*** Maraming misteryo ang bumabalot sa mundo ng mga mortal. Nag-ugat ito sa tanong na paano ginawa ang mundo? Saan nagmula ang mga mortal? At kung bakit sila nabubuhay? Mula sa mga katanungan na ito ay nabuo ang mas tiyak na mga tanong kagaya na lang ng ano ang tao? Paano gumawa ng apoy? Paano nakakahinga ang tao? O kaya naman paano gumagana ang utak ng tao? Sa paglipas ng panahon ay mabilis na nadadagdagan ang mga katanungan at unti-unti rin silang nasasagot, salamat sa Siyensya at Teknolohiya. Subalit, iba ang usapan noong mga panahon na wala pang Siyensya na makakasagot ng mga katanungan na ito. Noong panahon na ang simpleng pagkakaiba lang ng isa sa lahat ay tinatawag nang sumpa. Pero hindi rin ibig sabihin nito na wala pang mga mortal na naghahanap ng kasagutan sa kanilang mga kata

