***
The end of the alley is infamous for robbery, where muggers attacked night shift workers on the way home. Ysabelle, the lady Hora acquainted, a 30 years old office worker at Maria Castillo University the school that Hora thought was a castle. Madalas dito kung dumaan si Ysabelle ngunit nagkataon na natagalan ang naging pagpupulong ng mga staff ng unibersidad kaya madaling araw na siya kung nakauwi.
Although it was a blessing in disguise for Hora, but for Ysabelle It's one of those days when she ran out of luck.
Hora, on the other hand, wa holding back her anger. Pursigido ang lalaking nasa likod niya na nakawan ang pulubing diyosa. Nang hindi kumibo si Hora ay hinawakan siya ng lalaki sa kanyang balikat. Habang nanginginig sa takot naman na hinahalungkat ni Ysabelle ang kanyang bag.
"Akin na gamit mo,” bulong ng lalaki kay Hora, hindi naman siya pinansin ng diyosa.
"Gusto mo bang pumunta sa impyerno?" pananakot pa nito sa kanya.
Hora chuckled to what she just heard. Napakunot naman ng noo si Ysabelle sa pagtataka, hindi niya alam kung hindi natatakot si Hora sa mga magnanakaw o sadyang nababaliw lang talaga siya. Napaisip tuloy siya kung tama bang tinulungan niya ang isang misteryosong babae na mag-isang nakahiga sa eskinita.
"Ayaw ni Fraer ng mga 'di inaasahang mga bisita," wika ni Hora which irked the man, how come she could still talk despite the tension? Perhaps the man thought.
Fraer, the god of Caelestis' underworld, is one of Hora's many little brothers. The underground domain is called Inferma, where the souls of mortals are judged to reincarnate.
"Ibigay mo na kasi ang mga gamit mo," he continued to demand habang madiin niyang hinawakan ang balikat ng babae.
The mugger's grip to Hora's shoulder riled her up, she couldn't stand a human touching her divine body. If possible, she doesn't even want to breathe in the same space of a mortal. The next event was not supposed to happen yet the insolence of the mortals lit up the switch inside her.
A faint rattle of metal sheet and cans, as well as some rolling bottle on the street caught the attention of Ysabelle and the robbers. On the spur of the moment, a gust of strong wind swathed around Hora. The earlier quiet road continued to be loud, there were screeching of metal steel, clacking of iron bar, and flickering of the street lights.
"Anong karapatan ang meron ka para hawakan ako?" she finally snapped, her voiced echoed in range.
Napatakip ng bibig si Ysabelle sa nasaksihan, sa sandaling 'yon ay nagpagtanto ng dalaga na ang estranghera na nakilala niya ay hindi isang ordinaryong tao.
Is she even human? Ysabelle thought.
Akmang sasaksakin na sana si Hora ng lalaking nasa likod niya nang naging abo ang kanyang hawak na kutsilyo.
"UwaaAAaHH!" he screamed in fear.
Agad naman na tinulak ng isang lalaki si Ysabelle dahilan para tumilapon ang babae sa may basurahan. Ito na sana ang pagkakataon ng dalaga upang makatakas, pero hindi niya maigalaw ang buong katawan dahil sa nangyayari.
Marahas naman na bumunot ng baril ang lalaki at tinutok ito kay Hora. Mabilis niya itong ipinutok ngunit walang bala na umabot sa diyosa, dahil huminto ito sa kalagitnaan saka nahulog sa harapan ng lalaki. Nanghina ang kanyang mga paa at muntikan nang matumba. Itinukod niya ang kanyang mga kamay saka tumakbo sa eskinita. Susunod na sana ang isa nang bigla siyang buhatin ng hangin.
He tried to kick the air as an attempt to escape but he only failed. Hora lifted her right arm. She pointed her pinky then slowly carved a letter U in the air. Napahawak ang lalaki sa kanyang leeg. Sa mata ni Ysabelle ay nasasakal ang lalaki ng hangin na bumabalot sa kanya. However, unbeknownst to her, he was running out of air— Hora is absorbing out the air inside his body. Nang mapansin ito ni Ysabelle ay agad siyang napapikit habang tinatakpan ang kanyang mga tenga.
The robber moaned in pain, gasping for the littlest air left inside his body and his screams agonized Ysabelle.
Meanwhile, Hora is actually getting out of control despite the blast of wind wrapping around her. Her stomach began throbbing in every side, limbs were all noodled and sight was eventually being clouded. This might sound trouble for the goddess yet it's a fortunate situation for the robber. She lost her grip to control her kraftaz.
Kraftaz is what you call a god's strength be it the resilience that all gods possess or a god's unique ability that fulfills his duty.
“Cough!”
The robber coughed while breathing deeply, desperately gasping as many air as he could.
Nahulog siya mula sa pagkakaangat sa kanya ng hangin, patuloy din siyang huminga ng mabilis tila ba ibinabalik ang nawalang hangin sa katawan.
“COUGH! Cough! Cough!” Tuloy-tuloy na ubo ng lalaki.
Nang naramdaman niya na bumabalik na ang lakas ng kanyang mga kamay at paa nanginginig siyang tumakbo sa loob ng eskinita.
Maya-maya lang nabalot ulit ng katahimikan ang dulo ng eskinita. Nagdalawang-isip si Ysabelle na iangat ang kanyang ulo. Nang tumagal ang akala niyang panandaliang katahimikan ay tuluyan na niyang inalis ang mga kamay sa tenga. Napatalon siya sa gulat nang tumambad sa harap niya si Hora na walang malay. Dahan-dahan siyang tumayo, careful enough to not wake up the mysterious lady which Ysabelle concluded as an alien.
She found her bag and other belongings scattered on the street, it's obvious that the robbers had failed to steal them. She picked them up one by one including the expensive maroon leather Louis Vuitton Sarah wallet, and an iPhone 11 that she was yet to finish the installment. When she was about to finish, she heard Hora whimpering. Ysabelle could have ignored it – the alien– but when she saw the tears streaming down her cheeks, she suddenly felt a sting.
"Ama," Hora mumbled in her sleep. Haharurot na sana ng takbo si Ysabelle ng natigilan siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa.
She rolled her eyes, I'm too kind for my own good. She thought and pressed the number 1 in the dial for about three seconds, a name "Yvan" appeared on the screen and Ysabelle's phone dialed.
***
HORA
"Mamuhay ka tulad ng mga tao, Hora. Sana ay maalala mo ang kasalanan na iyong nagawa."
Alingawngaw ng boses ni ama sa panaghinip ko. Napakunot ako ng noo nang nakaramdam ako ng mainit na sikat ng araw sa bandang pisngi ko. Tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko nang may marinig ako na kalantog sa tabi ko.
"A-ah sh*t! That hurts." Namimilipit sa sakit na bulo ng boses ng lalaki. Bigla siyang huminto nang nakita niya ako na nakatingin sa kanya. Halos tatlong segundo muna kami na nagtitigan bago siya umiwas ng tingin.
"Oh! You're up," sabi niya sabay ayos sa sarili at paika-ikang lumabas ng kwarto.
“Sis! Gising na yung kasama mo!" rinig kong sigaw niya sa labas.
"ANO? Anong ginagawa mo sa loob? Lumapit ka ba sa kanya!?" naghihingalong tanong ng isa pang boses.
Nagkakagulo ata sila doon. Sunod ko naman na narinig ang malalakas na ingay ng tsinelas. Sandaling tumigil ang ingay at isang pamilyar na mukha ang biglaang sumulpot sa gilid ng pinto.
"H-hi. G-good mor-ning…?"
Hindi ako sigurado kung binabati niya ako o tinatanong. Hindi na lang ako sumagot sa kanya. At nang mapansin niya na hindi ako kumikibo ay ngumiti siya ng malapad at parang puwet ng alitaptap na kinurapkurap ang mga mata. Latang gulay ang buo kong katawan ngayon kaya gustohin ko man siyang punahin na nagmumukha siyang tanga sa ginagawa niya ay hindi ko magawa.
Tumingin ang babae sa kisame at nginiwi niya ang kanyang bibig. Sa tingin ko ay nag-iisip siya ng susunod na sasabihin. Akala niya guro ay hindi ako nakakaintindi ng ibang lengguwahe.
"Ah. Ma.gan.dang. umaga? Ku.mus.ta. ang… iyong. pa.ki.—"
"Tama na para ka ng tanga." Pagputol ko sa kanya.
"SOOORRY!" Malakas niyang sigaw habang nakaangat ang isang paa at nakatakip sa mukha niya ang dalawang braso. Akala na naman niya siguro na sasaktan ko siya.
"Itigil mo nga 'yan." wika ko, "Mabuti pa bigyan mo ako nung burger na binigay mo sa akin kagabi. Sumasakit na naman ang tiyan ko."
"S-sige. Wait lang, po." Umatras muna siya ng dalawang beses matapos ay yumuko saka siya mabilis na humarurot palabas ng kwarto.
Maliit lang ang kwartong ito kung ikukumpara sa kwarto ko sa Caelestis. Ngunit may malaki itong kama na hindi naman kasing lambot ng akin, at malaking salamin sa harap ko. Sa gilid naman ng salamin ay tatlong maliliit na pinto, hula ko ito ay lalagyan ng mga gamit niya. Ngunit may isa pang mas malaking pinto sa gilid ng mga ito siguro ay lagusan ito papuntang ibang lugar. Mahilig kasi ang mga tao sa mabibilis na transportasyon.
Maingat akong bumangon mula sa pagkakahiga. Masakit kasi ang buo kong katawan lalo na ang aking tiyan at mga braso. Tumungin ako sa salamin na nasa harap ko. Itinaas ko ang aking kanang kamay at ginalaw ang mga daliri ko na para bang nagsasayaw. Nagtila tubig sa kalmadong ilog naman ang ibabaw ng salamin.
Susubukan kong makipag-usap kay ama. Ayaw kong mamalagi ng matagal sa mundo ng mga tao kaya gagawin ko ang lahat makaalis lang ng mabilis dito. Hindi ko pa man nagawang palinawin ang malabong imahe sa salimin ay nahihirapan na akong huminga. Lumakas ang t***k ng puso ko na parang tumakbo ako ng ilang kilometro.
*clank*
Bigla akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang nagbagsakang plato at kubyertos.
"Ano ba!?" gulat kong tanong.
Siguro ay bukas ko na lang kakausapin si ama dahil wala na rin naman akong lakas para gamitin ang kraftaz ko. Itinuro ko ang mga pagkain sa sahig saka hinipan ang daliri ko. Mabilis naman na lumutang ang mga ito na tila ibinabalik nila ang sarili nila sa dating ayos. Mabuti naman ay kaya ko pa rin itong gawin.
"Hold it," utos ko, agad naman niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng bandeha. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. Hindi ko gaanong naaalala ang mga pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pero base sa ipinapakitang asal ng babaeng mortal at panghihina ng buo kong katawan, hula ko ay gumamit ako ng sandamakmak na kraftaz.
"Here, po," sambit niya sabay lapag ng bandeha sa higaan.
"Kaninong kwarto 'to?" tanong ko.
"I-it's my room." Nakangiti niyang sagot.
"Bakit mo ko dinala dito?"
"I also wondered why," nahihiya niyang sagot.
"Uh-please don't hurt me. I w—"
"Hindi kita sasaktan. Mabait ako sa mga tao na may respeto sa kapwa at diyos gaya mo," pagpapaliwanag ko.
Napahawak naman siya sa kanyang dibdib saka bumuga ng hangin,"Akala ko talaga sasaktan mo ko e, " pagtatapat niya.
"Hindi kita sasaktan so long as you give me respect." Sumubo muna ako ng pagkain at napangiwi ng labi. Labag sa loob ko ang susunod kong sasabihin,
"So long as you give me respect and help me."
Masigla siyang umupo sa kama,"Of course! Give and take. You saved me. I'll help you."
"Ano ang pangalan mo?"
Sa dami ng mga nangyari at sakit ng tiyan ko nakalimutan ko nang itanong ang pangalan ng mortal na ito.
"I am Ysabelle. Ysabelle L. Estrella." Sagot niya.
"Ysabelle. Gusto ko ang pangalan mo," sambit ko bago sumubo ulit ng pagkain.
Tulad ng inaasahan ko, hindi gaanong espesyal ang pagkain ng mga mortal. Ito ay puti at may maliliit na grano saka medyo malapot. May iilan din itong sahog na kayumanggi ang kulay at dilaw na bagay na medyo maanghang sa bibig. 'Di ko alam kung ano ang tawag dito pero hindi ito matamis gaya ng mga prutas sa Caelestis.
"Uhm, what are you?" biglaan niyang tanong habang pinipisil ang pisngi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin saka sunod na pinunasan ang pisngi ko.
"I'm s-sorry. You're just so gorgeous kasi. Saka ang ganda ng balat mo, tapos mas maganda pala sa liwanag yung mahaba mong buhok," ani niya.
"Yun lang?" tanong ko, alam ko kasi na hindi lang ang pisikal kong ganda ang kakaiba sa'kin. Pero maganda rin naman si Ysabelle, maitim at mahabang maalon na buhok, matangkad, porselanang balat. May matangos din siyang ilong, at malapusong hugis na labi. Mas maganda nga lang ako.
Kumurba ng kaunti ang kanyang pisngi, "Kasi ginawa mo yung mga ginawa mo kanina. Sa totoo lang natakot ako at saka 'di ako makapaniwala! I thought I was imagining things!" mutawi ni Ysabelle habang hindi maikalma ang sarili. Sa kanyang pagkaligalig ay umalon-alon din ang kama sa bawat kilos niya.
"Sshh!" saway ko sa kanya. Agad rin naman siyang tumigil.
Salamat naman dahil malapit na akong mahilo sa sobrang likot niya.
Gusto ko pa sana siyang pahulain kung ano ako pero may kutob ako na sasabihin niya lang na isa akong diwata. Ayoko ko rin maubos ang oras ko sa mga walang kabuluhang bagay, sapat na ang mawalan ako ng kontrol sa sarili kong kraftaz.
Ibinaba ko muna ang hawak kong kutsara saka nagsalita, "Isa akong diyosa."
Nang marinig ang katagang iyon ay nakalimutan ata niya kung paano magsalita dahil hindi siya agad na nakasagot.
"Ano?" tanong ko, nakatulala pa rin kasi siya sa mukha ko. Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw sa halos kalahating minuto niyang 'di pagkibo.
Akmang hahawakan niya ulit ang mukha ko, pero tumigil siya bigla at imbis ay inilagay niya ang sarili niyang kamay sa kanyang kanang pisngi.
"You're a goddess? Is that why you're so, so, so beautiful? Tapos may kapangyarihan ka? Kaya mo bang tumupad ng hiling?" bigkas niya na hindi pa rin inaalis sa akin ang tingin.
"Hindi. Genie ‘yon, hindi ako genie."
Matagal ng walang genie sa Caelestis dahil simula noong ika-12 siglo kung saan naging madalas ang pakikipagdigma ng mga mortal na sanhi ng makasariling kahilingan ng mga nakapulot ng mahiwagang lampara. Tahimik na ngayong naninirahan sa Caelestis ang mga genie. Mabababang uri ng nilalang ang mga genie kaya hindi kaaya-aya na ihalintulad ako sa kanila.
"So, what kind of goddess are you? Ah! Goddess of beauty?" hula niya habang malapad na nakangiti.
"Hindi. Si Bellita ‘yon, kapatid ko siya." Inaasahan ko na rin ang tanong na 'yan. Di hamak kasi na mas maganda kaming mga diyos at diyosa sa mga tao. Pero mas maganda nga lang talaga sa' kin si Bellita.
"So, ano po?" pagsuko niya.
"Ako ay ang diyosa ng oras." sagot ko sa hindi interisadong tono, tapos ay sinubo ang huling kutsara ng puting pagkain.
"Goddess of time," wika niya, hindi muna ulit siya kumibo. Ngunit maya-maya lang ay muli siyang nagtanong,
"Why are you here?" Napairap na lang ako dahil ako mismo ay hindi alam kung ano ang ginagawa ko sa mundo ng mga tao.
Sapat na siguro sa ngayon ang detalyeng nasabi ko sa kanya. Nginitian ko na lang siya saka kinuha ang baso ng tubig at ininum ito. Hindi na niya inulit pa ang tanong, kinuha na lang niya ang bandeha at lumabas ng kwarto.
Humiga ako sa kama. Iniunat ko ang mga nangangawit kong braso. Napahinto ako sa pag-uunat nang mahagilap ko ang puting kisame. Binuksan ko at hinarap ko rin sa kisame ang aking mga palad.
Naalala ko lang ang kwarto ko sa Caelestis na tanaw na tanaw ang bughaw na kalangitan at malalambot na ulap. Ngayon, imbis na 'yon ang matanaw ko isang puting kahoy na kisema ang nasa harap ko. Agad kong binaba ang aking kamay nang nakarinig ako ng tunog sa pinto. Sunod ay niluwa nito si Ysabelle.
"Naalala ko nga pala. If you don’t mind me asking, what's your name?"
Isinara niya muna ang pinto saka pinihit ang harap ng busol, "I was too distracted asking what are you, I even forgot to ask the most important thing," sabi niya bago ngumisi ng malapad.
"Hora." Sagot ko.
"Can I call you, miss Hora? It's seems weird for me to call you Hora knowing you're a goddess.
"Saka ayaw ko rin na matulad doon sa dalawang lalaki kagabi," wika niya sa paliit na paliit na boses.
Natawa ako sa sinabi ng mortal na ito. Tumango na lang ako bilang pagpayag.
Nagagalak akong malaman na marunong rumespeto ng nakakataas ang mortal na una kong nakilala sa mundong ito.