Maine's POV
Maine and her family are currently at Pico de Loro Beach & Country Club in Nasugbu, Batangas. Nagkayayaan kasi silang magkakapatid na mag outing dahil medyo matagal na hindi nila ito nagagawa. Sumama na din ang Nanay at Tatay nila dahil gusto rin ng mga ito na lumayo muna sa siyudad upang makalanghap ng sariwang hangin.
Since she started working as an Online Social Helper, she would only stay at home while facing her laptop. She writes articles about marketing strategies, makes marketing videos, transcribed some audio files that were being sent by Samantha---her Australian client. Minsan, nakaka stress talaga.
She thinks that this vacation at Pico de Loro is good for her and the family, as well. They are now in a three bedroom corner suite in Pico Sands Hotel. Kahit nuon pa man, ay ugali na nila na magkakasama sa iisang kuwarto kapag nagchi- check sa hotel. Kahit pa magsiksikan sila, ayos lang.
They want to make the most out of every moment. They need a break. Medyo napagod sila sa biyahe kaya lahat sila nakatulog. Bigla namang nagising si Maine. It is already past noon time.
"Colleen, gising!", yugyog niya sa kapatid na tulog na tulog pa.
"Ano ba, Meng! Inaantok pa ako eh. Bakit ba?", sagot nito sa kanya na nakapikit pa ang mata.
"Hindi ka ba nagugutom? Pasado alas dose na ng tanghali oh. Hindi ba natin sila gigisingin?"
"Kumain kana lang 'dun sa baba. Susunod lang ako. Promise, 5 minutes lang Meng."
"Huy, Colleen. Gising na uy! Samahan mo naman ako."
Pero kahit anong gising niya dito, ay tulog na tulog talaga ang kapatid. Ilang araw na din kasi itong puyat dahil sa trabaho. Pinagmasdan ni Maine ang paligid niya. Magkatabi sa iisang kama ang Nanay at Tatay niya. Sa isang kama naman ay magkatabing natutulog ang Ate Nikki at Kuya John niya na katabi si Baby Matti. Nasa tabi naman ni Maine si Dean at Colleen na parehong tulog na tulog din.
Naisipan ni Maine na lumabas muna para kumain. Kanina pa yata siya nagugutom. She decided to go to Pico Restaurant just located at the lobby of the hotel. The said restaurant is serving Mediterranean cuisines. Maine is now currently inside and waiting for her food to be served. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang pagkain niya.
"Maam, here's your food. Enjoy your lunch!", the waiter politely tells her.
"Thank you!", she answered him.
She ordered a Beef Tenderloin Salpicao: a beef tenderloin sautéed with garlic, red wine served with vegetables and mashed potatoes. Before devouring it, she decided to take a picture of it and carelessly posted the photo on her Twitter account.
"BINIBINING MARIKIT @BinibiningMarikit"
Beef Tenderloin Salpicao for lunch here at Pico Restaurant, Pico de Loro Beach and Country Club!
Maine is currently enjoying her food when she saw a familiar face inside the said restaurant.
"Teka, kilala ko 'yun ah. Parang si Leysam 'yung naka upo sa kabilang mesa. Bakit kaya siya nandito? Hmmm...Baka nagbabakasyon lang siguro."
Meanwhile, Alden has just finished taking a bath. Kailangan niyang ma preskuhan dahil meron siyang photoshoot para sa New Collections ng Boardwalk. Katatapos niya lang magbihis at binabasa ang hotel manual.
His room is located at the 3rd floor of the hotel, and he could see a majestic lagoon as a view from his window. Kanina lang ay ginising siya nina Leysam at Mama Ten para kumain pero mas gusto niya yatang matulog muna kaya hinayaan nalang siya ng mga ito.
"Pico de Loro! Wow. This place is just so beautiful.", he said.
He decided to take a picture of the lagoon and posted it on his i********: Account with a caption:
"ALDEN RICHARDS @aldenrichards02"
Pico de Loro! ❤
Alden is checking his Twitter notifications when one of his followers tagged him photos that made him feel a little uneasy. May isa pang account na kasama niyang naka tag. The first photo is a screenshot of his i********: post, and that is the lagoon of Pico de Loro that he posted just a few minutes ago.
The other one was a screenshot from a Tweet that has a photo of a Beef Tenderloin Salpicao. When he checked the twitter username of the one who posted the Beef Tenderloin Salpicao photo, he gasped. It was from Binibining Marikit. The tagged photos has a caption:
"Banks AM | PM @bankingonkismet"
Oh my god! They are in the same place right now. Is this the perfect time? Gosh, magkita na sana kayo please!
"s**t, she's here! Nandito si Binibining Marikit sa Pico de Loro, and she is currently eating at The Pico Restaurant. Gosh, anong gagawin ko?", he frantically stood up.
Naisip niya na baka ito na nga ang tamang panahon na magkita sila. Tiningnan niya ulit ang picture na pi nost ni Binibining Marikit and looks like mag isa lang siya na kumakain. Bigla niyang naalala na nandun' din pala sina Leysam at Mama Ten sa nasabing restaurant.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. He tries to calms himself. He looks at himself in the mirror, took his phone and left the room. Pupuntahan niya si Binibining Marikit. He decided to call Leysam on his phone.
"Sam, where are you?", he asked him while walking towards the elevator.
"Nandito pa kami sa Pico Restaurant. Bakit?"
"s**t! Sam, wag muna kayong umalis diyan. Nandiyan siya. Damn it! She's here!"
"She? Who's she?"
"Nandiyan si Binibining Marikit. I have to see her. Gosh!", he exclaims while inside the elevator.
"Ano? Sigurado ka ba?"
"Yes. Wait for me there. I'm coming over."
The phone call ended. Medyo nalito tuloy si Leysam. Iniisip niya kung paano nila makikilala si Binibining Marikit. Wala naman itong matinong DP sa twitter maliban sa mata niya.
"Anong sabi ni RJ?", tanong ni Mama Ten kay Leysam.
"Sabi niya pupunta daw siya dito kasi nandito daw si Binibining Marikit."
"Talaga ba?"
"Naku, ewan ko ba diyan sa alaga mo Mama Ten. Baka na inlab na 'yan sa imaginary love team niya.", he shrugs.
Muntik nang maibuga ni Maine ang tubig na iniinom niya. Nagulat kasi siya sa nakita niyang tagged photos sa Twitter notifications niya. Ang mga nasabing pictures ay screenshots ng i********: post ni Alden at Twitter post niya kamakailan lang. She then, realize something.
"Potek! Nandito si Alden Richards! Kaya pala nandito din si Leysam, at si Mama Ten pala 'yung katabi niyang kumakain. s**t! Anong ginawa ko? Bakit ko pa pinost 'yung photo ng Beef Tenderloin Salpicao?! Naku, Menggay...anong ginawa mo? Ang tanga mo talaga!"
Dali dali niyang dinelete ang twitter post niya. But it's too late. Marami na ang nakapag screenshot dito at kalat na kalat na sa Twitter feeds niya. Kung sino man 'yang si bankingonkismet ay gusto niya itong hampasin ng very light. Pero kasalanan din naman niya.
There's one thing that she wants to do: HINDI SILA PWEDENG MAGKITA NI ALDEN RICHARDS. Kahit pa hindi naman siya makikilala nito, pero baka matulala lang siya kapag nagkita sila. Alam niyang makakahalata ito. Mahihirapan siyang mag deny. Kailangan na niyang tumakbo palayo, for now.
"Oh no! Paano kung pumunta siya dito? No, no, no! Hindi pwede! I must go. Hindi niya ako pwedeng makita. Jusko, alam kong magaling mangilatis ng tao si Alden. Baka nga dating agent 'yun ng FBI at SOCO!
Pero baka naman hindi niya ako hanapin. Bakit naman niya ako pupuntahan dito? Wow! Ang assumera ko lang. Hindi niya ako pag aaksayahan ng oras. I'M NOT RACHEL. Pero kahit na, better safe than sorry. Gorabells na 'ko! , she said while paying her bills.
Nakita niyang palinga linga sina Leysam at Mama Ten na tila ba may hinahanap. Tumayo na siya at palabas na ng pinto. Dahil nagmamadali siya ay muntik na siyang may mabanggang lalake. Nagkadikit ng ilang segundo ang mga balikat nila. Ngunit dahil nagmamadali din ito ay hindi na nakita ni Maine ang hitsura nito. Ang tanging nasabi lang nito sa kanya ay "sorry miss" at pumasok na ito sa loob ng restaurant.
Hindi na rin niya ito nasagot dahil nagmamadali din siya. At 'nung nagsabi ang lalake ng sorry ay napalinon na si Maine sa bandang kanan. Gusto niya lang na makalayo agad sa lugar na 'yun. Hindi niya namalayan na ang lalakeng 'yun pala na nakabangga niya sa balikat ay walang iba kundi si Alden Richards. Maine decided to take a walk at the lagoon. Kailangan niya yata ng sandamakmak na hangin.
"Excuse me, Miss. Nakita niyo po ba 'yung babae na nag order ng Beef Tenderloin Salpicao kanina? Actually, mag isa lang yata siya na kumakain.", Alden asked one of the restaurant staff.
"Naku Sir Alden, hindi po eh. Sabi ng waiter kakaalis lang daw po. Baka nga po nakasalubong niyo po siya kanina sa pinto. Baka nga po siya 'yung babaeng muntik niyong makabangga kanina sa may pinto. Nakita ko po kasi kanina 'yung pagpasok niyo dito na may muntik kayong makabangga na isang babae. Baka siya po 'yun, Sir. Mukhang segundo lang po 'yung pagitan ng pag alis niya at pagdating niyo.", pagpapaliwanag sa kanya ng isang staff.
"Ganun ba? Sayang naman, hindi ko kasi nakita 'yung mukha niya. Kasi 'nung nagsabi ako ng sorry, eh nakaalis na siya agad."
"Ah eh, sino po ba 'yun Sir?"
"Ahm, she's a fan. Gusto ko lang sana mag thank you sa kanya."
"Naku, sorry Sir. Hindi ko na po matandaan 'yung hitsura niya. At saka naka out na po 'yung waiter na nag asikaso sa kanya. Pasensiya na po talaga."
"Okay lang, salamat. No worries."
Naglalakad sina Alden, Leysam, at Mama Ten papunta sa lagoon ng Pico de Loro. Doon daw ang location ng photoshoot.
"Sayang, hindi ko siya naabutan Ma!", he sighs.
"Ano ka ba, Nak! Dadating din ang tamang panahon na magkikita din kayo ni Binibining Marikit.", Mama Ten encouraged him.
"I just don't understand why she is so scared na magpakita sa akin. I know there is a reason behind it. It makes me feel so uncomfortable."
"Wag mo munang isipin 'yun, Nak. Nandito ka para magtrabaho. Ease your mind. Mag focus ka muna, okay?"
"Sorry Ma. At saka salamat kasi nandiyan ka palagi para e guide ako."
"Sus, eto naman. Nag drama pa."
Kasalukuyang nakaupo si Maine sa isang bench sa may lagoon. Buti nalang at kumalma na siya. Makalipas ang ilang saglit ay may nakita siyang paparating na mga tao. Medyo may pinagkakaguluhan yata ang mga ito.
At nang ilang metro nalang ang mga ito sa kanya ay isang pamilyar na pigura ang nakita niya. Si Alden Richards pala. Nakapalibot dito ang mga security dahil dinudumog na siya ng mga fans.
"Pakshet! Ikaw na naman!", she said.
Buti nalang at hindi siya nito nakita dahil naging abala si Alden sa pagkaway sa mga fans niya at pagpapa unlak ng selfie sa mga ito. Nakita niyang hinarang na ng mga security ang mga fans pagdating sa mismong location ng shoot.
Alden is wearing a V- neck white top and a ripped jeans. Maine decided to hide herself on one of those trees located just a few meters from Alden's photoshoot location. His glam team is fixing him and he really look so handsome.
"Anak ng tokwa't baboy naman oh! OMG! Ang guwapo niya!", she giggles.
Nagsisimula na ang photoshoot at nagtatago parin si Maine sa may puno. Gustuhin man niyang umalis pero hindi naman niya magawa. Gusto niya munang titigan si Alden kahit sa malayo. She knows that it's sounds really unreasonable pero wala siyang pake. Alden is posing before the camera wearing the new collections of Boardwalk.
She was just there, watching him from afar. She watches him in amazement of how he professionally do his job. Kinuha ni Maine ang phone niya and secretly took a picture of him. They were down to their last set of the photoshoot when the photographer asked Alden to remove the shirt that he is wearing so that his jeans will be emphasized.
Alden immediately removed the shirt and poses infront of the camera.
"Aba, at talagang nag hubad ka pa ng t shirt ha! Ano ba, Alden! Inaano ka ba? Teka, mukhang biglang uminit ang paligid. Kailangan ko yata ng tubig. Oo, tubig! Kailangan ko ng tubig!", she said as she fans herself.
Hindi na yata nahalata ni Maine na nakanganga na yata siya habang pinapanood si Alden. She knows that she looks like a lunatic but Maine tries to behave. Biglang napakamot si Maine sa mga paa niya. May mga hantik na pala na kumakagat sa kanya. Sinisisi niya tuloy ang sarili kung bakit 'dun pa siya sa may puno nagtago.
"Langya kayong mga hantik kayo! Panira kayo sa moment ko! Aray naman! Magsi alis kayo at baka gusto niyong prituhin ko kayo ng deep fry.", she said as she scratches her legs.
Nagsialisan naman ang mga hantik. Baka nga naintindihan siya ng mga ito. Alam niyang para na yata siyang nababaliw pero alam naman niyang nasa tamang katinuan pa siya. Hindi niya mapigilang pagtawanan ang sarili niya.
"Haaay, Alden Richards! Ang guwapo mo talaga at ang bait pa. Sorry ha, nagkaroon ka ng duwag na tagahanga na kagaya ko. Kaya kahit nakagat ng hantik, heto tiis ganda lang ang peg ko."
Bigla namang sumulpot mula sa likuran ni Maine si Colleen.
"Menggay!", sabi sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
"Ano ka ba, Colleen! Ba't ka ba nang gugulat?"
"Kanina ka pa hinahanap ni Tatay. Saan ka ba galing?"
"Kumain lang naman ako eh."
"Sino ba 'yang sinisilip mo diyan?"
Tiningnan ni Colleen kung sino ang sinisilip ng kapatid.
"Uy, si Alden Richards 'yun ah. Nagkita na kayo? Nakipagkita kana sa kanya? How was it?"
"Wala. Hindi ako nakipagkita sa kanya."
"Jusko naman, Meng. Ayan na oh. Ilang kembot nalang siya mula sa 'yo oh."
"Ayoko, Colleen. Wag muna."
Bigla siyang hinila ni Colleen ngunit napigilan niya ito.
"Ano ka ba, Meng? Hanggang kailan ka ganyan? Gusto mo sumigaw ako? Alde----....."
Agad namang natakpan ni Maine ang bibig ng kapatid nang aakma na itong sisigaw.
"Colleen naman. Please wag mong gawin 'yan."
"Sige na nga. Kung hindi lang kita mahal eh, binatukan na kita. Alam mo kasalanan 'to ng Carlo Alejandro na 'yun kung bakit ka nagkakaganyan eh. Potek, pag nakita ko ulit 'yung lalakeng 'yun...babasagin ko ang mukha niya. Sinasabi ko sa'yo Meng..."
"At kailan ka pa naging wrestler ha? Huy, wag mo nang sisihin si Carlo. Wala naman siyang kasalanan eh."
"Anong wala? Look at you now, Meng. Hindi ka magkakaganyan kung hindi dahil sa Carlo Alejandro na 'yun. Ang kapal ng mukha niya. Paasa siya. He made your life miserable. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para sa kanya tapos parang wala lang? Ano 'yun? Tangina niya!"
"Grabe naman! Miserable agad? 'Di ba pwedeng nalungkot lang? Ganun? Haaay...Tama na uy. Sige ka, magkaka wrinkles ka. Mahal magpa botox kay Dra. Vicky Belo.", biniro niya nalang si Colleen.
"Tange! Enough with this bullshit, Meng! Halika na, hinahanap na tayo ni Tatay."
Saglit na tiningnan ni Maine si Alden. Kasalukuyan na itong paalis dahil tapos na ang photoshoot. She will surely miss him. Naglalakad na sina Colleen at Maine paakyat ng room nila nang masalubong nila ang Tatay at Nanay nila. May kausap ang Tatay niya na isang babae ngunit nakaalis na ito nang dumating sila.
"Oh, Meng saan ka ba galing?", naitanong sa kanya ng Nanay niya.
"Ahm, kumain lang po ako Nay at saka naglibot libot ng konti."
"Tay, sino po 'yung babaeng kausap niyo kanina?", tanong naman ni Colleen sa Tatay nila.
"Ah, 'yun ba? Naalala niyo ba 'yung sinabi ko sa inyo na kaibigan ko na movie writer?"
"Opo, bakit po?"
"Well, sabi niya sa akin na magsisimula na daw sila mag shooting sa Mendoza Farms in 3 days."
"Oo nga noh, malapit na pala mag July 16. Wow, taray! Magiging star studded ang bahay natin.", sabi naman ni Maine.
"At saka sinabi niya din sa amin kung sino 'yung isa sa mga bidang artista.", Nanay Mary Ann giggles.
"Sino daw po, Nay?", Maine ask her with excitement.
"Si Alden Richards!", their parents said in unison.
"Po? Si Alden Richards!?", sabay na pagkakasabi nila Maine at Colleen.
"Oh, bakit gulat na gulat kayong dalawa?"
"Lagot! Patay!", Maine said.
"Bakit lagot? At sinong namatay?", tanong ng Tatay nila.
Nagkatinginan sina Maine at Colleen.
"Ahm, 'yung kuko po sa paa ni Colleen...namatay po. Naapakan ko po kasi eh.", pagdadahilan ni Maine.
Kinurot siya sa gilid ni Colleen. Pero kailangan niya munang magsinungaling sa mga ito. Nagkayayaan na mag swimming ang magkakapatid. Pero hindi mapakali si Maine. Magsisimula na ang shooting ni Alden sa Mendoza farms kung saan din sila nakatira...in 3 days.
Gusto niyang magtago sa bundok, o di kaya pumunta ng Planet Jupiter, at kahit kung saan man. Hindi niya lubos maisip ang pwedeng mangyari. Wala siyang sinisisi kung bakit siya ganito. Ni minsan hindi niya sinisisi si Carlo Alejandro, o kahit sino man.
Siguro, kung may dapat mang sisihin kung bakit siya ganito ay ang sarili niya din: wrong choices, kumbaga. Tiningnan niya mula sa photo galleries niya ang pictures ni Alden kanina sa photoshoot na kinuhanan niya ng palihim. Buti nalang at mataas ang quality ng camera niya na kahit naka zoom in ay malinaw parin.
May naisipan siyang gawin. Ayaw niya masira ng bakasyon nila ng pamilya niya. Kaya pumili siya ng isa sa mga pictures ni Alden na kuha niya kanina and posted it on her Twitter account. Then, she plays with Baby Matti after posting it.
Her tweet says with Alden's photo in it:
"BINIBINING MARIKIT @BinibiningMarikit"
It's nice to see you again. So nice. I am very glad. ?