*** Sa magarang kusina nina Coallyn nagtungo ang dalawa. Nagtatakang sumunod sa dalawang dalaga si Yvan matapos niyang sabihin na mahinahon nilang pag-usapan ang sitwasyon nilang dalawa ni Hora. "Why are we here?" he asked while looking around the place. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok si Yvan sa bahay ng kapatid ni Coallyn kaya ganoon na lang ang pagkabalisa niya. Isa pa napansin niya na tila ba sanay na sanay na si Hora nang sila ay nagtungo sa sala. Walang pag-aalinlangan rin itong dumiretso ng kusina na para bang kabisado na nito ang buong lugar. Kaagad na umupo si Hora sa kabisera ng lamesa kagaya ng kanyang nakasanayan. Ngunit nang napansin rin niya na medyo balisa at maya-maya kung luminga-linga sa paligid si Yvan ay pumunta siya sa kaliwang parte ng lamesa kung saan naka

