Chapter 6

2754 Words
It is a Sunday afternoon and Maine decided to go out. Naisipan niyang pumunta ng SM Aura sa may Taguig City. May mga panahon kasi na nakakaramdam siya ng pagkabagot sa trabaho niya bilang isang Home Based Social Helper. Pero, masaya naman siya sa naging trabaho niya. Ang Nanay at Tatay niya ay may pinuntahang binyagan dahil kinuha silang ninong at ninang. Ang kapatid naman niyang si Dean ay namamasyal kasama ng mga kaibigan niya. Si Colleen naman ay kasama ang boyfriend niya. Sina Ate Nikki at Kuya John naman niya ay magkasamang nag bonding. Nagsabi ang mga ito na dadaanan nalang siya sa Mall upang may kasabay siyang umuwi ng Bulacan. Ang mga kaibigan naman niya ay kasama ang kani kanilang ang mga pamilya. Kaya heto siya at mag isang nagpalakad lakad sa loob ng mall. Pumasok muna siya sa department store, pero wala naman siyang nagustuhan. Nagpa ikot ikot pero pakiramdam niya ay nadagdagan pa ang pagkabagot niya...mamasyal ba naman na mag isa. Saglit siyang napadaan sa Ramen Nagi store. Muntik na siyang mabangga ng isang grupo ng mga kababaihan. Tila ba may pinagkakaguluhan ang mga ito. Buti nalang at nakaiwas siya. Nasa labas na ang mga tao at panay ang sigawan. "Sino kaya 'yun? Baka artista? Matingnan nga." Sinubukan niyang maki usyoso sa umpukan ng mga tao. Hindi niya masyadong maaninag kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Ang tanging nakikita niya lang ay ang mga kamay at cellphones. Pero parang pamilyar sa kanya ang boses ng isang lalake. She pushed her way forward. Kasalukuyan parin na nagkakagulo ang mga tao. Finally, nagkaroon siya ng mas klarong puwesto at nakita niya din kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Her eyes grow wide. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. It was him: The man who made her hide behind the mask. It is CARLO ALEJANDRO. Sa gitna ng kaguluhan ay napansin siya nito. "Carlo Alejandro?", she said. "Maine?", he answered. Ewan ba niya pero parang babagsak na naman ang mga luha niya. Kaya bago pa 'yun mangyari ay agad na siyang umalis. Tumakbo siya palayo. Narinig niya na tinawag pa siya nito pero hindi siya nakinig. Wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay makalayo siya sa lugar na 'yun. Habang tumatakbo siya ay hindi na niya mapigilan ang pagbagsak ng mga luha niya. Nasa ganun' pa siyang kalagayan nang tumawag ang Ate Nikki niya. "Hello, Meng. Nasaan ka na? Nandito kami sa parking lot ng SM Aura." Pinunasan niya muna ang mga luha niya bago siya sumagot. "Hello Ate Nikki. Nandito pa ako sa loob ng mall." "Meng, umiiyak ka ba? Are you okay?" "Ahm, wala Ate. Ahm, kasi...kumain ako ng spicy ramen kaya hanggang ngayon parang nararamdaman ko parin 'yung anghang niya." "Ah ganun' ba? Oh sige, hintayin ka namin dito. Bye." "Sige, Ate. Pupunta na ako diyan. Bye." Kahit mahaba ang biyahe pauwi ng Bulacan ay balewala 'yun kay Maine. Isa lang ang nasa isip niya ngayon: si Carlo Alejandro. Nakauwi na siya ng bahay at dumiretso agad sa kuwarto niya. Ayaw niyang makita ng mga magulang niya ang namumugto niyang mga mata dahil sa pag iyak kanina. Nakaupo siya sa kama at may kinuhang box mula sa bedside table niya. Punong puno 'yun ng mga pictures nila ni Carlo. "Tangina mo, Carlo. Langya ka! Sinira mo ang araw ko. Nagpunta ako ng mall para mag enjoy tapos ikaw pa makikita ko. Gago ka!", she said while looking at the pictures. Lahat ng sakit na pilit niyang kinakalimutan ay biglang nagbalik. Lahat ng mga alaala na ayaw na sana niyang balikan ay kusang nanakit muli kay Maine. "Grabe din eh noh? Naging baliw ako sa'yo Carlo. Akala ko, okay na ako eh. Pero hindi pa pala. Masakit parin. Sobrang sakit.", Maine sighs as she remembers those memories with him. Kababata ni Maine si Carlo Alejandro. Sabay silang lumaki at sabay din na nangarap. Malapit ang mga pamilya nila simula ng mga bata pa sila. Magkaparehas sila ng school simula Pre-school, Elementary, at Highschool. Minsan nga ay binibiro na sila ng mga magulang nila na baka pagdating ng araw ay sila din ang magkakatuluyan. Hindi kasi sila mapaghiwalay. Nagkahiwalay lang sila 'nung nag college na. Simula pagkabata ay pangarap na ni Carlo na maging isang sikat na artista. Alam na alam 'yun ni Maine dahil minsan naglalaro sila nuon ng artista artistahan at model modelan ni Carlo. Naalala niya pa ang isang pag uusap nilang dalawa 'nung highschool pa lang sila. "Alam mo, Meng. Balang araw, sisikat din ako. Magiging sikat akong artista kagaya ni Piolo Pascual." "Oo nga, Carlo. Tapos magiging sikat kang endorser ng mga branded clothes tapos pagkakaguluhan ka ng maraming fans. Tapos marami magpapa autograph sa'yo." "Oo, Menggay. Tapos makikita na ako sa TV at magiging cover ako ng mga magazines." "Wow. Nakaka excite naman 'yan. Basta ha, pag sikat kana...wag mo 'kong kakalimutan." "Oo naman, Meng. Promise 'yan. Pag sikat na 'ko, isasama kita sa lahat ng mga lakad ko. Tapos isasama din kita sa lahat ng mall shows ko." "Promise yan ha?" "Oo naman, Meng. Walang magbabago. Walang iwanan. Kasama ka sa lahat ng mga plano ko. Ikaw pa!" Hindi maiwasan ni Maine na mapaluha. Lahat yata ng sakit ay kusang bumabalik sa kanya ngayon. "Walang magbabago. Walang iwanan. Huh! Gago ka. Sinungaling.", nasabi niya nalang sa picture ni Carlo na hawak niya. Naalala niya pa 'nung nasa college sila ni Carlo. Kasabay siya nito na pumupunta sa mga auditions sa halos lahat ng TV Network sa Pilipinas. Madalas ay umuuwi silang bigo. Pero, palagi niyang pinapaalala dito na marami pang pagkakataon na dadating. She supported him in any way that she could. She never left his side. Matapos nga ang ilang beses na pagsubok ay nabigyan ng break si Carlo sa isang commercial, hanggang sa isang cameo appearance sa isang teleserye...and the rest is history. He became in demand. He became so phenomenal that a certain TV Network offered him a 2 year contract. Ang TV Network na 'yun ay ka kompetensiya ng TV Network ni Alden Richards sa ngayon. Okay na sana ang lahat. But things started to change... Nagkaroon na ng limitasyon ang access niya kay Carlo. Sabi ng manager niya, 'yun daw ang sabi ng management. As much as possible, gusto lang daw nilang mapangalagaan ang career nito. "Meng, sorry ha. Kelangan lang talaga nilang gawin 'to." , Carlo once told her. "Ano ka ba, okay lang 'yun. I understand. You wanted and dreamed of this for so long. Kaya ngayon na nandito na, wag mo nang pakawalan." "Talaga? Okay lang sa'yo?" "Oo naman. Sige, ganito nalang...para magkaroon ako ng access sa'yo, mag organize nalang ako ng fans club mo para kapag may events ka, nandun' parin ako. At maghahanap din ako ng mga magiging members." "Really? Gagawin mo 'yun for me?" "Oo nga. Basta ba, may backstage access ako ha." "Oo naman. Sure. Anything for my bestfriend. Thank you, Meng.", he said while hugging her. And yes, Maine became an admin of Carlo's fan club. She named it 'CarloNatics Infinity' , and they became one of the largest fans club in the Philippines. Everything went well but Maine had to sacrifice many things for him. May mga panahon na kapag may mall shows or events si Carlo na out of town ay pumupunta parin siya. Lahat ng gastos ay sa kanya. Ni minsan ay hindi siya humingi ng kahit anuman kay Carlo. Lahat ng 'yun ay mula sa ipon niya from her allowance at hindi 'yun alam ng Nanay at Tatay niya. Naging malamlam ang pagiging mag bestfriend nila dahil nga sikat na sikat na ito. Palagi kasi itong busy araw araw: may mga tapings, endorsement shoots, out of town shows, at marami pang iba. As much as possible, ay iniintindi niya ito. Paano ba naman niya hindi maiintindihan si Carlo? Simula't sapul pa lang 'nung mga bata pa sila ay may espesyal na itong lugar sa puso niya. Mas higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya para dito. At ngayong natutupad na ni Carlo ang mga pangarap niya ay sobrang saya ang nararamdaman niya para sa lalakeng nuon pa man ay mahal na mahal niya. "Uy, Carlo. Congrats nga pala sa bago mong teleserye ha." "Thank you, Meng. Sorry ha, madalang nalang tayo mag usap ng personal. Kaya dito nalang muna sa phone. Naiintindihan mo naman 'di ba?" "Oo naman, Carlo. No worries. Ikaw pa. Malakas ka sa 'kin eh." "At saka pakisabi nalang sa lahat ng members ng CarloNatics Infinity na salamat sa lahat ng efforts para suportahan ako." "Sure. Makakarating. Basta, wag mong papabayaan ang sarili mo." "Yes, maam. Areglado." Nuong una ay madalas pa silang nagkakausap ni Carlo sa phone pero naging mas madalang na 'yun. Pero, hindi parin tumigil si Maine. There was a time that she skipped her classes just to show her support for him. Nagkaroon din siya ng failed subjects dahil madalas siyang absent. Naapektuhan ang pag aaral ni Maine dahil sa pagiging fan girl niya. At isa 'yun sa ikinagalit ng mga magulang niya. "Maine, ano 'to? Bakit ka bumagsak sa subjects mo?", tanong ng Tatay niya. "Tay, sorry po." "Meng, okay lang naman na magpakita ka ng support kay Carlo bilang kaibigan mo siya. Pero ngayon na naapektuhan na ang pag aaral mo...eh ibang usapan na 'yan.", sabi naman ng Nanay niya. "Eh kasi po, Nay...Tay, nag aalala lang naman po ako baka po walang mag update kapag wala po ako sa mga shows niya. Kaya minsan, umaabsent po ako sa klase." "Meng, isipin mo na may sarili ka din namang buhay. Hindi pwede na umiikot lang kay Carlo ang mundo mo." Nagpatuloy parin si Maine sa pagiging fangirl kay Carlo. She defended him against his bashers. Naging mas lalong naging malabo pa ang komunikasyon nilang dalawa. Then, one day Maine decided to surprise him on his condo. Sabi kasi ng road manager ni Carlo ay kasalukuyan itong nasa condo niya at nagpapahinga lang. Then, that day changed everything... "Carlo! Carlo!", she calls. Napansin niyang bukas ang pinto kaya pumasok na siya. Ilang beses pa niyang tinawag ang pangalan nito pero walang sumasagot. Kaya napag desisyunan niya na pumasok na sa kuwarto nito. When she opens the door...hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Carlo...the man that she loves is currently making love to a woman. "Carlo?!" "Meng? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka man lang nag text sa 'kin?", he said as he raised his voice on her. "Ahm, sorry. Sige, alis na 'ko." Sobrang sakit ng naramdaman ni Maine ng mga oras na 'yun. Agad naman siyang umalis. Napansin niyang unti unting nagbabago ang ugali ni Carlo simula nang mas lalo itong sumikat. Medyo naging mayabang na ito at minsan hindi na marunong rumispeto. Pero sa kabila ng lahat ng 'yun ay patuloy niya parin na minahal ito. Nagbulag bulagan siya. Pero, ang naabutan niyang eksena sa condo nito ay nagbigay sa kanya ng matinding sakit. Mahal na mahal niya si Carlo. Pero hindi niya kayang sabihin dito. Nasa parking lot na siya ng condo nang maabutan siya ni Carlo. Siguro, na realize nito na may mali siyang nagawa. "Meng, sandali. Look, I'm sorry." "Okay lang." "Galit ka ba sa 'kin?" "Hindi." "Maine, please...just..." "Oo galit ako, Carlo. Galit ako sa sarili ako." "Bakit ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Why are you so over reacting?" "Wow. Over reacting? OA ako, Carlo? Huh! Oo, OA na ako. OA ako sa pagiging fan girl ko sa'yo. OA ako dahil kahit sa kabila ng lahat ng ka gaguhan na ginagawa mo ay pinagtatanggol parin kita. At OA ako dahil nagbubulag bulagan lang ako." "Meng, why are you saying all of these? What you saw awhile ago in my room is just...." "....a part of your work, ganun? Wow ha! I didn't know na parte na pala sa trabaho mo na makasiping sa kama ang ka loveteam. Ano 'yun? Parte ba 'yun para mag work ang chemistry niyong dalawa?" "Nagsi selos ka ba? At saka bakit ka ba nakiki alam? Ano ka ba sa buhay ko?" Nasaktan ng sobra si Maine dahil sa sinabi ni Carlo. Sobrang sakit na parang mawawala na siya ng ulirat. Nasampal niya ito dahil sa sama ng loob. "Ano ako sa buhay mo? Nice question. Alam mo, 'yan din ang minsang tinatanong ko sa sarili ko. Huh, ako lang naman itong gaga na masyadong umasa sa kung ano ang meron tayo. Simula nuon pa, minahal na kita Carlo. Lahat tiniis ko para masunod lang lahat ng gusto mo. Naapektuhan na nga pati ang pag aaral ko 'di ba?" "Maine, I didn't ask you to do that." "Oo nga naman. Hindi nga pala. Ang tanga ko noh? Minahal kasi kita nang higit pa sa isang kaibigan. Umasa ako na pwedeng maging tayo. Pero, wala eh. Walang tayo." "Maine, please. Don't be so immature." "Immature? Ako? Sorry ha. Wala pala akong karapatan na mag selos. Wala." "Maine, please don't let our friendship be in a mess." "Oo nga...friendship. Friendship. Ang gaga ko kasi minahal ko ang kaibigan ko. Pinagpipilitan ko ang sarili ko sa isang tulad mo. Kahit anong habol ko sa'yo, wala eh. Ang layo mo na, Carlo. Hindi na kita maabutan. Nagbago kana." "Maine, alam mong hindi totoo 'yan." "Hindi totoo? Pero 'yun ang nararamdaman ko, Carlo. Tama na. Pagod na pagod na 'ko eh. Pagod na pagod na 'kong maniwala. Pagod na pagod na 'kong masaktan. Pagod na pagod na 'kong umasa. Tama si Nanay at Tatay...hindi lang sa'yo dapat umiikot ang mundo ko. Ayoko na. Tapusin na natin 'to." Hindi na niya pinakinggan ang sasabihin ni Carlo sa kanya. Umalis na siya agad. Hindi nila napansin na may kumukuha pala sa kanila ng video habang nagtatalo silang dalawa. Someone uploaded that video on you tube. Mabilis ang mga naging pangyayari. Naging usap usapan 'yun sa social media, balita sa telebisyon, at sa mga newspapers. Nagkaroon si Maine ng napakaraming bashers. Naapektuhan pati ang family niya at ang negosyo nito. Naging masama ang tingin sa kanya ng mga tao: kesyo feeling close daw siya kay Carlo, ang kapal daw ng mukha niya, walang pinag aralan, walang breeding at kung anu ano pang masasakit na salita ang sinabi sa kanya. Lahat na yata ng masasakit na panghuhusga ay narinig at nabasa niya. It pierced her heart so much. Okay lang naman sana na siya lang ang masaktan. Kaso, nadamay pati ang pamilya niya. Ang masaklap ay wala man lang ginawa si Carlo para maipagtanggol siya. Wala man lang siyang ginawa upang malaman ng mga tao ang totoong nangyari. She felt betrayed by the man that she loved all those years. And now...she hates him. So much. She was grounded by her parents for many months. Hindi na nakakalabas ng bahay si Maine dahil panigurado ay kukuyugin siya ng mga reporters at bashers. Kung alam lang nila ang totoong nangyari. Ilang gabi siyang umiiyak at tanging ang kapatid na si Colleen ang naging kakampi niya. Now, five years has gone...unti unti nang nawala sa isip ng mga tao ang nangyari. Wala na rin ang video sa you tube. Marahil na konsensiya ang nag upload nito kaya binura niya ang nasabing video. Pero, huli na ang lahat...nasaktan na siya. Nadamay pa ang pamilya niya. Maybe, that is the main reason why she chose to hide as Binibining Marikit on Twitter. Simula 'nung naging fan girl siya ni Alden Richards ay sinabi niya sa sarili niya na hindi na mauulit ang lahat ng nangyari. Tears fell on her eyes as she remembers all those memories. She looks at the picture for the last time. "Putangina mo, Carlo. Manggagamit ka. Gago.", she said. At ngayon na bumabalik siya sa pagiging fan girl ay hindi na siya magpapaka tanga ulit. She should know her limitations. Kaya nga hindi niya kayang magpakilala kay Alden Richards ng personal hanggang ngayon. Dahil natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at mahalin niya pa ito ng sobra kapag nagkakilala silang dalawa. She remembers what her friend Janeeva once told her... "Meng, baka naman malunod kana naman niyan at baka 'di ka na makaahon ulit." No. Hindi na siya pwedeng magkamali ulit. Ayaw na niyang maging isang disappointment sa pamilya niya. Kung nagawa 'yun ni Carlo sa kanya na kababata pa niya...pwede din 'yung magawa ni Alden Richards sa kanya na hindi naman niya kilalang kilala. She knows that it sounds really unreasonable. But she can't afford to make that mistakes again. Ayaw na niyang maging kampante...Not anymore. This time, she is much wiser than yesterday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD