*** "Tapos na ako, p-pasensya na sa paghihintay," wika ni Hora sa medyo nahihiyang tono ng boses. Naghihintay kasi sa kanya sa loob ng kotse si Yvan. Napansin ni Hora na mas naging madali sa kanya ang pag-iipon ng kraftaz simula noong bumusita siya sa maliit na kagubatan ng syudad. Kaya napagpasyahan niya na bumisita ulit doon. Iba sa nakasanayang eksena ang masasaksihan sa bahay ng mga Estrella ngayon. Walang naiinis na boses ang maririnig o maikling bangayan na nagaganap. Simula kasi kahapon, Sabado, ay nangako na maging mapag-unawa sa isa't isa si Hora at Yvan. Kahit na sa totoo lang ay hindi naman talaga nila kailangan na mangako dahil madalas na sanhi ng mga bangayan ng dalawa ay ang pagtatago nila ng tunay na nararamdaman sa isa't isa. Additionally, Hora just realized how much sh

