*** Sunod na tumungo si Bardraco sa kabilang pinto at kukunin din sana ang gintong plaka ng isa pang numero nang bigla siyang nahinto. Para bang may pumipigil sa kanyang kamay na gumalaw at sa isang kisapmata lang ay hinila na siya pabalik. Isang saglit na pitik ang kanyang narinig at sunod na siyang dumilat sa loob ng silindrong puno ng likido. Nangingisay niyang inabot ang tuktok nito para pihitin ang pahabang busol. Naubos na kasi ang laman ng oxygen tank, saka siya huminga ng malalim para sumagap ng hangin. Maingat siyang umahon sa silindro. Napapitik siya ng kanyang dila nang makita na nawawala ang kanyang damit pang itaas na kanina’y hawak-hawak lang niya. "The damn shirt may have been left in the century chamber," hingal na hingal niyang wika. Laking panghinayang niya dahil nasa

