HORA
Panandalian akong nabulag nang naglaho na ang liwanag sa aking paligid. Kumurap at kinusot ko ng mga ilang ulit ang aking mga mata para ayusin ang nanlalabo kong paningin. Hindi pa man ito malinaw, alam ko na agad na wala na ako sa Caelestis. Iba ang simoy ng hangin sa paligid, maingay din dito na tila ba abala ang lahat.
*HONK*
Ang malakas na busina ng sasakyan sa 'di kalayuan. Sa sandaling narinig ko ito agad kong nakumpirma ang hinala ko — nasa mundo ako ng mga mortal.
*HOOONK*
Mas mahaba at mas malakas pa nitong busina.
*HONK*
*HONK*
*HONK*
Sunod-sunod na hampas ng drayber ng sasakyan sa manubela. Na tila ba umaasa itong mahahawi ako sa ingay ng tunog ng busina.
Nang naging kasing linaw na ulit ng kristal ang aking paningin ay agad kong napansin ang mga sasakyan sa aking tabi. Nakapila silang lahat habang patuloy ang pagpindot o hampas sa kani-kanilang busina. Sanhi para maging sobrang ingay ng kalsada at ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin.
"HOOOY!" sigaw ng mama sa dulo.
"ANO BA!?" dagdag pa ng drayber ng kasunod nitong sasakyan.
Hindi ako natinag sa mga sigawan nila. Imbis ay inilagay ko ang aking hintuturo sa ibabaw ng pinakamalapit na sasakyan sa akin, saka ko hinimas-himas ito.
Ito pala ang karwaheng makina na ginagamit ng mga tao. Hindi gaya ng kabayo, mainit ang katawan nito at makintab. Mas naging makintab pa ito dahil sa ilaw na mula sa sikat ng araw. Mabilis kong inalis ang aking hintuturo dahil sa gulat nang biglang lumakas ang pagkatal ng sasakyan. Lumikha rin ito ng magaspang at maingay na tunog at puting usok na nagtila ulap na naipon sa kalsada. Napaubo ako sa nalanghap kong usok, kaya umalis na lang ako sa harap ng sasakyan.
Napaka walang modo.
Mabilis naman silang umarangkada at nagpatuloy ang mahabang agos ng mga sasakyan sa harap ko na tila ba walang babaeng na nakaharang sa daan nila kanina.
Inayos ko ang nagulo kong buhok, nagpagpag ng puti kong suot. Napansin ko rin na hindi ko na suot-suot ang mahaba kong damit na sutla imbis ay umikli ito, naging kulang ito para lumagpas sa tuhod. Nawala rin ang suot kong pulang sinturon sa bewang, saka ang ginto kong takong at napalitan ito ng pulang tsinelas na goma.
Hindi ko alam ang gagawin, pero alam kong hindi ako takot. Hindi ako dapat matakot. Nagpalingo-lingo ako para maghanap ng kung ano man na makakapagpaintindi sa sitwasyon ko ngayon. May babaeng dumaan sa gilid ko ngunit imbis na humingi ng pahintulot para dumaan ay binangga lang niya ang balikat ko at tinitigan ako ng masama.
Sa tingin ko iniisip niya na kasalanan ko kung bakit nagbanggaan ang balikat namin.
Ang mga ganitong uri ng tao ang kinamumuhian ko, parang nakalimutan na nila ang aral na tinuro sa kanila ng mga magulang nila, "Igalang ang kapwa." Hindi porque mukha akong pulubi sa suot ko ibig sabihan ay dapat mo na akong tratuhin ng masama.
Naisipan kong bigyan siya ng kaunting parusa sa inasal niya, kaya itinigil ko muna ang oras saka ko siya nilapitan para kunin ang suot niyang kwintas at itinapon sa kabilang dulo ng kalsada. Hindi ko alam kung importante sa babaeng ito ang kwintas na 'yon, pero maganda ang kwintas. Kulay ginto ito at may palawit na hugis puso. Alam ko rin na gustong-gusto ng mga tao ang mga magagandang bagay kaya siguro naman importante' yon.
Dumistansya ako ng kaunti sa kanya at pinatunog ang aking daliri para ipagpatuloy ulit ang daloy ng oras. Dire-diretso lang siyang naglakad papuntang tawiran na walang kamalay-malay sa nawawala niyang kwintas.
"Aaah," wika ko. Naisip ko lang na masarap sa pakiramdam ang makapaghiganti. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip ng bibig nang mapansin kong nakangiti ako sa tuwa.
Napansin ko na mataas na ang sikat ng araw kaya naisipan kong maglakad-lakad. Dahil wala akong alam na lugar na puwede kong puntahan, tumungo ako sa dereksyon na kung saan ay maraming tao. Sa 'di kalayuan may nakita akong malaking tarangkahan, matayog ito gaya ng sa pinto ng silid ni ama. Makapal din ang mga pader na nakapalibot dito.
Sa palagay ko dito naninirahan ang mga tao. Dito kasi patungo ang mga taong sinusundan ko. Sa Caelestis kasi nakatira ang mga pangunahing diyos sa loob ng kastilyo, bawat isa ay may kanya-kanyang kuwarto. Tahimik kaming namamalagi sa mga kuwarto namin, ang iba mas gustong lumabas at makihalubilo sa ibang mga diyos habang ang iba naman, gaya ko, ay nasa loob lang ng kuwarto nila nanonood sa mundo ng mga mortal o kung ano-ano pang gawain gaya ng paghahabi, pagbabasa, pagtugtug ng instrumento at iba pa.
Mabilis akong naglakad patungo sa kastilyo ng mga mortal. Papasok na sana ako nang biglang may matinis na tunog na nagpatigil sa daloy ng tao.
"Oy! oy! oy!" sita ng lalaking nakatayo sa gilid ng tarangkahan habang tinuturo ako.
Sa nakikita ko siya ang guwardya ng kastilyong ito.
"Bakit?" tanong ko.
"Ma'am, bawal kang pumasok dito ng walang paabiso,” mayabang niyang sagot.
Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi gaya ng guwardya ng aming kastilyo wala siyang bitbit na sandata. Sumagi sa isip ko na maaari ko siya 'wag sundin at pumasok na lang ng basta-basta. Ngunit naisip ko rin na baka magalit ang hari ng kastilyo sa ipapakita kong asal. Gusto ko sanang makita at makipag-ayos sa kanya para pagsamantalang mamalagi sa kaharian niya.
"Tao," panimula ko, "Sabihin mo sa akin kung paano ako makakapasok sa kastilyong ito?"
Binigyan niya ako ng tulirong tingin bago sumagot, "Ah. Ganun ba," wika niya. Halata sa mukha niya na hindi niya naintindihan ang tanong ko.
Uulitin ko na sana ito para mas maintindihan ng mortal niyang utak ang ibig kong sabihin nang nagsalita siya ulit, "Dito po tayo, ma'am. Paki-sign na lang po ng log book," pagpapaliwanag niya sa akin.
Inabot niya sa akin ang makapal na libro na nasa loob na maliit na silungan sa gilid ng tarangkahan. Saka niya itinuro ang parte ng libro na pagsusulatan ko ng pangalan at pirma.
"Diretso lang po kayo sa registrar para mag-inquire." Patuloy niyang paliwanag sa akin.
Pagkatapos kong masulat ang aking pangalan ay mabilis na akong naglakad papasok ng kastilyo. Malawak ang kastilyo, nakabalot ito ng mga d**o at puno sa daan. May iba't ibang hugis at kulay din na mga sasakyan na nakahilera sa gilid. Meron ding mababa at matatayog na mga gusali.
Hangga't maaari ay ayaw ko sana na makipag-usap sa mga mortal, pero dahil kailangan ko ng kuwarto siguro ay pwede kong kausapin ang tagapagbantay ng silid na tinatawag nilang registrar.
Kung ang direksyon kung saan patungo ang mga tao ay papunta sa kanilang mga kuwarto, siguro naman ang direksyon kung saan mas kunti ang dumadaan ay patungo sa silid na tinatawag nilang registrar. Nagpatuloy ang aking paglalakad sa tahimik at 'di abalang daan. Madali lang kasing basahin ang mga tao.
Napadaan ako sa silid na may karatulang SHS Principal's Office. Wala akong ideya kung anong silid ito pero mukha siyang silid ng importanteng tao. Ginto kasi ang gilid ng lalagyan ng karatula.
Atat kong pinihit ang busol saka tinulak ang pinto. Walang busol ang pinto ng mga kuwarto namin sa Caelestis. Pero kahit wala hindi naman ibig sabihin ay hindi ko na alam gamitin ito, diyosa ako, mas marami akong alam kesa sa mga mababang nilalang gaya ng mga mortal. Halos araw-araw ko silang pinapanood sa aking salamin, sa anumang panahon. Mula pa sa panahon na natuto silang gumamit ng apoy para mabuhay hanggang sa panahon kung saan natuto silang gamitin ito para kumitil ng buhay.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa akin ang isang babaeng may suot na salamin sa mata.
"Yes?" tanong niya.
"Ito ba ang registrar?" pabalik kong tanong sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo sa narinig. Bumuka ang kanyang bibig, akmang may sasabihin siya nang muli niya itong isara at bumuntong-hininga na lang.
"Nasa unahan ang registrar. The third door from here," sagot niya. Halatang wala siyang gana na makipag-usap sa akin.
Siya pa talaga ang walang gana. Hindi ko gusto ang pagtrato niya sa akin, kaya pabagsak kong isinara ang pinto paglabas ko.
"Tumanda ka sana ng mabilis," bulong ko sa sarili habang binibilang ang mga kasunod na pinto ng kuwarto.
Nang nasa tapat na ako ng registrar ay marahas kong pinihit ang busol at mabilis na hinawi ang pinto. Gulat na tumambad sa harap ko ang isang lalaki na nagmamadaling inaayos ang kanyang mga gamit.
"How can I help you?" malambot niyang tanong. Medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nag-isip pa ako ng ilang segundo bago ko maalala na maraming wika ang mga tao. Gaya nung babae kanina gumamit siya ng wikang Ingles. Lumapad ang gilid ng mga labi ko nang maalala ito. Naisip ko lang na hindi ko pa pala nasubukang gumamit ng ibang wika.
"Kastilyo... ka—"
Ano nga Ingles ng kastilyo? Tanong ko sa sarili, dahil hindi ko alam minabuti ko na lang na ibahin ang tanong.
“How can I get in here?"
May idadagdag pa sana ako nang bigla niya akong inabutan ng puting papel.
"Here. These are the requirements. For senior high transferees we only require your grade 11 report card and good moral certificate. The birth cert will be process by your previous school. Ah! and a passport size photo with this fill-out form." Mabilis niyang pagpapaliwanag.
Unang-una sa lahat, wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang report card o kung para saan ang grade 11.
"Okay! That's all! Labas na, hija," sabi niya sabay hawak sa siko ko at pasimple akong hinila palabas ng kwarto kasama niya.
"May meeting pa kasi kami," muli niyang pagpapaliwanag sabay sarado ng pinto. "You can contact me through email dyan sa form and ask me inquiries. Then next time bring your parent or guardian with you to talk about your transfer," mahinahon naman niyang sabi.
"Okay? See you," huli niyang sambit saka tuluyang naglakad papalayo.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ang alam ko lang nasa mga papel na ito ang daan para makapasok ako rito. Binuksan ko ang palad ko at isang asul na ilaw ang lumabas, inilagay ko doon ang mga papel.
***
Lingid sa kaalaman ni Hora, ang sinasabi niyang kastilyo ay ang paaralang Maria Castillo University. Isang unibersidad na may kumpletong baitang mula basic education hanggang kolehiyo.
Kanina pa kumakalam ang tiyan ni Hora, malapit ng dumilim ang paligid subalit hindi pa siya kumakain ni biskwit man lang. But Hora had not realized it yet. She had never been hungry before. The gods may eat but they don't need to eat food to live. For gods, eating was only for the pleasure of tasting delicious food.
Napaupo si Hora sa gilid ng flagpole. Sa 'di kalayuan ay nakita niyang isa-isang pinapalabas ng gwardiya ang iilang tao na nasa loob ng silid.
"Ma'am," tawag ng isang gwardiya sa kanya.
"Bakit?" Hora answered as she stands up.
"Kailangan niyo na pong lumabas. Bawal na po ang high school sa loob ng campus basta 6:30 na po," sagot ng gwardiya.
Wala ng nagawa si Hora kundi ang lumabas. She thought that the banned humans were only temporarily living in the castle. As if they have a limited stay in a five-star hotel.
Naghanap ng paraan si Hora para makakita ng ibang matutuluyan. At dahil wala siyang alam na lugar sa panahong ito, sinubukan niya sa ibang panahon. Nagtago muna siya sa isang eskinita. Alam ng diyosa kung gaano ka ignorante ang mga tao. Kinatatakutan at nilalayuan nila agad ang mga bagay na 'di nila nakasanayan o mapaliwanag kaya kung maaari ay ayaw niya na madiskubre ng mga tao. Ngunit parte na sa kanya ang kanyang kraftaz kaya hindi maiiwasan na gamitin niya ito.
Ipinagdugtong ni Hora ang kanyang mga hinlalaki at hintuturo para maghugis tatsulok ito saka niya hinipan ang gitna. It produced a gray spiral smoke which formed a rectangular portal. She then lifted her feet inside the portal.
When she stepped her feet on the ground the ambience immediately changed. She's in medieval period, the age known for frequent warfare or the Dark Age, Black Death, and gothic architecture. The era when humans was yet to build their beliefs and uncover the world's mysteries, well few of the world's mysteries to be exact.
The galloping of horses' feet on the street, as well as the busy steps of the passersby overwhelmed Hora.
People quickly hid when loud gunshot rumbled in the narrow alley. Some hid under the goods they sell, some simply used their hands to cover their head, and some ran out of surprise. But there were humans who dared to draw their swords and walk straight to the source of the noise.
"AAAHH!" a man shouted in agony from a distance.
Napabuntong-hininga si Hora.
"Oops! Maling sitwasyon at panahon," wika niya habang muling kinorteng tatsulok ang mga kamay at gumawa ng bagong portal.
Ayaw ng gulo ni Hora, kaya ayaw niyang manirahan sa panahon na puno ng giyera. Sino ba kasi ang nais ng gulo?
"Buti na lang at hindi ako doon unang napadpad," wika niya sa sarili.
Sunod siyang napunta sa ika-19 siglo, kung saan naging maunlad ang mga tao sa larangan ng agham at teknolohiya. Hindi pa man siya nakatapak sa lupa ay tila hinihila na siya pabalik ng ‘di malaman na puwersa. Pilit niya itong nilabanan, kumapit siya sa gilid ng lagusan. Unfortunately, a gigantic black hole appeared behind her and sucked her back to the dimension between time and space. The time passed in light years. If she were human, she would have melted neither bones nor ashes will be her remains. But no god or goddess can time travel except Hora.
Then the intense pulling stopped.
"Hora," her father's voice rumbled.
"Ama. Ama! Pabalikin niya na po ako! Ama!" sigaw ni Hora sa kawalan. "Ama!" sigaw niya ulit subalit umalingawngaw lang ang kanyang boses. Napayuko si Hora habang nangingilid ang luha.
"Hora," muling wika ng ama, "anak ko upang matupad ang kagustuhan kong mahalin mo ang mga tao, kailangan kong limitahan ang iyong kraftaz," pagdeklara ni Osferion sa anak.
"Babawiin ko ang kakayahan mong makapunta sa ibang panahon!" he added and a loud roar was heard inside the dimension.
"Pero ama! Paano ako mabubuhay kung wala ang aking kraftaz?" she cried.
"Ama!" she continued to call in between her tears.
"Ama? Ama, maawa ka— aaAAAHHH!"
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay muli siyang hinila ng puwersa pabalik sa panahon na pinagmulan niya.
In a flick she's back on the ground of the narrow alley she came before. Malalim na ang gabi sa pagbabalik ni Hora. Malapad niyang inilatag ang likod sa malamig na semento habang nakatingin sa walang butuin na kalangitan. Nakabukas ang kanyang mga braso at paa saka dahan-dahang natuyo ang luhang tumulo sa mga pisngi niya.
"Are you okay?" tanong ng isang boses, biglang bumungad sa harapan ni Hora ang isang babae. Nakasuot ito ng maitim na suit, naka pencil skirt din ito at may bitbit na pulang bag at putting plastik.
"Naku! 'Wag ka dyan! Ang lamig ng semento!" Inabot ng babae ang kanyang kamay. Nag-dalawang isip si Hora na kunin ito pero bago pa man siya nakapag-desisyon ay kinuha na ng babae ang madudumi niyang kamay.
"Are you hungry?" tanong ulit ng babae.
Gutom. Napaisip si Hora kung ang sakit ng tiyan na naramdaman niya nang bumalik siya mula sa ibang panahon ay ang tinatawag ng babae na gutom.
"Here. I'm on a diet so I can't eat too much calories. My friend bought that for me so don't worry," wika ng babae sabay abot ng plastik na may lamang burger kay Hora.
Ayaw sana itong kainin ng diyosa nang kumalam ng malakas ang kanyang sikmura, "Gutom ka nga," sabi ng babae na nagpipigil ng tawa.
Napagtanto ng babae na malayo sa itsura ni Hora ang pagiging isang pulubi. Kahit na nakahiga siya sa semento nang makita niya ito, malinis naman ang suot niyang damit, at may malasutla siyang buhok.
The lady unconsciously rubbed Hora's hair she was probably amazed by it. Agad naman itong hinawi ni Hora.
"Ilayo mo nga 'yang madumi mong kamay, tao," Hora said aggravated to the lady's gesture.
Nagulat naman ang babae sa naging asal ni Hora. Susumbatan na sana niya ito nang muling nagsalita ang diyosa, "P-pasenya na. Ayaw ko lang kasi na hinahawakan ako," mabilis niyang paghingi ng tawad. Naisip kasi ng diyosa na baka nanunood mula sa Caelestis ang kanyang ama.
Ngumiti naman ang babae.
"It's fine. Kasalanan ko rin naman 'cause I suddenly touched your hair. Ang ganda kasi."
"Oo naman. Buhok ‘yan ng isang diyosa," sagot ni Hora habang nginunguya ang burger.
The lady giggled as she thought that Hora was joking. On the way out of the alley, the lady kept talking about her work and her little brother, while Hora could not care less but to eat the burger and noticed her strength going back.
"Ubos mo na? Gusto mo ng tubig?" the lady offered while looking for the water bottle inside her bag.
Bigla siyang apahinto nang makaramdam ng malamig na bagay sa likod ng kanyang leeg.
"'Wag kang sumigaw," bulong ng lalaki sa likod ng kanyang tenga.
Napairap na lang si Hora sa kanyang nakita. Sanay na kasi siyang makita ang ganito uri ng sitwasyon, isa kasi ito sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga tao. There are some situations where the robber even died because the victim resisted.
She clicked her tongue when she felt someone was approaching behind her, and also when her back touched a sharp knife pointed on her side. It was then when Hora forgot about the possibility that her father might be watching her inside his chamber.