*** "ADAM'S CRUSH, HUH!" Umalingawngaw ang boses ni Crystal sa paninigaw niya kay Hora. Sa kabila ng malawak na espasyo ng malapad nilang field ay rinig na rinig ng lahat ang boses ni Crystal. Kaya naman kaagad na tumungo sa kanilang tatlo ang atensyon ng mga dumadaan. Sinundan ng kanyang mga mata ang mga litratong nagsilaglagan sa harap niya at bahagyang natulala sa gulat nang mahagip ang larawan nilang dalawa ni Yvan na papasok ng restaurant nila Coallyn. Nadaplisan pa nga ng konti ang kanyang pisngi, subalit hindi na ito napansin dahil sa mabilis itong naghilom. Tumungo naman kay Yvan ang mata ni Crystal at dinuro-duro ang binata sabay sigaw ng mga katagang, "You said she is my brother's love interest!" Mabilis na pinulot ni Yvan ang isa sa apat na mga litratong nahulog sa lupa pa

