*** Sa isang malamig at madilim na kagubatan natagpuan ulit ni Hora ang sarili. Doon ay may mga taong pinapalibutan ang tila ba malaking siga ng apoy. Pamilyar kay Hora ang mga kasuotan ng mga taong tagabaryo. Ang kanilang mukha, at kulay ng kanilang balat, pati ang nagpupuyos sa galit na ekspresyon ng kanilang mukha lahat ng ito ay nasaksihan na ni Hora. Ang bawat sigaw at bulyaw, bawat salitang binabitawan nila. Bawat hiling na kamatayan, lahat ng ito ay direktang patama kay Hora. Kay Hora. Hindi maipaliwanag ng diyosa kung bakit nanggagalaiti sa galit ang mga tagabaryo sa kanya. Ang mga nanlilisik na mga mata na hindi kayang takasan ng diyosa ay unti-unti lumalapit sa kanya. Dahan-dahan na tila ba sinisigurado na wala ni isang segundo man na pagkakataon si Hora na pumikit o makawala

