*** Sa kanyang paggising ay hindi natinag si Bardraco, patuloy siyang nag-isip at sumubok para alamin kung ano ang naging pagkakamali niya. Halos isang linggo niyang inulit-ulit ang parehong orasyon, pero kaagad siyang nauubusan ng lakas sa parehong parte. Sa tuwing nakakaramdam na ng lamig ang katawan ni Bardraco na siyang nagpapahiwatig na nasa unang bahagi na siya ng lagusan ay nawawalan siya ng lakas sa katawan at nagsisimulang mamanhid ang kanyang mga kamay, kasunod nito ay ang pagkawala ng kanyang malay. Naisip niya na baka kulang ng lakas ang kanyang katawan kaya nag-ehersisyo siya sa loob ng tatlong buwan. Naging mabilis ang pagpapalakas ni Bardraco dahil may mga kagamitan ang kasalukuyang panahon na wala sa lumang panahon ng mga Ehipto. Malaki ang pinagbago ng katawan ni Bardrac

