat ulit Janet.", sabi niya ulit dito. "You're welcome, Tisoy. Imanotokoro sayōnara. Watashitachi wa futatabi otagai o miru koto ga wakatte imasu.", she answered him and bow down her head in a Japanese way. Alden also bow down his head as a response, "Ano ang ibig sabihin 'nun?" "It's for you to find out.", then she left smilling. Naiwan si Alden sa loob ng conference room. Ang gaan gaan ng pakiramdam niya na para siyang nabunutan ng tinik pagkatapos ng naging pag uusap nila ni Janet. Malaya na siya. Malaya na silang dalawa. Napigtas na ang kadena ng nakaraan. Nakawala na siya sa isang madilim na piitan. Ngayon alam niyang matapang na siyang harapin ang bawat bukas kasama ng mga taong nagmamahal sa kanya. Napatawad na niya ang kanyang sarili at handa na ulit siyang magmahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD